Chapter 385 - Cassandra and Lorenz: Bet with you

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Tumalim agad ang mga mata ni Prince Philip matapos na sabihan siya ni Khalid na isang hostler o nag-aalaga sa mga kabayo. Ganoon din ang kasama nito.

"Who the hell is this kid?!" galit na tanong ng prinsipe. Parang naghahanap ng kamatayan ang batang ito para ipahiya siya ng gan'on.

"He is my godson. What's your problem about that?" hamon ni Cassandra. Gumanti lang si Khalid sa pagpapahiya nito kay Lorenz.

Tumikhim ang butler. "Prince Philip, he is together with Count Johan. Please forgive him, he's just a kid."

Nakakuyom ang kamao ng prinsipe. Walang nagawa si Prince Philip nang madinig ang pangalan ng Prime minister. Hindi niya maaaring galawin ang bata kung personal itong kasama ng Prime Minister.

Si Khalid naman ay umakto na parang nagulat nang marinig na isang prinsipe si Philip.

"What? He's a prince?" gulat na tanong ni Khalid. Bago pa makasagot ang butler, may dagdag na kmento agad si Khalid.

"Oh no wonder, he looks like a frog."

"Pft! Ha ha ha!" hindi maiwasan na matawa ng mga nasa paligid.

Nakuha kasi agad ng mga ito ang mensahe ni Khalid. Sa isang Disney animated movie, naging palaka ang isang prinsipe dahil naparusahan ito dahil sa sama ng ugali.

Parang sinabi na rin ni Khalid na mukhang palaka si Prince Philip dahil sa sama ng ugali nito.

"I'm not a frog! Your uncle Lorenz is the one who looks like a frog!" namumula na ang mukha ng prinsipe dahil sa sobrang galit at pagkapahiya.

Sumimangot naman si Cassandra.

"But for sure my uncle Lorenz is better than you in all aspects. Do you all agree with me?" tanong ni Khalid sa mga kababaihan sa paligid.

Dahil naku-kyutan sa kanya ang mga nasa paligid, idagdag pa na may crush talaga kay Lorenz ang karamihan sa mga kababaihan. Sumang-ayon ang mga ito.

Pulang-pula ang mukha ni Prince Philip dahil sa sobrang galit.

"I dare you to compete with me!" hamon nito kay Lorenz.

'Binggo!' Lihim na nagdiwang si Khalid dahil kumagat sa pain niya ang palakang prinsipe.

Dalawang linggo na siyang naboboring dahil wala man lang siyang mapagtripan sa Kent Mansion. Binalaan na siya ng Daddy niya na huwag na huwag gagawa ng kalokohan sa kahit na kaninong Dark Guards.

"Deal!" kalmadong sagot ni Lorenz kahit pa nag-iinit na ang ulo niya kay Prince Philip.

Gustong -gusto niya na ring tirisin ang lalaki. Ayaw niya sana itong patulan dahil iisipin ng mga tao sa paligid na masyadong malakas ang loob niya para hamunin ang isang prinsipe. Siya ang malalagay sa alanganin o kaya naman ay si Duchess Camila.

Ngayon na ito na mismo ang humamon sa kanya, maluwag sa kalooban na tatanggapin niya ang hamon nito.

"My uncle agreed to it. But don't you think it would be exciting if we bet on something?" seryoso na tanong ni Khalid.

Ngumisi ang prinsipe "Sure! If I win, I want Lorenz to cut ties his marriage with Sandra"

"I will not. I'd rather not compete with you." Malamig na sagot ni Lorenz.

"Why? Are you afraid?" ngumisi ito.

Nakakuyom ang kamao ni Lorenz. Kahit sa pusta ay napaka-childish ni Prince Philip. Pero hindi niya ipupusta si Sandra kahit pa kaya niyang ilaban ang misis niya sa patayan. Dibale nang sabihan siya nito ng kung anu-ano.

Mabuti na lang at sumabad si Khalid.

"He's not afraid. It's just that... it was too childish! Why are you looking forward to separating him with my Tita Sandra? Perhaps you have a crush with my uncle Lorenz?"

"Pft! Ha ha ha" lihim na humahagikgik ang mga kababaihan.

Gusto nang kutusan ni Prince Philip si Khalid sa dila nitong parang lason kung magsalita.

Napapikit si Prince Philip sa pagkapikon.

Dahil napagbintangan na siya ng batang lalaki na baka may gusto siya kay Lorenz kaya niya pinipilit na paghiwalayin ang mga ito, wala siyang magawa kung hindi ang palitan ang nais niya.

Sa pagkangisi ng mga kababaihan sa lugar, hindi malabong isipin ng mga ito na bakla siya.

"I want 10 million!" ang naging hiling ni Prince Philip sa huli.

Nakahinga naman ng maluwag si Lorenz matapos nitong palitan ang nais. Mabuti na lang at dumating si Khalid.

"If that's the case, I want Domino" saad ni Lorenz.

Mula sa pagkakangiti na abot-batok, nanlaki ang mata ni Khalid sa narinig.

"Who? who is Domino?" bulong niya kay Sandra.

"A black horse"

Nataranta si Khalid. 'No no no, I don't like a black horse in exchange for 10 million. No way!'

Sa halip, ang hinarap niya ay ang kasama ni Prince Philip. Kung hindi pwede sa una, doon siya sa susunod.

"What about your sidekick?" turo niya sa katabi ni Prince Philip.

"Me? A sidekick?" hindi ito makapaniwala.

"Yeah. you are also insulting my uncle. I want to bet with you"

Lumamig ang anyo nito. "What do you want?"

"I want your crown, plus 10 million" ang hiling ni Khalid. Kasalukuyan na may suot na korona ang lalaki.

Nagtaas ang kilay nito. "Sure. pero gusto ko na patutuliin ka na kung sakali na matalo si Lorenz saka 10 million"

Binaba ni Khalid ang tingin sa salawal niya. He is just four.

"D-deal!"

Ngumisi ito

"Uncle Lorenz, you have to win! No matter what!" Nakaramdam siya ng takot para sa sisiw niya.