Chapter 384 - Cassandra and Lorenz: Counter-attack

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kinailangan na isama ni Ginny at Cloud ang batang si Khalid na pinadala sa UK ng anak nila nang nakaraang dalawang linggo.

Kasalukuyan kasi na nagpapagaling si Prin sa Korea na dumaan sa bagong plastic surgery. Tatlong buwan na mananatili si Prin sa ospital. Si Cally naman ay busy sa opisina at madalas din na nagpupunta sa Korea para sa asawa nito.

Isa pa sa dahilan kung bakit ito pinadala ni Cally sa UK ay para parusahan ito dahil masyado na itong nangulit sa Pilipinas.

Sa UK ay walang masyadong gagawin ang isang batang katulad ni Khalid. Walang silang time na magpunta ng mall o mamasyal. Kaya ang ginagawa nito ay mag-piano, mag-pinta at mag-video call kay Prin.

Paminsan-minsan tinuturuan ng Dark Guards sa martial arts.

Samantala, nabalitaan ng mag-asawa na hindi maganda ang trato ni Duchess Camila kay Lorenz kaya naman napagdesisyunan nila na pumunta sa bansa na iyon para ibigay ang suporta sa huli.

No one will dare to bully their family. Kahit pa nga alam nila na kaya ni Lorenz ang sarili nito. Mas mainam na suportahan nila ang tinuring na nilang anak na si Lorenz.

Hindi rin naman nila masisisi ang ginang dahil nag-aalala lang ito para sa lagay ng anak nitong si Sandra. Kahit silang mag-asawa ay naranasan ang parehas na saloobin ng ginang tuwing ihaharap sa kanila ang kung sino mang nobyo ni Crayola o ni Christen.

Kaya nga mas mabuti na harapin ito at ilapag sa harap nito na wala itong magiging problema kay Lorenz dahil suportado ito ng Dark Lords.

Mabuti na nga lang at matagal na silang iniimbitahan ng Prime Minister ng bansa na magtungo sa lugar.

Personal pa silang sinundo ni Count Johan sa airport, ang kasalukuyang ministro ng bansa.

Ito na rin ang nag-ayos ng lahat ng kakailanganin nila sa bansa, kahit ang imbitasyon sa kaarawan ni Duchess Camila.

Kahit pa nasa loob ng tahanan nito si Lorenz at Cassandra, hindi nila sigurado kung madali na makakapasok sila sa loob ng tahanan nito dahil sa higpit ng seguridad ng royal house.

Hinatid sila ni Count Johan sa mismong tahanan nito para doon patuluyin.

Nang sumapit ang alas siyete y medya, sabay-sabay silang nagtungo sa tahanan ni Duchess Camila.

Sakay silang lahat ng isang mahaba at itim na limousine. Inaasahan din naman ng ginang ang pagpunta ng mag-asawang Cloud at Ginny sa bahay nito dahil naabisuhan na ito ni Count Johan.

Nakasilip lang si Khalid sa labas ng bintana habang biyahe.

"Are you okay, Dear?" tanong ni Ginny kay Khalid.

Alam niya na wala sa mood si Khalid. Mas gusto kasi nito na palaging kasama si Prin. Iyon nga lang, hindi rin ito pwedeng manatili sa ospital.

"Is there anything in this place that I can enjoy?" malungkot na tanong ni Khalid sa ministro.

Tumukhim muna ito. ""Well, the place that we are heading to is such a nice place. You will meet a lot of princes and princesses."

Saglit itong nag-isip. "Are they rich?"

"Yes."

"Is it true that they are wearing a golden crown?" tanong ni Khalid. Hindi pa siya nakakita ng aktwal na prinsipe at napapanood niya lang ang mga iyon sa TV.

"They have a crown and they wear it occasionally." nakangiti na sagot ng ministro.

"Daddy Cloud, I want a crown"

Bago pa sumagot si Cloud, hinarap muli ni Khalid ang ministro. "Can you give me a crown?"

Count Johan "..."

Napakamot sa ulo ang ministro. He never thought na malalagay siya sa alanganin gawa ng isang batang lalaki. Nagpasalamat na nga lang siya at pumasok na sa loob ng bakuran ng royal house ni Duchess Camila ang limousine.

Sinaway din ito ni Ginny para huwag mangulit. Nagpalit din naman kaagad ang mood ni Khalid nang makita ang magarbong tahanan.

Ilang saglit pa, pinatuloy na sila sa loob ng bulwagan. Napansin agad sila ng iba pang bisita dahil kasama nila ang ministro at ang asawa nito. Idagdag pa na si Khalid lang ang tanging bata sa pagtitipon na iyon.

Hindi maiwasan na magtaka ang mga ito kung anong klaseng nilalang sila para personal na samahan ni Count Johan.

"Master Cloud and Miss Ginny, the Duchess wants to talk to you" saad ng butler na lumapit.

"I'll bring them." ani Count Johan.

Tumango si Cloud Han saka humiling sa butler. "Please bring the kid to Lorenz and Sandra."

Tumango rin ito.

Hinatid si Khalid sa grupo ng mga lalaki at babae kung saan naroon ang mag-asawa. Ilang metro pa ang layo niya naririnig na niya ang maanghang na katanungan mula sa isang lalaki na ginatungan ng isa pa.

"Yeah, how can a man like Sir Lorenz, who has no family at all, no job and no status can defeat all of us?"

Tumalim agad ang mata ni Khalid at pinukulan ng masamang tingin ang lalaking nagsalita.

"Who said he has no Family? He is my unde" saad ni Khalid.

Umismid si Prince Philip saka ngumisi. "Oh, I thought he is your butler"

Nagkangitian pa ito pati na ang lalaki na kaibigan nito.

"Uncle Lorenz and Tita Sandra, why are you socializing with these hostlers?" agad na banat ni Khalid.

Tumaas ang gilid ng labi ni Sandra.

****

Hostlers - a groom or stableman. Nagtatrabaho para mag-alaga ng kabayo sa isang farm o hacienda.