Chapter 392 - Cassandra and Lorenz: Obstinate

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Samantala sa lugar ni Khalid. 

Bitbit siya ni Prince Liam. Tinatakpan nito ang bibig niya para hindi siya makagawa ng ingay. Nakita niya na papasok sila sa maze garden na nasa likod ng tahanan ni Duchess Camila. 

Paikot-ikot ang lugar na iyon na nakakaligaw sa loob. 

Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito pero kinagat niya ng mariin ang daliri nito dahilan para mabitawan siya. 

"F*ck!" He cursed. Saka winagayway ang kamay na may marka ng ngipin ni Khalid

May nadampot si Khalid na pandilig ng halaman na gawa sa metal at diretsong ibinato sa alaga ni Prince Liam, saka mabilis na pumasok sa loob ng maze. 

"F*ck!" 

May nakitang mga itlog sa gilid si Khalid, hindi siya sigurado kung disenyo ang mga iyon o may nangingitlog talaga sa lugar na iyon.

Hinagis niya isa-isa kay Prince Liam ang mga itlog. Pinilit naman nito na iwasan ang mga tira niya pero hindi pa rin ito nakaligtas. 

Kumalat sa katawan nito ang malagkit na likido habang hawak nito ang hinaharap. 

Galit na galit ang anyo nito. "Don't let me see you again!" 

Hindi niya makakalimutan na gusto siya nitong ipa-tuli sa edad niya na apat. 

Napansin naman ni Khalid ang sapatos na suot nito. Kumunot ang noo ni Khalid. Pero hindi na lang niya binigyan ng atensyon. 

Bago siya lumiko nagbanta pa siya kay Liam. "I'll make sure to get your crown! hmp!"

Mabilis na sinundan siya nito sa loob. 

"Hah! Good luck kid!" inis na inis ang anyo nito na nanlalagkit sa itlog. 

Puro berde na halaman ang nakikita ni Khalid sa loob ng maze. Dahil maliit lang ang katawan niya, parang pader sa paningin niya ang berdeng mga halaman. Lumiko siya sa kaliwa at kumanan. Saka nagkalkula sa isip kung nasaang parte na siya sa loob ng maze. 

Ginamit niya ang bilang ng mga hakbang, tinandaan niya ang mga lugar na may block, hanggang sa makalabas siya sa loob ng maze. Ang kaso, nadapa siya sa putikan na malapit sa sapa. 

"Wahahaha!" narinig niya ang pagtawa ni Liam na nakita ang naganap sa kanya. 

Hindi niya alam kung paano ito nakalabas mula sa loob ng maze. 

Tiningnan niya ito ng masama. Saka bumalik muli sa loob ng maze kung saan siya pumasok. Nakapunta kasi siya sa dulong bahagi, palayo sa royal home. 

Hinabol naman siya ni Liam. 

Humahalo ang putik na mula sa katawan niya sa berdeng halaman. Naging mas madali naman sa kanya ang paghanap ng daan palabas. 

Palabas na siya nang may nakita siyang dalawang maliit na ahas na kulay berde sa halamanan. He knew that this kind of snake is a non-venomous snake o 'yung walang lason. 

Dinampot iyon ni Khalid at magkasunod na hinagis ang ahas kay Prince Liam. 

"Ahhhhh!!!!" nagtatalon ito nang lumipad sa mukha nito ang ahas. Hindi lang isa kundi dalawa. 

Binelatan niya ito. 

Tumakbo siya patungo sa pagtitipon, syempre gusto niyang malaman kung nagwagi ang Uncle Lorenz niya para makuha niya ang korona ng hambog na lalaki.

Mabilis na tumakbo ito para sundan siya. Galit na galit si Prince Liam. 

Natanaw niya na nakatayo si Lorenz katabi ng magandang babae, nakaluhod ang isang tuhod ni Prince Philip sa damuhan.

Nakita niya na hindi maganda ang mood ng mga tao sa paligid. 

"Mommy Ginny! Daddy Cloud!" tumatakbo siya habang sumisigaw. 

Napalingon sa gawi niya ang lahat. 

Mukha siyang anak ng uling na tumakbo papunta sa mga ito sa sobrang dungis. Ngumiwi si Ginny nang makita siya. 

"you smell like poop! What happened to you?" 

Nagsimula naman na umiyak si Khalid. This is unacceptable! 

Naisip niya na isumbong si Liam sa mag-asawa. "Prince Liam wants to kill me! He brought me to a maze. He wants to beat me until I escape."

Liam "..." 

Sino ang nagbato sa watering can, naghagis ng itlog, ng ahas na halos nawala siya sa poise dahil sa pagkakatili niya?

Ngumiwi kahit na si Prince Philip sa nadinig. 

Hindi naman maipinta ang mukha ng reyna. "What is happening Prince Liam?"

Hindi makasagot ng maayos si Prince Liam. "Q-queen…" 

Nakakita ng liwanag si Khalid nang madinig na reyna palaang magandang babae na nasa harapan niya. 

"Now Prince Philip. Are you still denying this? you are the one who asked him, right?" tanong ni Lorenz. 

Matalim na tingin ang sinagot ni Prince Philip sa Shogun. Hindi naman makagawa ng kilos si Liam. 

"My Beautiful Queen, I was scared." 

Gumaan naman ang loob ng reyna lalo na ng tawagin siya nitong 'beautiful queen'. Nakaramdam pa ito ng awa dahil sobrang putik ni Khalid. 

Lumapit ang reyna sa batang lalaki. "Is there anything you want? I will ask Liam to give anything to you as a compensation for what he has done." 

"Really? Anything?" 

"Yes" 

Nagdiwang si Khalid. "I want two crowns and five gold bars." 

Ginny Lopez "..." 

Cloud Han "..." 

"I will not!" agad na tanggi ni Liam. 

"My Beautiful Queen, my head is aching. He cursed at me. My knees are broken because I was running so fast" reklamo ni Khalid. 

Naawa ang reyna kay Khalid lalo na at parang maiiyak ito. 

"Liam, you will give it to him or I will be the one who will get them from your home!" banta nito. 

Nakakuyom ang kamao ni Liam at nangigigil. Sino ba ang nagsabi na kawawa ang batang ito? samantalang siya itong dumaan sa pagsubok nang saglit niya itong itinago!

Napressure siya lalo na at masama ang tingin sa kanya ng lahat ng bisita doon.

"Alright I will give it to him!" inis na sabi nito. 

Kung alam lang niya na aabot siya sa puntong wala na siyang mukha na maiharap, hindi niya na sana sinunod pa si Philip sa gusto nito.