Chapter 380 - Cassandra and Lorenz: Wolf's den (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Tinutok ni Lorenz ang shotgun sa dalawang lobo. 

Para bang sabik na sabik sa pagkain ang dalawa at naglalaway pa habang umaangil. 

*bang*

Natamaan niya sa leeg ang isa. The wolf growls. 

Umungol ito at agad na dumaloy ang kakaunting dugo mula sa leeg. 

Parang nagalit naman ang kasama nito na isa pang lobo. 

*grrrr* umaangil ang pangil nito at anumang oras ay susugod sa kanya. Ilang saglit nga lang ay tumakbo ito patungo sa kanya. 

Ginalaw muli ni Lorenz ang gatilyo para patamaan din ito sa leeg ngunit walang lumabas na bala. 

"Putang--!" hindi maiwasan na mapamura siya. 

Tinalunan siya ng lobo at wala siyang nagawa kung hindi ang mabilis na ihampas ang katawan ng shotgun niya dito. 

Mabuti na lang at mabilis ang survival instinct ni Lorenz. 

Tumilapon ang lobo sa isang puno malapit din sa kasama nito na nasugatan. 

Sinuri ni Lorenz ang shotgun at alam niya na tig-anim ang bala ng bawat shotgun bago magsimula ang laban. Hindi niya alam kung paanong nangyari na iisa na lang ang bala ng hawak niyang armas. 

Posible na may sumabotahe sa kanya habang inaayos nila ang sapatos ni Domino. 

Mabilis na nakabawi ang dalawang lobo at nanlilisik ang mata nito na nakatingin sa kanya. 

Umangil ang isa at akmang lalapit muli sa kanya. Tumutulo pa sa pangil nito ang laway na para bang laway na laway sa kanya. 

Katulad ng lobo, matalim din ang mga mata ni Lorenz at wala man lang maramdaman na takot. 

Kinuha niya ang balisong niya na nasa isang bulsa. 

Tumalon ang lobo at pinakagat niya dito ang katawan ng shotgun saka ito pinaibabawan. Ngunit patungo din sa kanya ang isa pa. 

Akmang sasakmalin siya nito sa leeg nang talunan ni Domino. Paulit ulit na tinalunan ito ng kabayo hanggang sa madurog ang katawan nito. 

Kasabay nito ang pagsaksak niya sa mata ng lobo na pinipigilan. At parang nababaliw na ginilitan ito sa leeg. 

Nanggigigil si Lorenz na ginilitan din ang lobo na patuloy na na tinatalunan ni Domino hanggang sa sabay na nawalan ang mga ito ng buhay. 

"Thanks Buddy!" tinapik-tapik niya ang itim na kabayo. 

Kinuha niya ang makapal na lubid na nakasabit sa gilid ng kabayo at inayos ang pagkakatali ng dalawang lobo. 

Napaismid na lang siya kay Prince Philip. You wanted a wolf? I will give you two wolves! 

=====

Sa lugar naman ni Cassandra.

Isa-isang nagsipagdatingan ang mga kalahok. 

Nauna ang grupo ni Prince Philip. 

"Sorry, we didn't see any wolves along the way." mayabang na sabi. 

"It's okay Prince. Mas mahalaga ang kaligtasan ng lahat" saad ni Prince Edward na asawa ni Duchess Camila. 

Nagsunud--sunod ang mga kalahok na wala man lang bitbit kahit isang lobo at tanging si Lorenz na lang ang natitira sa grupo na hindi pa nakabalik.

Nilapitan ni Sanda si Prince Philip. 

"W-where is Lorenz?" nag-aalala na tanong niya. 

"Oh! I didn't see him." makahulugan na sagot ni Prince Philip. 

Ilang saglit lang, narinig nila na may pumutok na bala mula sa masukal na lugar. Natigilan si Sandra at napalingon sa lugar nito 

Dahil si Lorenz lang ang wala sa lugar, sigurado siya na si Lorenz ang nagpaputok ng bala na iyon. 

Napangisi si Prince Philip. Natigilan naman si Cassandra. Ilang saglit lang, narinig ang mga pag-angil sa parehas na pwesto. 

"W-where is it? I want to go there." nagsisimula na siyang mataranta. 

Lalo na nang wala na siyang marinig na putok at puro pag-angil na lang ng mabangis na hayop ang naririnig nila sa masukal na lugar. Hindi kaila sa lahat ng manonood na tig-anim ang bala ng bawat shotgun. 

Kaya ang nasa isip ni Sandra ay nilalapa na ng hayop ang katawan ng asawa niya at hindi na ito nakalaban pa. 

Lumapit si Duchess Camila sa pwesto niya. 

"Sandra, you are not allowed to go anywhere." matigas na saad ng ginang.

"Ma, I need to see Lorenz. Sigurado na siya ang nagpaputok ng shotgun. Where is it?" nagsimula na siyang umiyak. Nagsimula na rin na makaramdam siya ng pagkahilo. 

"Maybe nakita niya ang wolf na hindi namin nakita." makahulugan na saad ng prinsipe habang nakangiti ng kaunti. 

Ilang saglit pa, wala na siyang marinig ng kahit na ano na lalong nagpasama sa kalooban ni Sandra. Napapraning siya at kung anu-anong masamang mga imahe ang naiisip niya na nagaganap kay Lorenz. 

"I-Iwant to go, I want to go…" tutunguhin pa lang sana niya ang isa sa mga kabayo nang mawalan siya ng malay. 

"Ahhh!" napasinghap si Duchess. 

"Call a doctor! Quick!" utos ng ginang sa mga tao sa paligid. Agad siyang lumuhod para alalayan ang anak. 

Sumunod naman si Prince Philip. 

Nagkagulo ang mga tao sa paligid lalo na nang makita na hinimatay si Sandra. 

Habang nagkakagulo sila, nabigla na lang ang lahat nang makita ang itim na anino na lumabas mula sa masukal na lugar. 

"Ahhhh!!!" Sabay-sabay na kinikilig ang mga kadalagahan nang makita si Lorenz. 

Agad na pinagalitan ang mga ito ng mga magulang nito dahil sa pagka-kiri. 

Mas nabigla pa ang lahat nang makita na may hila-hila si Domino na hindi lang isa kung hindi dalawang lobo.