Chapter 393 - I miss Mommy

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Masaya si Khalid na may maiuuwi siya sa bahay na maraming pera. He just wanted a crown pero hindi niya alam na may ibig sabihin ang simbolo ng bawat korona.

What he is looking forward to is the amount of the crowns.

Kung ano ang mga dahilan at estado ng korona ay hindi na niya iniintindi pa.

Why would he care about it if he is the young master of the Dark Lords?

"I will send them to you kapag natapos na." sabi ni Prince Liam kay Khalid. Hindi magtatangka ang prinsipe na magsalita ng pangit sa harap ng reyna kahit pa gusto siyang tirisin nito.

"Why can't you just give me your crown?" nakakunot ang noo na tanong ni Khalid.

"It's my personal crown. It's my identity."

Kumunot ang noo ni Khalid saka tumingin kay Ginny. Sinubukan naman nito na magpaliwanag.

"Crowns are special; they have their own identities."

Bumilog ang bibig ni Khalid halatang nagulat. How come he doesn't know about that? Ang alam lang niya ay hindi biro ang halaga ng bawat crowns.

Pero naisip niya na hindi rin kasi siya mahilig magbasa ng mga tungkol sa mga buhay-buhay ng ibang tao. Mas madalas na tungkol sa mga halaman o hayop ang binabasa niya. Mas mahilig siya sa science.

"If that's the case, I will draw a design for you to follow. I want one for me, one for my Mommy and one for Billionaire. And the cost must not be less than a million."

Ginny "..."

Gustong magtaas ng kilay ni Ginny.

Pati si Billionaire na isang aso, may Crown? At iba din ha, kailangan hindi bababa sa isang milyon ang halaga bawat isa. Tatlong milyon agad ang halaga ng tatlong crown at mahigit pa.

"Hindi mo bibigyan si Daddy?" tanong niya.

Nag-isip si Khalid. "I'm not sure if he'll like it."

Sinabihan niya na lang si Liam na ipapadala niya dito ang tatlong disenyo. Matapos nilang magkasundo, dinala siya ni Ginny sa isang kwarto para linisin.

"Mommy Ginny, I miss my mommy" malungkot na sabi. Bigla niyang namiss ang mommy niya dahil parang laging may adventure kapag kasama niya si Prin.

"I will bring you to Korea next week don't worry."

"Wow! Really?" nagliwanag ang mukha ni Khalid.

Ngumiti si Ginny at pinunasan ang maputik niyang pisngi.

"Yes, if you do behave for a week" request ni Ginny. Sumasakit masyado ang ulo niya sa batang ito na iilang linggo pa lang niya na inaalagaan.

"Ehh.. fine!"

Sumimangot si Khalid. Hindi niya maipapangako na magbe-behave siya sa loob ng isang linggo pero susubukin niya na magpakabait kung makikita naman niya ang Mommy niya

====

Samantala, nagbigay naman ng banta si Lorenz kay Prince Liam bago niya inalalayan na pumasok ang asawa niya sa loob ng tahanan ni Duchess Camila.

"Prince Liam, next time you do bad things to my family, hindi ako magdadalawang-isip na ilabas ang baho niyo ni Prince Philip. So you have to think twice." bulong niya dito nang mapadaan siya sa prinsipe.

Wala siyang pakialam kung naroon siya sa teritoryo nito. Nang mga unang araw ay hinahayaan niya lang si Prince Philip na kung anu-ano ang gawin dahil napaka-childish ng mga galaw nito pero ngayon na nagawa na nitong galawin si Khalid ay magkakasubukan na talaga sila.

Parang tinakasan naman ito ng kulay sa narinig. Naintindihan agad kung ano ang ibig niyang sabihin.

"What is it?" usisa ni Sandra. Sinulyapan pa nito si Liam bago tuluyan na pumasok sa loob.

"Nothing." Mainit pa rin ang ulo niya sa mga nangyari.

====

Kailangan na iwan ni Lorenz ang asawa niya sa poder ni Duchess Camila at sumabay sa pag-alis ng mag-asawang Han pabalik sa UK.

Pinagbawalan si Sandra na umalis ng bansa para ingatan ang pinagbubuntis nito.

Lumipas naman ang isang linggo at pinilit ni Khalid na magpakabait para makita niya ang Mommy niya.

Tulad ng pangako ni Ginny, Hinatid siya nito sa Korea at dumeretso sila sa recuperating area.

Kasalukuyan na may bisita si Prin sa kwarto nito. Sa labas pa lang ay rinig na ni Khalid ang pagtawa ng Mommy niya.

Tiningala niya si Ginny na hawak ang kamay niya para sana magtanong.

Kumatok sila sa pintuan at saka iyon binuksan. Bumungad sa kanila ang pamilya ni Kai na kasalukuyan na bisita ni Prin.

Nakaupo si Prin sa isang kama. Tinitirintas nito ang buhok ni Angel kaya nakaramdam si Khalid ng selos.

"Mommy!" saka siya tumakbo patungo dito.

"Khalid!" nagliwanag din ang mukha ni Angel nang makita siya.

Hindi niya ito pinansin at sumampa lang siya sa kama para yakapin sa leeg si Prin.

Bahagyang nanibago si Khalid sa mukha ng Mommy niya sa personal. Ibinalik na kasi ang original nitong mukha. Pinindot-pindot niya ang pisngi ng Mommy niya.

Nang huli kasi na magpunta si Khalid doon ay may telang puti pa ang nakabalot sa mukha ni Prin.

"I miss you Mommy!"

"Aw! I miss you too baby!" saad ni Prin habang patuloy na tinitirintas si Angel. Tiningnan niya ng masama si Angel na nakatalikod bago nagpatuloy.

"Mommy, I earned 10 million last week!" pagyayabang ni Khalid.

Prin "..."

Sakto naman na natapos na si Prin sa pagtirintas.

"Wow! You earned millions in just a week? Makasama nga sa 'yo minsan para magkaroon ng balato" si Bella.

"Huwag mo nang pangarapin na sumama sa kanya dahil baka hindi mo namamalayan na ikaw pala ang biktima."

Bella "..."