Ilang saglit pa, dumating si Cassandra at Lorenz sa tea room ng ginang.
Mula sa matalim na mga mata ni Ginny, nagliwanag ang mukha nito nang makita ang mag-asawang Sandra at Lorenz.
Ganoon din naman si Duchess Camila.
"Ma…" bungad ni Sandra.
"Happy Birthday ulit!" humalik si Sandra sa pisngi ng Mama niya.
Ngumiti ang ginang.
"Sit here, Honey. Tandaan mo na nasabihan ka ng doktor na magpahinga." paalala nito. Pinauupo niya si Sandra sa katabing silya.
Kahit naman hindi maganda ang turingan nila ni Lorenz sa isa't-isa, kahit papaano ay kapwa sila nag-aalala sa lagay ni Sandra.
Tinulungan ni Lorenz ang asawa niya sa pag-upo.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala na tanong ni Ginny matapos marinig ang sinabi ng duchess.
"Oh! It's because she is pregnant" nakangiti na balita ni Lorenz.
"Wow! That's good news. Another part of the family is coming. I am happy for the both of you" masayang saad ni Ginny. Alam ng pamilya kung gaano kasabik si Sandra na magkaroon ng anak.
Si Khalid naman ay nagtungo kay Duchess Camila. Hindi siya natutuwa sa baby kaya hindi siya excited.
"Hello Duchess. Happy birthday!" bati ni Khalid.
"Oh!Thank you!" nakangiti na saad ng ginang. Sumaya ang mukha niya nang makita si Khalid. Sino ba ang aayaw sa isang magandang batang lalaki?
"I'll play the piano for you as my gift."
Nag-alangan man ang ginang na tiningnan ang mga daliri ni Khalid, sumang-ayon na lang siya. "If that was the case, I am happy to accept. Thank you Darling!"
"I'm going outside" paalam ni Khalid kay Ginny. Ramdam nito na seryoso ang mga tao sa loob ng kwarto.
"Huwag kang magkukulit ha." banta ni Ginny.
Hindi sumagot si khalid. Hindi niya kasi iyon maipapangako.
"Bring him outside to play" utos ng ginang sa royal maid. Sumunod naman ito at inilabas nito si Khalid.
Natensyon bigla ang kwarto nang maiwan silang lima sa loob. Ramdam ni Sandra na seryoso ang pinag-usapan ng mama niya at ng mag-asawang Ginny at Cloud Han.
"We only bring a big box of tea from Japan. I'm sorry Duchess, if we didn't have any other gifts. We don't know what you like." saad ni Cloud Han.
"No problem, I like tea the most."
Tumikhim si Lorenz. "I have a gift na makukuha ko sa susunod na buwan pa."
Hindi maiwasan na magtaas ng bahagya ang kilay ng ginang. Ngayong araw ang kaarawan niya pero sa susunod na buwan pa nito ibibigay?
"It's okay, huwag ka nang mag-abala pa." kinuha na lang ng ginang ang tasa sa harapan at saka sinimulan na humigop ng tsaa.
"But I insist. To show you my ability, I will bring back your Queen's ring."
Natigilan si Duchess Camila sa sinabi ni Lorenz. Halos maitapon niya ang mainit na laman ng tasa dahil sa narinig.
Hindi niya alam ang tamang reaksyon ngunit sa isang bagay siya nakasisiguro --May alam talaga ito sa nakaraan niya. Ang una ay nang sabihin nito na hindi nito sasaktan ng pisikal si Sandra na para bang hindi nito direktang sinabi na sinasaktan siya ng dati niyang asawa. Ngayon naman ay alam nito na wala sa kanya ang singsing ng reyna.
Sumeryoso ang mukha ng ginang na inilapag ang tasa kaysa mabasag niya iyon. Hinarap niya ang mata ni Lorenz na seryoso rin na nakatingin sa kanya.
Si Sandra naman ay walang alam sa nangyayari. Bakas ang katanungan sa mukha nito.
"Q-queen's ring? Is that the ring my grandmother gave you, Ma? 'Yung may malaking pulang bato? You don't have it anymore?" nakakunot ang noo na tanong ni Sandra.
Napalunok si Duchess Camila. Hindi siya makapagsalita. Para bang bigla na lang nanuyo ang labi at lalamunan niya.
"I-it was lost" sagot ng ginang. Ibinaba lang niya ang paningin dahil ayaw niyang harapin ang mata ni Sandra.
Ngunit hindi rin tanga si Sandra. Base sa reaksyon ng mama niya, mukhang may hindi siya alam. Tumingin siya kay Lorenz na nananatiling seryoso at walang mabasa sa emosyon nito.
"It's settled then, if Lorenz brings back your Queen's ring, you must accept his marriage with Sandra." ani Ginny.
Kumuyom ang kamao ng ginang. Kahit siya ay hindi mabawi ang singsing na iyon. Kapag naibalik iyon ni Lorenz sa kanya, ibig sabihin ay may kakayahan talaga ito.
"Pumapayag ako. Pero hindi ka tutulungan ng Dark Lords para mabawi iyon." sabi ng ginang.