Nagpatuloy ang laban sa pagitan ni Lorenz at Prince Philip.
Bumalik sila sa pwesto, sa kanan si Lorenz at sa kaliwa ang prinsipe.
Nagbigay muli ng signal ang maestro.
Puntos muli kay Lorenz matapos lang ang ilang mga hakbang at mga pagtira.
Sa loob ng helmet, asar na asar na ang prinsipe. Kalmado naman si Lorenz.
Hanggang sa umabot ang puntos ni Lorenz sa apat at isa ang prinsipe.
Nagkaroon ng fans bigla ang Shogun matapos makita ang mga pagkilos niya sa laban ng fencing.
Karamihan kasi sa manonood ay maharlika at mahilig talaga sa sports na iyon. Iyon kasi ang libangan ng mga tao doon.
"I like his style."
"Who would have thought that Sir Lorenz knew how to do fencing?"
"Yes, he was so calm. And he moved as if the sword is part of his body."
Samantala, naging hudyat naman ito kay Khalid para maboring sa laban. Alam na alam kasi niya na mananalo ang Uncle Lorenz niya sa laban na 'yon.
"Mommy Ginny, I'm going to wiwi"
Tinitigan nito ng masama si Khalid. "Papunta ka pa lang pauwi na ako. 'Wag kang makulit." nasa bungad nanonood ang tatlo bilang importanteng bisita at bilang pamilya na rin ni Lorenz.
Sumimangot si Khalid.
Samantala, sa stage, matapos makapuntos ni Lorenz ng sunud-sunod, kung anu-ano na pala ang sinasabi ng Prinsipe dito dahilan para mawala sa pokus ang shogun.
"I like your wife, what sound does she have on your bed?" bulong nito matapos makipag-kamay sa kanya dahil nakapuntos na naman siya sa ika-limang pagkakataon laban dito.
Nagkaroon ng galit sa dibdib ni Lorenz para sa prinsipe. Sandra is his bottomline!
If not for the fact na maraming tao sa paligid, malamang na nagulpi niya na ito. Nagkapuntos ito ng tatlong sunud-sunod hanggang sa magtapat ang puntos nila sa lima.
Napunta rin ang lahat ng pokus ng mag-asawang Ginny at Cloud sa laban. Nagtaka kasi ang mag-asawa kung ano ang nangyari kay Lorenz. Ramdam nila na may hindi tama sa mood ng shogun.
Nakaalis naman si Khalid sa kinauupuan nito habang hindi nakatingin si Ginny. Malaki ang tiwala niya kay Lorenz. Saka hindi siya nagsisinungaling na wiwiwi talaga siya.
May sumusunod na pala sa kanya hanggang sa palikuran.
Pagbukas niya ng pintuan matapos umihi, ang nakangising si Prince Liam ang bumungad sa kanya sa pinto.
At magaan na binitbit siya nito.
=====
Pinilit ni Lorenz na magpokus. May ilang puntos pa bago siya tuluyan na magwagi.
Bilang shogun, hindi rin siya magpapatalo sa isang huwad na prinsipe.
"I never thought you like girls, I thought you have a crush on me" makahulugan na saad ng Shogun matapos makapuntos nito sa walo.
Matapos malaman kay Khalid na may narinig itong mga ungol mula sa nagtatalik na dalawang lalaki, nakita niya si Prince Philip na lumabas sa parehas na pasilyo kung saan sumuot si Khalid.
Nagtago siya sa isang kwarto para hindi siya nito mapansin.
Agad niyang pinaimbestigahan kay Mat-mat ang prinsipe at hindi nga siya nagkamali sa hula niya. Madalas na magkasama si Prince Liam at Prince Philip. Ayos lang naman dahil magkaibigan naman talaga ang mga ito.
Hindi siya maghihinala kung hindi niya malalaman na nagpupunta rin sa ibang bansa ang dalawa na magkasama at madalas na iisang kwarto lang ang tinutuluyan nito.
Bukod pa dito, nabalitaan din ni Lorenz na marami pang lalaki na nakakasama si Prince Liam sa kung saan-saang bansa.
Kaya naman sa tingin niya, Ginagamit ni Prince Philip ang katawan para makahingi ng pabor kay Liam. Sa estado ng dalawa mas mataas kung tutuusin ang level ni Liam dahil kadugo mismo ito ng hari.
Gayunpaman, hindi maiwasan na mandiri siya dito. Nagba-backdoor na ito kay Liam, ginugusto pa nito ang asawa niya.
Nakaganti si Lorenz ng ilang puntos. Bumalik sa normal ang pokus niya.
Ngunit bago pa siya makapuntos ng ika-sampu. May sinabi muli ito.
"Your dear nephew is in our hands."
Nilingon niya ang kinaroroonan ni Khalid sa pwesto ni Cloud at Ginny. Wala nga ito doon.
Ngunit sa halip na mawala sa focus si Lorenz, mas inigihan niya na tapusin ang laban. Ang kailangan lang niyang gawin ay patayin ang natitira nitong pag-asa.
Natalo niya si Prince Philip. Naghiyawan ang mga tao. Kahit papaano iba ang reaksyon ng tao kapag natalo ang palaging champion sa laban.
"Where did you bring my nephew?" tanong niya kay Prince Philip.
Hindi ito sumagot sa halip ay napopoot sa kanya ang lalaki. Ginawa na kasi nito ang dapat pero natalo pa rin ni Lorenz. Isa pa, nasa isip nito na kahit itago nito si Khalid ng habang panahon ay wala siyang magagawa laban dito.
Bumaba si Lorenz mula sa mahabang stage at tinanggal ang lahat ng kasuotan. Nilapitan ang mag-asawang Ginny at Cloud na kapwa masaya sa resulta ng laban..
"Where is Khalid?"
Biglang napalingon si Ginny "Oh, nangulit na naman ang batang iyon!" tila ordinaryo na lang kay Ginny ang ginawa ni Khalid na nawawala ito sa paningin niya.
"The prince locked him up" bulong ni Lorenz. Maingay sa paligid dahil nagkakasayahan ang lahat pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng mag-asawang Cloud at Ginny Lopez.
Ilang saglit pa, humihiyaw si Prince Philip mula sa likuran na may dalang espada na inagaw nito sa guards. Patungo ito kay Lorenz para dumanak ng dugo.