Chapter 398 - A help from Love Rival

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Samantala sa lugar ni Cally… 

He is sitting in the back seat of a car na patungo sa recuperating area. Halos hindi siya makahinga sa pag-aalala sa asawa at sa anak niya; idagdag pa na hindi rin niya alam kung nasaan ang Mommy niya. 

Ilang beses niyang tinawagan si Ginny ngunit hindi niya ito makontak. He is just hoping na ayos lang ang Mommy niya sa mga oras na iyon. 

Nakahinga siya ng bahagya nang mabalitaan mula kay Kai na ayos ang anak niya at ang mag-nanay nito. 

Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang bigat ng kalooban niya nang maisip na mag-isa ang asawa niya sa ospital. Pinahanap niya kay Mat-mat ngayon na nakaupo sa tabi ang Mommy niya. 

Limang Dark Guard lang ang kasama niya sa kasalukuyan saka si Mat-mat dahil kailangan niya ang talent nito sa paghanap kay Gon. Idagdag na rin si Kai na plano lang na ihatid ang grupo ni Bella sa tahanan nito. 

Hindi niya sigurado kung gaano karami ang kalaban nila. How he wished na malapit lang ang kampo ng Dark Guards. 

Isang tawag sa telepono niya ang agad na gumambala sa kanya. Hindi rehistrado sa telepono niya ang mga nakasulat na mga numero sa screen. 

Pinindot niya ang answer button dahil baka si Prin muli iyon pero nagulat siya na ang karibal niya sa asawa ang nasa kabilang linya. 

"Where are you? Bakit antagal mo yatang dumating?" nabosesan niya si David. 

Matagal bago nakabawi si Cally. 

"Don't tell me na nasa party ka na agad?" usisa niya. 

Narinig niya ang bahagyang pagtawa nito. 

"Yeah, we came here nang malaman namin na nandito si Yuna, este your wife Prin. Plano lang namin na dalawin siya but to our surprise, napansin namin na may nagaganap sa loob." 

Naipaliwanag na sa grupo nito ang sitwasyon ni Prin kaya naintindihan agad ng tatlo. 

Kahit pa nga dismayado ang tatlo na biglang sangkot si Prin sa grupo ng Dark Lords, walang magawa ang mga ito kung hindi tanggapin ang katotohanan. Kahit papaano ay tunay ang pagkakaibigan na binahagi ni Prin sa grupo bilang si Yuna. 

Both of them are in a different organization. 

Ibang organisasyon ang humahawak sa grupo ni David, Mikey at Coffee pero malaki ang tulong na naibigay sa kanila ni Yuna noong ito pa ang katauhan ni Prin. 

Dadalawin lang sana nila ang kaibigan ngunit naramdaman ni Mikey na may mali sa recuperation area. Bilang doctor, alam nito ang mga nagaganap sa ospital. Kaya nagtungo muna sila sa mismong hospital at nagmanman. 

Hindi nga sila nagkamali na may nagaganap nang makita nila mula sa CCTV na pinagsasama-sama ang lahat ng pasyente at hospital staff sa iisang kwarto. 

"What is the current situation?" tanong ni Cally. 

Magpapasalamat talaga siya kay David at sa grupo nito kapag natulungan siya na mailigtas si Prin. Parang may bato muli na nakadagan sa dibdib niya sa mga oras na iyon. 

Dalawang beses nang nawala sa kanya ang asawa niya at ayaw niya nang mangyari muli ang mga iyon. He is praying to all gods in the universe to help him save his wife. 

Nasa katabing building ang grupo ni David. Sa mismong ospital kung saan ginaganap ang surgery. 

Naroon siya sa tuktok at pinag-aaralan ang sitwasyon sa kabilang building na pinaliligiran ng mga armadong tao kahit pa nga nakasuot ang mga ito ng hospital staff ng recuperation area. 

Si Coffee ay nasa isang sulok na table ng Coffee shop na nasa tapat din ng ospital para doon magbigay ng instructions at payo. 

"Well, Coffee hacked the CCTVs at ninakaw namin ang buong visibility ng lahat ng camera. The enemies won't see your wife anymore. We saw Yuna este Prin going out to the garden but unfortunately there are too many guards outside." 

"Okay, salamat… David… I will give you help or anything you want in the future, but please help me save my wife." 

Ngumisi si David sa mga narinig. Never in his wildest dreams na ibaba ng isang Master Cally Han ang sarili nito at makikiusap sa isang tulad niya. Kapag nabalitaan ito ng lahat baka sumuka pa ng dugo ang kahit ang hari ng Britanya. 

"What if I want your wife?" hamon ni David. 

Doon tumalim ang mata ni Cally. "anything except my family." 

"Then, I'll think it over. Bibihira mag-offer ang isang Master Cally. Kailangan kong pag-isipan ng mabuti at gamitin ng maayos ang hihingin ko." sagot nito na para bang sigurado ito na maliligtas nito sa Prin. 

"See you soon." paalam lang ni David kay Cally bago pinutol ang tawag.