May ilang minuto rin na nanatili si Bella at Angel sa kwarto. Marami silang napagkwentuhan dahil marami silang ibinalita sa isa't-isa.
Halos mapuno ng tawanan ang kwarto ni Prin.
Binalita rin ni Ginny na buntis si Sandra at kailangan itong iwan ni Lorenz sa Sweden dahil kailangan nitong bumalik sa UK para gabayan ang Dark Guards.
Hinarap ni Prin ang anak niya matapos makipag-kwentuhan. May ilang linggo rin niyang hindi nakita si Khalid.
Hinaplos niya ang buhok nito. Habang tumatagal mas lalong nagiging kamukha ni Khalid ang daddy nito, kakaunti lang ang nakuha nito sa kanya.
"You will be staying at Tita Bella's home tonight. Come back tomorrow, Okay?" Paliwanag niya dito. Si Ginny ay mas pinili na magpunta sa eskwelahan kung saan ito nagtuturo dati para makipagkamustahan din sa isang Professor doon.
Halatang hindi nagustuhan ng anak niya ang nais niya. Bahagyang nalungkot si Khalid. He came all the way from UK. Normal na hindi niya magustuhan na kailangan na naman niya na mahiwalay kay Prin.
"Mommy, when are we going back home?"
Hindi rin alam ni Prin ang isasagot. Kung tutuusin gusto na nga rin niyang umuwi sa Pilipinas at magbalik sa trabaho. Madami siyang natambak na trabaho, idagdag pa na pati ang White Devil ay kailangan niya na rin simulan na aralin ang mga pasikot-sikot at kalakaran sa business ng Daddy niya.
"Next month." Sabi niya kahit pa nga dalawang buwan pa dapat siya sa recuperating room na iyon.
"Kaya kailangan natin na magpakabait para payagan tayo ni Daddy."
Tumango na lang si Khalid.
"I'll be back tomorrow. I love you, Mommy." paalam nito. Hinalikan niya lang ito sa pisngi.
"I love you, Baby."
Sumunod ito kay Bella at Angel na lumabas ng kwarto.
Naiwan si Prin na mag-isa na naman sa kwarto. Bumalot na naman ang pagkaboring niya ngayong nag-iisa siya sa loob ng kwarto na iyon.
Tumayo muna siya at tumingin sa labas ng clear na bintana. Kasalukuyan na umaambon sa siyudad ng Seoul, Korea. Matagal din niyang inaliw ang sarili. She thought kung nakauwi na ba si Bella, Khalid at Angel sa bahay ni Kai Jang.
Unti-unti nang dumidilim ang kalangitan at napapalitan iyon ng liwanag ng city lights.
Matapos ang mahabang sandali, pumasok siya sa shower para linisin ang katawan. May ilang minuto rin siyang nagtagal sa loob saka siya nagpalit ng pajama para makapaghanda sa pagtulog.
Nang lumabas siya, hindi niya inaasahan na makita ang isang nilalang na nasa tabi ng bintana kung saan siya nakatayo kanina.
"Oh my goodness!" Halatang nabigla siya sa pagsulpot ni Cally. Nasapo niya ang dibdib sa pagkagulat sa biglaang pagsulpot nito. Hindi man lang kasi nagbigay ng abiso si Cally sa kanya.
Nakatayo ito sa pinakasulok na kwarto katabi ng bintana. Nakahawi pa ang kurtina at nakatingin ito sa labas.
Nagrereflect sa mukha nito ang iba't-ibang kulay ng city lights mula sa labas. Nilingon siya nito.
"I'm sorry, Honey. Nabigla ba kita?" He asked indifferently.
Lalapitan niya na sana ito pero matapos ang dalawang hakbang, she stopped. Something was off about him that she wasn't sure of. Ang nasa harap niya ay siguradong mukha at ka-boses ni Cally, pero iba ang awra ng kasalukuyang Cally.
She picked up her phone na nasa ibabaw ng kama na para bang normal lang at pinilit na magpakalma.
"Hihingi lang ako ng gamot sa pharmacy. Sumakit kasi ang ulo ko. Dito ka na muna, okay?" Sabi niya dito na pilit ngumiti.
Tumango ito. Then, she opened the door.
No one was around on her floor outside. Nagsimula na siyang kabahan.
She turned her phone to 'Silent Mode'. Saka pinindot ang elevator. Sa gilid ng mata niya ay may mga napansin siya na mas nagpatibay ng kutob niya.
The person in her room is definitely not Cally! Who is that man?
'Think Prin, Think!'
Nakakuyom ang mga kamay niya na pumasok ng elevator.
Bumaba siya ng ground floor. Ilang lalaki ang nakakalat sa lobby na nakasuot ng damit na pang-nurse, doctor at kung ano pa but she knew that these people were not hospital staff. Sabay-sabay na lumingon sa elevator ang lahat na para bang alerto ang mga ito.
"Get her!" Sigaw ng isa.
Agad na pinindot ni Prin ang 'close button'. Gumilid siya at hindi nga siya nagkamali na pinaputukan ng ilang beses ang elevator. Ilang ulit niyang pinagpipindot iyon hanggang sa magsara.
Halos hindi siya makahinga. Matapos iyon hindi na nakapag-isip na pumindot ng kung anong floor.
Tumunog ang bell ng elevator tanda nang nakarating na siya sa destinasyon na palapag. Lumabas siya sa loob nito matapos na bumukas iyon. Agad siyang tumakbo at tinungo ang hagdan para magtungo sa floor ng garden area.
Habang tumatakbo, nagsisimula na rin na tawagan niya ang personal na numero ni Cally. Sa oras na ito ang tunay na Cally ang nais niyang makausap dahil sigurado na hindi tunay ang Cally na nasa kwarto niya.