Alas otso ng gabi sa lokal na oras.
Nagsipagdatingan ang mga bisita sa tahanan ni Duchess Camila. Nagkakasiyahan ang lahat sa pagtitipon ng kaarawan ng ginang.
Sa isang malaking bulwagan naroon ang lahat ng bisita. Pagandahan sa kasuotan. Kanya-kanyang grupo ang lahat para ibida ang sarili.
Maririnig sa paligid ang tugtog ng piano at ng violin para sa isang mabagal na musika.
Sa kwarto ni Lorenz at Cassandra…
Eksaktong alas otso rin ng oras, natapos ang pag-ayos kay Cassandra mula sa tulong ng tatlong maid sa tahanan na iyon.
Nais pa nga ng Mama niya na tumawag ng stylist pero pinilit ni Cassandra na ipaintindi dito na hindi siya pwedeng mag-ayos ng sobra dahil buntis siya at ayaw niya sa make-up.
Bahagya pa siyang nag-aalangan kung lalabas siya ng kwarto. Bawal siyang ma-stress at mapagod dahil inabisuhan siya ng doktor na magpahinga.
Mananatili pa nga sana siya sa ospital ng isang araw pero kailangan niya rin na dumalo sa pagtitipon na iyon.
Kailangan niyang dumalo sa kaarawan ng Mama niya upang ipakilala na rin sa mga kamag-anak ang presensya niya.
Binuksan ni Lorenz ang isang kahon at may kinuhang necklace para isuot sa kanya habang nasa harap ng tokador.
"For my wife."
Kumunot ang noo ni Sandra. Sa totoo lang, hindi siya sanay sa mga ganitong klase ng okasyon na magsusuot ng gown at ibibida ang sarili sa mga tao. Lalo na ang magsuot ng mamahaling alahas.
Ibang-iba na siya sa dating Cassandra na simpleng saya at blusa na parang gawa sa katcha ang kasuotan.
Hinayaan lang niya na isuot iyon ni Lorenz sa leeg niya.
"Uncle Cloud and Tita Ginny will be here tonight."
Nagulat si Sandra sa narinig mula kay Lorenz.
"They will be here?"
"Yes. Ito kasing si Maniac Matthew. Kung anu-ano ang sinabi sa mag-asawa. Hindi tuloy maiwasan na mag-alala sa akin. So they will be here." sagot ni Lorenz.
He felt love sa gesture na iyon ng mag-asawa kaya kahit kailan ay hindi niya naramdaman na hindi siya parte ng pamilya.
Mula kay Madam Lira hanggang kay Khalid ay may respeto sa kanya at kinikilala siya bilang parte ng pamilya nito. Kaya nga ang tangi niyang maisusukli ay respetuhin din ang Han at Kent Family, at ibigay kay Cally ang katapatan niya.
"What about their invitation?" nag-aalala na saad ni Sandra.
"Cloud Han is not simple. He can use the President's name para lang makapasok kahit walang imbitasyon. Aside from that, as a leader of the Dark Lords, Who would stop him from entering this place?"
Hinarap ni Lorenz si Cassandra sa kanya para suriin.
Parang ayaw niya nang lumabas pa ng kwarto at makisalamuha sa labas. Parang mas gusto niya na itago na lang ang misis niya dito sa loob ng kwarto at magbahay-bahayan.
Pinilig niya ang ulo para iwaksi ang lahat ng iniisip. He kissed her lips instead. "How come you are pretty?"
Tumawa naman si Sandra.
"Let's go" aya ni Sandra para mas maaga sila na makabalik sa kwarto.
Sa bulwagan, kumuha sila ng atensyon sa mga bisita.
Pinapunta muna silang dalawa sa isang malaking kwarto kung saan naroon ang grupo ng mga binata at dalaga na hindi nalalayo sa edad nila.
Agad na nagliwanag ang mata ng mga kadalagahan nang makita si Lorenz. Parang kinikilig. Ngunit agad din na nagselos nang makita na mahigpit na hawak ng kamay nito si Sandra.
Nakita din ng mga ito na suot ni Sandra ang 'Midnight' na gawa ni Penelope. Kaya mas lalong lumalim ang pagkainggit ng iba kay Sandra.
"Oh my! I can't believe she has the gown."
"Yes, she has it. And even my crush has her Huhu." malungkot na bulong ng isang dalaga.
"who is that man?" tanong ng isang binata.
"I don't know. Philip said he is a commoner" mga usapan ng isang grupo ng mga dalaga at binata.
"Oh!"
Nakangisi naman si Prince Philip na narinig ang mga usapan ng mga kasama niya sa kwarto. Idagdag pa na bahagya nang nakainom ang prinsipe.
Kahit ano ang gawin ni Lorenz, lamok lang ito sa paningin niya na isang prinsipe sa bansang iyon. Lumapit siya sa mag-asawa.
"Everyone!" kinuha ang atensyon ng lahat. Tinapik-tapik ang isang tinidor sa kopita ng alak.
"Meet Lorenz... The person who killed two wolves today" makahulugan na sabi. Tinapik nito sa balikat si Lorenz na kalmado.
"You see, he has the skills to kill wild wolves and to tame Domino. Maybe, it's because he came from… 'the wild'?" binigyang-diin pa nito ang 'the wild'.
Sa isip ni Prince Philip, wala siyang plano na magpatalo kay Lorenz. Masyado na nitong natapakan ang ego niya.
Idagdag pa na biglang sumikat ang lalaki sa mga kababaihan dahil nakapag-uwi ito ng dalawang patay na lobo at napaamo si Domino. Kaya naman nais ng prinsipe na ipakilala si Lorenz sa lahat bilang isang dugyot na nilalang.
Tingnan natin kung may magkainterest pa kay Lorenz.
Nakaramdam agad si Sandra ng pagkainis. Kung makikita niya araw-araw ang mukha ni Prince Philip, sigurado na makukunan talaga siya dahil sa kayabangan nito.
Pinisil naman ni Lorenz ang kamay ng asawa niya para lihim na sabihin dito na ayos lang ang lahat.
"Yeah, how can a man like Sir Lorenz, who has no family at all, no job and no status can defeat all of us?" gatong ng kaibigan ni Prince Philip.
"Who said he has no family? He is my Uncle" tanong mula sa isang batang lalaki na bagong pasok sa kwarto.
Agad itong naglakad patungo sa pwesto ng mag-asawang Lorenz at Cassandra.
Ngumisi si Prince Philip nang makita ang pumasok na bata. Nais niyang matawa.
'Who the hell is this kid? Ito ba ang magliligtas kay Lorenz? Wala na bang iba?'