Galit na galit na inagaw ni Prince Philip ang espada ng Royal Guards sa tahanan ni Duchess Camila.
Sa palagay kasi niya, kahit patayin niya si Lorenz sa araw na iyon ay wala masyadong epekto dahil nananatili na simpleng-tao ang tingin niya dito.
Ngunit hindi niya inaasahan ang ginawa ni Lorenz. Pinigil nito ang kamay niya na may hawak na espada na nakaangat para bumwelo at tumira.
Hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay hanggang sa maramdaman niya na parang nabali ang mga buto niya saka siya sinakal sa leeg hanggang sa mabitawan na lang niya ang matalim na espada.
Nabigla naman ang mga tao sa paligid. Kahit sila ay hindi akalain na kikilos ng ganoon ang prinsipe. Mabuti na lang at napigilan ito ni Lorenz.
Kahit si Cloud na nasa malapit ay pinrotektahan ang asawa nito.
Matalim ang mga mata ni Lorenz na diretsong nakatingin kay Prince Philip.
"Where did you bring Khalid?"
Halos ubuhin na ito dahil sa pagkakasakal ni Lorenz.
Nakaramdam naman ng hilo si Duchess Camila matapos mapanood ang mga naganap. Katabi niya ang magulang ni Philip na nagulat din sa pangyayari.
"Camila, stop your son-in-law!" galit na napatapik si Prince Gostav sa mesa.
"Lorenz, stop it!" si Cassandra na ang pumigil sa asawa niya. Bisita lang sila sa bansang iyon at hindi niya alam ang gagawin na parusa sa asawa niya kung sakali na mapatay nito si Prince Philip.
Iba ang kalakaran sa bansang iyon pati na ang kalakaran sa Dark Lords.
Mabilis naman na sumunod si Lorenz sa asawa niya.
Hinagis ni Lorenz na parang papel si Prince Philip sa damuhan na nananatiling matalim ang mga mata. Dumausdos ang prinsipe hanggang sa mapadapa ito sa damuhan.
Inubo ng todo ang prinsipe.
"You (cough) you tried to kill me! (cough) Lock him up!" utos ni Prince Philip sa mga guards habang turo si Lorenz.
Agad na lumapit ang mga gwardiya kay Lorenz dahil kahit papaano ay prinsipe sa bansang iyon si Philip.
Pinalibutan ng guards si Lorenz. Kahit pa hindi naman siya natatakot. Kaya lang sumasakit na ang tiyan ni Sandra sa stress sa mga naganap.
"Stop!" sabay-sabay na napalingon ang lahat sa pumigil ng kaguluhan.
Isang babae na may magandang kasuotan ang nakita ng lahat na nasa gitna ng mga manonood at nakabalot ng bandana ang mukha.
Unti-unti na tinanggal nito ang bandanang nakabalot sa ulo hanggang sa mamukhaan ng lahat ang reyna.
"The Queen" Sabay-sabay na bulong ng mga tao sa paligid.
Natahimik ang lahat. Hindi inaasahan na pupunta sa pagtitipon na iyon ang reyna.
"You guards, go back to your post!" galit na utos ng reyna.
Mabilis na sumunod ang mga royal guards. Naglakad ang reyna hanggang sa huminto sa gitnang pwesto ni Philip at Lorenz. Masama ang tingin nito sa una at halatang dismayado.
"I saw everything! Even your attack a while ago! If someone died here, how we will face the world! You are an ungrateful child!" galit na sabi ng reyna kay Prince Philip.
Sumama ang mukha ng magulang ni Prince Philip. Halos takasan na sila ng kulay. Damay sila sa ginawang iyon ng Philip dahil parang hindi nila dinisiplina ang anak nila.
Hinarap naman ng reyna si Lorenz. "You are also at fault here. Why did you strangle Philip just now?"
Diretsong tumingin si Lorenz sa reyna.
"He locked the young master of the Dark Lords somewhere, under my eyes and the Master of the Dark Lords." sagot niya na hindi man lang natatakot.
Mas lalong sumama ang mukha ng magulang ni Philip.
"Is it true?" tanong ng reyna kay Prince Philip.
Naguluhan naman si Prince Philip kung sino ang Dark Lords na sinasabi ni Lorenz. Wala siyang alam na Dark Lords.
Nagbabanta ang mata ng reyna na hindi niya magugustuhan kung sakali na magsinungaling siya. Mas pinili pa rin niya na magkaila kahit may katotohanan ang sinabi na iyon ni Lorenz.
"Of course not! Queen, I don't know what he's talking about."
"You told me that you have Khalid! Where did you bring my nephew?!" galit na tanong ni Lorenz.
"I said I don't have him!"
"You bastard!" gustong-gusto na ni Lorenz na gulpihin ang prinsipeng hilaw.
"Enough!" galit na singhal ng reyna.
Masama naman ang timpla ng mga mukha ni Ginny at Cloud. Alam nila na hindi magsisinungaling si Lorenz sa sinabi nito. Pero todo-deny ang prinsipe.
Hindi nila alam ang sunod na mangyayari kapag hindi nakita si Khalid.