Nanlaki ang mga kalaban ni Lorenz at sabay-sabay na nagsipaglungunan sa papalapit na itim na kabayo.
Kahit si Prince Hanz ay hindi maiwasan na mapahanga ni Lorenz.
Wala kasi na kahit isa sa kanila ang nakapag-uwi ng lobo pabalik. Kahit paano ay takot sila na may makita na lobo habang daan. Mas gugustuhin nila na makabalik ng maayos sa racing ng walang balakid kaysa mamatay sa racing na iyon.
Naniningkit ang mga mata ni Prince Philip at hindi makapaniwala nang makita si Lorenz na papalapit. May dalang lobo ang lalaki at hindi lang isa kung hindi dalawa!
Nagma-mantsa ang dugo ng dalawang lobo sa berdeng-berde na damuhan sa tapat ng royal house niya.
Hindi siya makapaniwala na maliligtas ang lalaki gamit lang ang isang bala na laman ng shotgun nito. Paanong nangyari iyon?
Nakita ni Lorenz na nagkakagulo ang mga tao sa pwesto malapit sa tent.
Dahil hindi niya makita si Cassandra sa dati nitong pwesto, pinabilisan niya ang takbo ni Domino.
Nang makalapit, nakita niya ang laylayan ng suot na bestida ni Sandra pati na ang binti ng asawa niya na nakahiga sa damuhan.
Idagdag pa na nakaluhod dito si Duchess Camila. Kaya sigurado siya na nawalan ng malay ang misis niya.
Agad siya na tumalon mula sa kabayo at tinakbo ang kumpol ng tao. Wala na siyang pakialam pa kung nagwagi siya o kung ano pa man. Kahit ang mga kababaihan na nakangiti ng matamis at nakatingin sa kanya ay hindi niya binigyan ng halaga.
Nasa misis niya ang lahat ng atensyon niya sa oras na iyon.
Akmang bubuhatin na sana si Cassandra ng isa sa grupo nang pigilan ito ni Lorenz.
"Let me hold my wife." matigas na sabi niya. Hindi niya hahayaan na mahawakan ng kung sinong lalaki ang asawa niya.
Mabilis na natakot ito at lumayo.
"I'll bring her to a hospital." Nakatingin siya kay Duchess Camila para hingin ang pagpayag nito.
Ayaw niyang ipasok ang asawa niya sa lungga ni Prince Philip kahit pa alam niya na may personal na mag-aasikaso sa kanila doon. Mas nanaisin niya na dalhin si Sandra sa pinakamalapit na clinic.
"Prepare the car for Sandra!" saad ng ginang saka tumayo.
Parang papel na binuhat ni Lorenz ang misis niya. Lahat ng kaseryosohan ay nasa mukha ni Lorenz at walang makitang emosyon kahit pa gusto niyang ipalapa si Prince Philip sa lobo dahil sa ginawa nito.
Mabuti na lang at may GPS ang relo niya. Naging handa rin siya na nagdala siya ng patalim.
Nagbigay siya ng makahulugan na tingin sa prinsipe bago niya tuluyan na binitbit si Cassandra sa sasakyan ng ginang.
"F*ck! How come he came back and with two wolves?" Tanong ng kaibigan ng prinsipe na nagpalit ng sign board sa daan.
Tinapunan lang ito ni Prince ng matalim na tingin at naiinis na pumasok sa loob ng bahay nito.
Nagkagulo naman ang iba pang kalaban ni Lorenz sa dalawang lobo na kapwa may gilit sa leeg. Ang iba naman lalo na ang kababaihan ay natakot sa mabangis na hayop.
=====
Nakakuyom ang mga kamao ni Lorenz habang sinusuportahan ang katawan ni Sandra sa loob ng sasakyan.
Halata ang takot sa mukha ng misis kaya lalo siyang nabuwisit kay Prince Philip.
Ayaw niyang patulan ang lalaki pero kapag sinagad nito ang pasensya niya, gagawa talaga siya ng paraan para manahimik na ito ng tuluyan.
Nagdilat din naman ng mata si Sandra ngunit nanlalabo pa ang mata.
"Lorenz?" Paninigurado nito. Mahina at matamlay ang boses.
"I'm here, don't be afraid" sabi niya sa misis niya.
He intertwined his hands against hers. Ginamit ang isang kamay para pinunasan ng tissue na nasa bungad ang namuong pawis.
Nakatingin lang ito sa kanya na para bang sinisigurado na hindi siya nagsisinungaling. Ilang saglit pa, mukhang kumalma naman ito matapos masiguro na ayos lang siya mula sa racing.
"I'm hungry" saad ni Sandra.
"Mamaya na. We'll bring you to a hospital nearby. What do you want to eat? I'll bring it to you kapag nasuri ka na ng doktor."
"Anything. Sinisikmura ako" reklamo nito.
May twenty minutes din na biyahe bago pumasok sa loob ng hospital ang royal car.
Alam ni Lorenz na nakasunod ang sasakyan ng mama ni Sandra sa kanila. Alam niya na nag-aalala rin ito sa lagay ng anak nito.
Bumaba si Lorenz, ganoon din si Duchess Camila.
Agad na hinarap sila ng staff dahil isang royal car ang pumasok sa loob ng hospital. Mabilis na dinala ang stretcher sa kanila.
"My wife is pregnant, please check her." Sabi ni Lorenz sa hotel staff matapos na mailapag ang misis niya sa ibabaw ng bed.
Napalingon si Duchess Camila kay Lorenz. Ganoon din si Sandra.
"What? I'm pregnant?!" Nagulat si Sandra.
Bakit hindi niya alam? At mas lalo na nagtataka siya na mas alam pa ni Lorenz ang tungkol sa bagay na iyon kaysa sa kanya?