Chapter 386 - Cassandra and Lorenz: A simple background

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Ang lalaking sumasabay sa agos ni Prince Philip ay pinsang buo ni Cassandra. Kaya malakas din ang loob nito na manlait, si Prince Liam. 

Hindi kaila sa pamilya ang estado ni Lorenz sa buhay kaya mataas din ang tingin nito sa sarili. Malaki ang katawan nito at hambog din kumilos sa pananaw ni Khalid.

Nakaramdam talaga siya ng takot na ipupusta niya ang sisiw niya. Kahit pa nga alam niyang malaki ang tiyansa ng Uncle Lorenz niya sa laban.

Masama ang tingin na pinukol ni Khalid sa lalaki dahil nakangisi ito at para bang he is already looking forward to see na matuli siya. 

'My baby bird, let's pray uncle Lorenz could win.'

=====

Kaarawan ni Duchess Camila kaya nag-alangan din ang mga bisita sa plano ni Lorenz at Prince Philip na magkaroon ng labanan sa gabi na iyon. 

"Prince, today is the Duchess' birthday. I am still hoping you respect the event" hiling ng butler. 

Walang nagawa si Prince Philip kung hindi ang ipagpaliban ang laban sa araw na iyon. Hindi rin naman makagaganda sa royal house ng pamilya niya kung sakali na maasar sa kanya ang Duchess at ang asawa nito na si Prince Edward.  

Kahit si Lorenz na son-in-law ng Duchess ay nakalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. 

"Tomorrow morning, let's have a fight!" Saad ni Prince Philip. 

"What kind of fight?" tanong ni Lorenz

"Fencing!" nakangisi na sagot ng prinsipe. 

Magaling ang prinsipe sa bagay na iyon kaya malakas ang loob nito na hamunin si Lorenz sa fencing. 

Matagal na natahimik si Lorenz. Gusto niya kasing tanungin kung nagbibiro ang prinsipe. Hindi naman sa pagmamayabang pero napakadali ng fencing sa tulad niya na isang Shogun ng Dark Guards. Lalo na kung may hawak siyang armas. 

And he has been a shogun for more than a decade. Ibig sabihin, wala ni isang sa mga Dark Guard na humamon ang nakatalo sa kanya sa loobg ng mahigit sampung taon para maagaw ang posisyon niya bilang Shogun. 

Samantala, ang nasa isip naman ni Prince Philip ay umaatras na ang puwit ni Lorenz kaya hindi ito makasagot.

"Why? are you afraid?" nakangisi na tanong ni Prince Philip.

"Pft!" si Khalid ang nais matawa sa sinabi na iyon ng prinsipe. 

"My uncle agreed to it. But are you sure, that's what you wanted?" tanong ni Khalid.

"Of course" sagot nito. 

"Then, it's settled" si Khalid muli ang sumagot. 

Wala namang makitang reaksyon kay Lorenz na nananatiling seryoso. 

"Are you his Manager?" tanong ni Prince Liam kay Khalid. 

Umikot lang ang mata ni Khalid. Kapag gumaling ang Mommy niya. Isusumbong niya talaga ang lalaki. 

Tingnan na lang natin! 

Sakto naman na pumasok ang isang royal maid sa loob ng kwarto at may ibinulong sa butler. 

"Lady Sandra, your mother wants to see you and Sir Lorenz in her tea room" anunsiyo ng butler. 

Tumango lang si Sandra saka inakay si Lorenz na lumabas ng kwarto. Lihim siyang nagpasalamat dahil ayaw niya nang makita pa ang mukha ni Philip. 

"Khalid let's go" ani Sandra. 

"Get ready your little bird" pahabol pa ni Prince Liam. 

Tinakpan ni Khalid ang hinaharap dahil sa narinig saka mabilis na sumunod sa mag-asawa. 

=====

Sa tea room ni Duchess Camila…

Pumasok ang mag-asawang Ginny at Cloud Han matapos lumabas ang bisitang tinanggap nito. 

Nakita nila ang iba't-ibang kahon ng regalo sa kwarto. Mula sa pinakamaliit hanggang sa malaki. 

Tumayo ang ginang bilang repeto sa mag-asawa. "Salamat sa pagdalo." 

Umupo ang mag-asawa sa kaharap na upuan.  "Walang anuman Duchess. Maligayang Kaarawan!"

Inutusan ng ginang ang serbidora na bigyan ng tsaa ang mag-asawa. 

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa Duchess Camila. My husband and I are here for Lorenz. We have learned that you don't like our Lorenz." saad ni Ginny.

"It's a normal attitude from a mother like me." sagot nito na hindi rin nagpatinag sa diretsahan na komento ni Ginny.

"May I know your reason?" 

"I don't like his background."

"Hindi ba't parang napaka-unfair naman yata ng dahilan niyo para hindi magustuhan si Lorenz nang dahil lang sa background?" 

Natahimik ang ginang. Hindi nito maamin na may katotohanan ang komento na iyon mula sa Mistress ng Dark Lords. 

Parang dumaan ang mahabang katahimikan sa kwarto na iyon. 

"I will tell you my background, would you mind?" tanong ni Ginny.

Hindi sumagot ang ginang bilang pagsang-ayon pero hinarap nito ang mata ni Ginny. 

"My Mom is a simple model. My Dad was a Dark Guard protecting my Mother-in-law since they were children. I've been struggling with life since the day my father died. I'm just an ordinary girl who was accepted by the Masters of the Dark Lords. I am not a lady from a rich family nor a princess from somewhere in the kingdom." 

"Lorenz is no different. Kung ano ang katayuan niya ngayon sa buhay ay pinaghirapan niya iyon ng mabuti. Maybe he came from the streets, but that is his motivation kung ano man ang katayuan niya sa ngayon."

"He struggled through life and death in the past and is still struggling until now. So who are you to judge him?" 

Umasim ang mukha ni Duchess Camila sa sinabi na iyon ni Ginny Lopez. Hindi na ito natakot na pagalitan siya sa mismong tahanan niya. Sa maliit na kwarto na iyon.

Hindi ba ito natatakot na baka hindi na ito makalabas ng tahanan niya sa hindi nito pagbigay ng respeto sa kanya?

Sa totoo lang, nabago naman ng kaunti ang tingin ng ginang kay Lorenz at hindi na katulad ng mga nakaraan. Pero nananatili na ordinaryo lang ang tingin niya sa asawa ng anak. 

Nag-bell ang ginang para magtawag ng royal maid. 

Mabilis naman na nagbukas ang pintuan. 

"Please bring Lorenz and Sandra here." hiling ng ginang.