Chapter 382 - Cassandra and Lorenz: My wife is Pregnant

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nagulat si Sandra sa sinabi ng asawa niya. Hindi niya alam na buntis siya. 

'Hinimatay lang ako, buntis na ko?' 

But a joy arises coming from her heart. Kung totoo na buntis siya, siya na yata ang pinakamasayang babae sa araw na iyon. 

Dinala si Sandra sa loob ng clinic ng isang OB. Sinuri siya ng doktor sa loob. 

Naghihintay naman si Lorenz at Duchess Camila sa labas ng opisina nito. 

Seryoso ang mukha ni Lorenz na halatang tense ito. 

Hindi maipagkakaila na nagulat din talaga ang ginang sa sinabi ni Lorenz na buntis ang anak niya. Madalas kasi na magpatsek ang anak niya sa OB and Gynecologist na nasa UK kaya nga niya nakuha ang record nito. 

At base sa reaksyon ni Cassandra, wala rin itong alam. 

Ngayon lang siya nakatagpo na mas naunang malaman ng lalaki na buntis ang asawa nito. 

"How did you know that your wife is pregnant?" usisa ng ginang kay Lorenz.

"I'm watching her period" simpleng sagot ni Lorenz. 

Mas nagulat ang ginang. "W-what if she's just delayed?" 

"Duchess, I am 100 percent sure" seryoso na sagot ni Lorenz. 

Natahimik ang ginang. 

Hindi niya alam kung ano ang pinaglalaban ni Lorenz pero sa tingin niya ay may punto ito. Nang mga makaraang araw, naisip niya na madali na lang na paghiwalayin ang dalawa dahil wala namang anak ang mga ito. 

Pero paano na ngayon? Malabo nang ipagkasundo niya sa iba si Cassandra dahil may anak na ito. 

"How will you support your family?" diretsahan na tanong ng ginang. 

Hindi maiwasan na magtaas ng kilay ni Lorenz saka diretso na hinarap ang mata ng ginang

"Duchess, do you see me as a lazy person?" 

Hindi sumagot ang ginang dahil mabilis na nabasa ni Lorenz ang totoong saloobin niya. Nakaramdam siya ng takot dahil may kung ano ang mga mata ni Lorenz para magbaba siya ng tingin. 

"Sir Lorenz, the doctor wants to talk to you." saad ng nurse na sumilip mula sa loob ng kwarto para tawagin siya nito. 

Tiningnan muna ni Lorenz ang ginang bago tuluyan na pumasok sa loob ng clinic. 

"Duchess, rest assured that I can support my family. I am paying our bills. Earning millions every year. And most of all, I am not beating my wife." malamig na saad ni Lorenz bago tuluyan na pumasok. 

Nanlaki naman ang mata ng ginang. 'He knew! Lorenz knew!' 

Hindi maiwasan na mapaupo siya sa silya na parang nalantang gulay. Alam ni Lorenz ang sikreto niya na dumaan siya sa pangit na relasyon ng kabataan niya. 

What about Cassandra? What would she feel kapag nalaman ng anak niya na she's pretending as a good wife in the past? 

Matapos ang lahat ng naganap sa pagitan nila ni Lorenz. Sa palagay niya ay hindi simple ang lalaki. 

Tulad na lang ng paghuli nito sa dalawang lobo ng araw na iyon. 

Alam niya na malaki ang katawan ni Lorenz. Pero naisip niya na katulad lang ito ng mga lalaking walang ginawa kung hindi magbabad lang din sa gym ang tingin niya dito. 

'Is he a CIA?' 

=====

Pumasok si Lorenz na baha ng luha ang pisngi ni Cassandra. He frowned. 

Agad niyang kinuha ang box ng tissue na nasa mesa at pinunasan ang luha nito. Hindi na niya nagawa pang magpaalam sa doktor kung pwede siyang kumuha doon. 

Ngumiti naman ang doktor nang makita ang reaksyon ni Lorenz. 

"Pinaiyak ka ba ng doktor?" paninigurado ni Lorenz saka pinunasan ang pisngi ni Sandra. 

"I'm just happy" sagot nito saka yumakap sa bewang niya. 

"Sir Lorenz, congratulations! Your wife is pregnant" nakangiti na saad ng doktor. 

Ngumiti ng simple si Lorenz at patuloy na pinunasan ang luha ni Sandra. Tulad ng sabi niya kay Duchess Camila, 100 percent sure siya na buntis ang asawa niya. 

"But it's better if Lady Sandra stays in your home. We are advising her to have a bed rest for a couple of weeks."

Pinaliwanag ng doktor na nasa kadelikaduhan ng first trimester si Sandra lalo na at nasa 30s na ang asawa niya. Kaya hindi rin pinapayagan na magbyahe si Sandra ng eroplano. 

Nagpasalamat lang si Lorenz sa doktor.

Siya namang pasok ni Duchess Camila na malalim ang tingin kay Lorenz. 

"Iiwan na muna kita sa Mama mo. Ibibili kita ng pagkain." 

Tumango lang si Sandra. 

Hindi maiwasan na mailang ng ginang sa mag-asawa. Ibang-iba ang inaakto ni Lorenz saga nakuha niyang impormasyon. 

Higit sa lahat, kita niya na mahal talaga ni Lorenz ang anak niya at wala siyang mabasa na kahit anong pagkukunwari.