Nakangisi si Prince Philip. Kailangan na makasali sa laban si Lorenz.
Tutal naman ay kumagat na ito sa pain para tuluyan na mahulog sa kumunoy, kaya lulubus-lubusin na niya.
Kailangan niyang ipamukha dito na naroon ito sa balwarte niya at lahat ng bagay doon ay gamay niya.
Ayon kay Duchess Camila, walang kwenta ang pinagmulan ni Lorenz kaya hindi niya hahayaan na matalo siya nito.
Hindi niya talaga natanggap ang nangyari nang nagdaang araw kung saan parang pinamukha sa kanya na hindi pa ganoon kalaki ang circle na mayroon siya.
How come he knew the best person?
Kung ano man ang mangyari kay Lorenz kasalanan nito iyon dahil nagtapat silang dalawa.
Nagpasalamat na nga lang siya dahil isang commoner at ulila ang lalaki. Walang maghihinala sa kanya sa poder nito. Kung sa parte naman ni Sandra, madali na lang magbigay ng rason dito dahil sigurado na tutulungan siya ni Duchess Camilla.
"F*ck! He is riding Domino!" nabigla siya nang mapamura ang kaibigan niya na nasa tabi.
Nilingon niya ang tinutukoy ng kaibigan.
"This…" hindi rin siya makapaniwala. Ang inaasahan na nagwawala at tila galit na kabayo ay mabait na napasunod ni Lorenz.
Hindi lang ang prinsipe ang nagulat maging ang mga manonood na alam ang istorya ng itim na kabayo na may puting buhok.
Nagsipaglingunan ang lahat sa gawi ni Lorenz. Hindi lang ang mga kalahok kung hindi pati na rin ang mga nanonood na sinisilungan ng malaking tent.
Hindi makapaniwala ang lahat bukod kay Sandra na walang alam.
Kita agad ni Cassandra ang asawa niya na sakay ng itim na kabayo. Napangiti siya. Nilingon siya ng ginang na nasa tabi at hindi na ito nabigla na makita na para siyang dalaga na nakita ang unang pag-ibig nito.
Sandra is admiring her husband at the moment. Parang nagmula sa dark painting si Lorenz na ililigtas siya mula sa kadiliman.
"Wow! Who is that man riding Domino?"
"Yes! Oh my god he is so handsome!"
"I want to know him too."
Mga bulungan ng mga kababaihan sa likuran ni Sandra. Dahil hindi niya naman kilala si Domino kaya hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ng mga ito.
Lumingon sa gawi niya si Lorenz. Hinanap siya nito sa mga hilera ng manonood. Hindi naman ito nahirapan at mabilis na nagtagpo ang mga mata niya. Para bang nag-usap muna ang mga mata nila before she sent a flying kiss to her husband.
Ngumiti ito sa kanya. He can't help na kiligin.
"Oh oh! He's smiling at me!" narinig niya na kinikilig mula sa likuran niya.
Walang panahon si Sandra sa mga dalagang humahanga sa asawa niya. She felt the same way kaya hindi niya masisisi ang mga kababaihan na ito na hayaan na humanga kay Lorenz.
=====
Lihim na binuksan ni Lorenz ang GPS ng relo niya. Para kung sakali na maligaw siya sa masukal na daan, madali siyang makakabalik.
Pero hindi niya akalain na mas matindi pa dito ang pinaplano ni Prince Philip.
Nagsimula ang laban.
Si Duchess Camila ang naka-assign sa signal bilang kaarawan ng ginang sa araw na iyon. Ginalaw nito ang gatilyo ng Beretta na nakatutok sa kalangitan para simulan ang laban.
Umalingawngaw ang putok sa kalangitan.
Agad na nagsipagtakbuhan ang mga kabayo. Hinaplos muna ni Lorenz si Domino.
"I trust you that you will help me win…" bulong niya sa itim na kabayo.
Kahit pa nakakunot ang noo ng lahat at tila hindi maiwasan na magtaka kung bakit naiwan si Lorenz, hindi masyadong pinansin ni Sandra.
Malaki ang tiwala niya sa asawa na mananalo ito sa laban nito sa araw na iyon.
Saglit na tinapik ni Lorenz ang kabayo at agad na tumakbo iyon pasulong.
Tumakbo sa malawak na greenfield ang kabayo hanggang pumasok ito sa loob ng masukal na daan.
Nanalangin naman si Sandra na sana ay ligtas ang asawa niya. Bilang babae, normal na matakot siya sa lobo kahit pa alam niya na ilang bala na ang inilagan ng asawa niya at kung gaano kadelikado ang training na pinagdaanan nito.
=====
"Did you change the sign?" tanong ni Prince Philip sa isa sa mga kaibigan.
Ngumisi lang ito bilang sagot sa tanong niya.
Inutusan niya na palitan ang guide para ituro si Lorenz sa mismong lungga ng mga lobo.
It doesn't matter kung wala silang makuhang lobo, ang mahalaga mamamatay si Lorenz sa araw na iyon. Iuuwi nila ito nang tapyas-tapyas ang mga laman nito sa katawan.
Sa lugar ni Lorenz, naniningkit ang mata niya sa daan na ibig sabihin ay desidido siya na manalo.
Habang daan hindi maiwasan na magtaka siya dahil dumidilim ang lugar na tinutungo niya ni Domino. Sigurado siya na sinunod niya ang mga sign boards.
Pinahinto na muna niya si Domino at sinilip ang compass niya sa relo.
Ang natatandaan niya base sa mapa na pinakita ni Prince Philip, patungo dapat ng west ang ruta ng racing paikot at pabalik sa royal house nito.
Pero naroon siya sa east sa kasalukuyan.
Umismid siya, hindi niya akalain na ganitong klaseng trick lang ang ilalabas ng prinsipe.
Sobrang babaw at parang bully sa elementary.
Pababalikin na sana niya si Domino kung saan sila galing gamit ang GPS ng relo niya nang may dalawang lobo na galit na galit at tila naglalaway sa kanya ang humarang sa daan.
Humalinghing si Domino na halatang natakot ito.
"Don't be afraid. I'm here.." hinaplos niya muli ang katawan nito.
Tumalim ang mata ni Lorenz at itinutok ang shotgun sa dalawang lobo.