Chapter 389 - Cassandra and Lorenz: Fencing (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa kahabaan ng pasilyo, matapos magpiano ni Khalid. Nangulit na naman siya at inikot ang royal house ni Duchess Camila hanggang sa pasukin niya ang isang kwarto at may marinig siyang ungol na nagmumula sa terasa. 

Ungol ng nagtatalik. Pero ang nasa isip ng batang si Khalid ay baka may multo sa lugar. 

Di ba ang mga mumu ay umuungol din?

Until he saw a shoe sa gilid ng pader kung saan nagmumula ang ungol. Nakakunot ang noo ni Khalid nang makita ang sapatos na bahagyang nakausli. 

Pero mas pinili niya na umalis lalo na at bahagyang madilim ang kwarto. Sa pagtakbo niya sa pasilyo ay nasagi niya ang isang base sa labas. 

Nakagat niya ang maliit pa niyang hinlalaki saka lumingon sa kaliwa at kanan habang bahid ng pag-aalala ang mukha

Baka pagbayarin siya ni Duchess Camila.

Hindi niya alam kung magkano ang base na iyon na mukhang nagmula pa sa victorian era. Baka matapyasan ang kayamanan niya kaya mabilis siyang tumakbo na parang walang nangyari. Paliko na siya nang dalawang tao ang lumabas mula sa kwarto at tumingin sa kanya. 

Si Khalid lang ang tanging bata sa lugar kaya agad siyang nakilala ng dalawa. 

"Did he see us?" tanong ng isang lalaki. 

"I don't think so. Tingin ko napadaan lang siya dito." tanong ng isa pang lalaki. 

"If that's the case. I have to go. Baka sa susunod, iba na ang makakita sa atin" saka ito sumunod sa direksyon ni Khalid na parang walang nangyari. 

Sa kabilang parte naman, nakasalubong ni Lorenz si Khalid sa pasilyo. Pinahahanap ni Ginny si Khalid na bigla na namang nawala sa paningin nito. 

"Lagot ka kay Tita Ginny. Ikot ka na naman ng ikot." banta ni Lorenz

"Sorry…" tapos bumulong. "Tito Lorenz, is there a mumu here?" 

Hinaplos ni Lorenz ang buhok ni Khalid. "None." 

Nakakunot ang noo nito.

"But I heard some noises. 'Whoooohh' 'Waahhh'" 

Tumikhim si Lorenz. "Ehem!"

Kung pagbabasehan ang kwento ni Khalid, mukhang may nagtatalik sa pinanggalingan nito. 

"Ahhm kid... That is the noises of Mommy and Daddy making a baby" sinubukan ni Lorenz na magpaliwanag. 

"Alam mo na, ahmm… may angel na bumaba para magbigay ng baby sa nanay. T-that is the sound of kissing and hugging. That's right!" pinagpawisan bigla si Lorenz. 

He knew that Khalid is not an ordinary kid and definitely not an idiot. Pero sinubukan niya pa rin na gumawa ng kwento. Kahit papaano naman ay apat na taon lang si Khalid. 

Ngumiwi si Khalid. "Eeew… Can a boy also be able to have a baby?" base sa ekspresyon nito, halatang dalawang lalaki ang nadinig nito. 

Sumeryoso si Lorenz. Magtatanong pa sana siya dito kaya lang narinig na nila si Ginny. 

"Khalid!" halatang galit na ito. Lumapit ito sa kanila. 

"Ikaw na bata ka! Ipapalapa na kita sa leopard sa bahay." Banta ni Ginny. 

"Babalik na tayo sa bahay ni Count Johan" halata na sumasakit talaga ang ulo ni Ginny. Apat ang anak niya pero wala ni isa ang  kasing kulit ni Khalid sa apat na iyon. 

Kahit ang kambal na si Crayon at Crayola ay parehas behave. Si Christen ay madaldal lang at maraming alam sa buhay pero si Khalid, halatang nagmana kay Rob Matsui! 

=====

Kinabukasan, naghahanda si Prince Philip sa tanggapan ng Duchess. 

"Remember our plan. kung sakali na mauna si Lorenz na makapuntos ng lima kaysa sa akin, you know what to do" bulong ni Prince Philip kay Prince Liam. 

"No problem. Leave it to me. Sa likot ng batang iyon, sigurado na maglilikot talaga iyon" nakangisi si Prince Liam. 

"Good!" 

May pumasok sa kwarto. "Prince, start na po" 

Dahilan para lumabas na siya ng kwarto at nabigla siya sa dami ng tao na manonood. 

Mas marami ng limang beses kumpara nang araw ng horse racing. 

Umikot kasi ang balita para sa laban ni Lorenz at Prince Philip sa buong bansa. Kahit ang kasalukuyan na Hari na kapatid ni Duchess Camila at ang Reyna ay nabalitaan ang tungkol doon. 

Nakatakda ang laban ni Lorenz at Prince Philip sa bakuran ng tahanan ni Duchess Camila. 

Walang nagawa ang ginang at ang asawa nito kung hindi ang tanggapin ang lahat ng bisita. 

Khalid is also watching. Ginny and Cloud Han were also at the event. Pinagigitnaan si Khalid na sobrang kulit. 

Kahit si Count Johan at kung sinu-sinong opisyal ay handang manood sa laban dahil gusto nilang malaman kung kaya nga bang talunin ng asawa ni Cassandra si Prince Philip na ilang taon nang nagwawagi sa laban ng fencing. Lalo na at umikot sa pandinig ng lahat na nakapag-uwi ng dalawang lobo si Lorenz. 

Maganda ang klima, hindi maaraw at katamtaman lang ang lamig ng panahon. 

May tatlong klase ng fencing, Foil, Épée at Sabre. Depende sa klase ng armas at depende rin sa kung ano ang parte ng katawan ang tatamaan. Napili nila and Sabre kung saan kalahati ng katawan ang pwedeng tamaan ng fencing sword.

Isang mahabang stage ang nakahanda sa berdeng damuhan para sa laban. Sa kanan si Lorenz, sa kaliwa si Prince Philip. 

May foil na nakakabit sa katawan at direkta iyon sa helmet na suot nila. 

Iilaw ng berde ang helmet na suot ng mananalo at pula ang talo.

Kung sino ang unang makakuha ng sampung puntos, siya ang magwawagi. 

Umakyat ang dalawang lalaki sa stage na nasa gitna. 

Ang judge na gaganap ay isang maestro na galing pa sa kaharian ng hari. 

Nagbigay ng signal ang maestro at agad na kumilos ang dalawa. Natamaan agad ni Lorenz sa tagiliran si Prince Philip, matapos lang ang ilang hakbang. 

Umilaw ng berde ang helmet niya at pula sa prinsipe.