Chapter 388 - Cassandra and Lorenz: Agreement

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nagkaroon ng kasunduan ang ginang at si Lorenz.

"I agree with your condition." sagot ni Lorenz. Malakas ang paniniwala niya na makukuha niya ang Queen's ring. May paunang imbestigasyon naman na siya kung nasaan ang singsing ng reyna.

Sa pananaw naman ni Duchess Camila, isang malaking katanungan sa kanya kung paano makukuha ni Lorenz ang singsing at kung bakit may alam ito sa bagay na iyon.

Nakaramdam lang siya ng pagkailang dahil habang pinaiimbestigahan niya si Lorenz, mukhang iniimbestigahan din siya nito.

Ang problema, wala man lang siyang makuha na susuporta sa aktwal na pagkatao ni Lorenz. Iban-iba ang mga balita na bumalik sa kanya at sa pagkatao na nakikita niya dito.

Samantalang si Lorenz, ikalawang araw pa lang nito sa bahay niya pero mukhang marami na itong nakalap na pangyayari sa buhay niya noon. Kahit ang mismong sikreto niya ay alam nito.

"It's settled then. Please excuse me, I'll be going out and will look for my grandchild." paalam ni Ginny. Sinabihan niya si Cloud na ito na muna ang bahala.

Masama ang kutob niya sa gagawin ni Khalid.

Nasabihan na siya ni Cally na madalas mangulit ang anak nito kaya kailangan na bantayang mabuti.

Simula ng bumalik si Prin, naging kakaiba daw si Khalid na dating ayaw ng magulo. Dati ay seryoso ito a mga bagay na ginagawa nito, pero nitong mga huling buwan ay madalas na gumawa ng kalokohan si Khalid.

===

Samantala, sa lugar ni Khalid, iniikot niya ang tahanan ni Duchess Camila. Pinagmasdan ang mga painting na nakasabit, ang iba't-ibang uri ng base ayon sa porma, sukat at mga disenyo.

Kahit ang style ng kwarto. Bawat pasilyo ay may nagbabantay na Guards na diretso ang tindig. May riffle na maayos na nasa gilid nito.

May ilang minuto rin siya na nag-ikot-ikot. Mabuti na nga lang at pinayagan siya ni Duchess Camila na maglibot-libot sa tahanan nito kaya walang pumipigil sa kanya.

Nakasunod lang ang royal maid bilang gabay.

Hinintuan ni Khalid ang isang royal guards at tiningala ito.

Binaba nito ang tingin sa kanya at nakipagtitigan. Bukod sa mata nito na gumalaw para salubungin ang mata niya, nananatili ito na hindi kumikilos.

"Are you all really like this? Playing dead?" tanong niya sa guwardiya na kasalukuyan na napagtripan.

Hindi ito sumagot at nananatiling seryoso.

"If I make you laugh, would you make a bet against me? How about 200 euro"

Nagtaas ang kilay nito pero hindi nagpatinag.

"Khalid!" sigaw ni Ginny mula sa likuran niya.

"M-mommy Ginny!" nakaramdam siya bigla ng lamig sa likuran at takot. Hindi alam kung saan magtatago. Bigla siyang nagtago sa likod ng binti ng guard na kinukulit niya.

"Ikaw na bata ka! ilang minuto ka lang nawala! Come here!"

Hinila siya ni Ginny mula sa likuran ng guard at piningot nito ang tenga niya habang hila siya pabalik ng bulwagan.

"Aw! Aw! Mommy Ginny! Mind your poise. You are wearing a beautiful gown and you are bullying a child" nakangiwi siya habang hila-hila ni Ginny ang tenga niya.

"Pft!" Nakita niya na hindi napigilan ng guard na kinukulit siya na bahagyang matawa

"Aha! You laughed! You have to pay me 200 euros"

Sumeryoso muli ang guwardiya at umakto na parang walang nangyari.

Pinalo siya ni Ginny sa puwet. "You are so bad! Gusto mo ba na i-lock ka ng guwardiya dito?"

"Who would dare to lock me up?" katwiran niya.

Malakas ang loob ni Khalid dahil si Count Johan ang personal na naghatid sa kanila sa royal house na iyon. Kasama niya rin ang mag-asawang Cloud at Ginny mula sa Dark Lords. Nandoon din si Sandra at Shogun. Idagdag pa na gusto rin siya ni Duchess Camila.

Kumbaga sa suporta, 'Avengers' ang back-up niya! kaya sino ang maglalakas ng loob na ikulong siya sa bahay na iyon?

Pero nakita niya na naniningkit ang mata ng Mommy Ginny niya at mukhang magkakasungay ito kapag patuloy niya itong sinuway. Baka ipadala siya sa Mars ng Daddy niya.

"Fine! Fine! I'll behave. I am going to play the piano. Calm down, Mommy Ginny"

"Behave..." banta nito saka siya inakay sa bulwagan.

=====

Ipinakilala si Khalid sa mga bisita para tumugtog ng piano.

"Here is my gift for Duchess Camila. You should all watch me while it's free… In the future, you will be paying me thousands of dollars per song. Thank you!"

Mula sa pagiging makulit na anyo, mabilis na napalitan ng kaseryosohan ang mukha niya.

Pinaayos niya ang silya sa isang musikero. Matapos makuha ang tamang upo, ang layo ng mga daliri sa keys, sinimulan niya ang magpatugtog.

Nakangiti naman ang ginang para panoorin si Khalid. Saka niya nakita ang paggalaw ng kamay at daliri ng batang lalaki.

Kumilos ang kamay ni Khalid at pumailanlang ang tugtog ng 'Scenes from childhood' ni Robert Schumann.

Proud si Ginny na iba ang talento ni Khalid sa ibang miyembro ng pamilya. Seryoso ito sa pagpapatugtog at tila ba nakiisa ang daliri nito sa keys ng piano. Wala man lang marinig na pagpiyok sa tugtog nito.

Nang matapos si Khalid, may mga namuong pawis sa noo nito. Nagpalakpakan ang lahat.

Bigla siyang nanghinayang! dapat pala nagpabayad siya para may maiuuwi siyang pera sa U.K at ililibre niya ang mga Dark Guards. Pero naisip rin naman niya ang 10 million niya sa kinabukasan.

Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Duchess Camila ang laban sa pagitan ni Lorenz at Prince Philip, kaya napangiwi siya nang mabalitaan iyon mula kay Butler Richard.

"Duchess, I just want to let you know that it was Prince Philip and Prince Liam who initiated the fight between them. Sir Lorenz just agreed to it"

Wala namang reaksyon o sagot mula sa ginang. The butler knew that the Duchess was still contemplating her stand against Lorenz.