Chapter 399 - Help from friends

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nang masiguro ni David na walang tao sa isang parte na iyon ng building, isang arrow ang tinira niya sa pader gamit ang bow. 

Mabilis na tumusok ang arrow sa itaas na bahagi ng pader. May mahabang lubid na nakakabit dito. 

Hinila iyon ni David para siguraduhin na kaya siya nitong dalhin sa ere. Umatras siya ng ilang mga hakbang hanggang sa makuha niya ang tamang layo para makabwelo sa pagtakbo. 

Ilang saglit pa ay mabilis siyang tumakbo hanggang sa tumalon siya sa kabilang gusali. 

Hawak ng mahigpit ang lubid, nilakad niya ang gilid ng pader na parang ninja. Nagkaroon din ng problema si David dahil kasalukuyang basa ang pader gawa ng pag-ambon.

"F*ck!" muntik pa niyang mabitawan ang lubid. Mabuti na lang at mabilis na kumilos ang isang kamay niya. Sa taas ng kinaroroonan niya sa mga oras na iyon, hindi niya alam kung may buhay pa siya kung sakali na mahulog siya sa ibaba. 

Agad siyang bumwelo paabante patungong garden. Mas binilisan niya ang lakad dahil baka hindi na rin siya kayanin ng arrow hanggang sa makarating siya sa bungad ng garden. 

Matapos masiguro na wala ring tao sa lugar, mabilis na tumalon si David sa loob ng railings. 

May pinindot lang siyang isang bagay at agad na hinila ng arrow ang mahabang lubid para umikot dito at hindi mapansin ng kalaban ang pagpasok niya. 

Sakto naman na may lumiko nga para icheck ang pader na iyon. 

Natagpuan niya ang isang lalaki na walang malay na nakadapa. May saksak ito sa leeg na alam niyang si Prin ang may gawa. Umaagos ang dugo nito sa sahig na bahagyang basa. 

'Not bad.' he's impressed. Hindi niya inaasahan na maliligtas ni Prin ang sarili. 

Binuksan niya ang monitor para makausap si Coffee kasabay ng paglakad patungong pintuan papasok sa loob ng gusali. 

"What is the situation inside?" usisa niya kay Coffee. 

"Nasa fourth floor siya ngayon, nagtatago sa likod ng nurse station. Parehas lang ng floor ng garden. Turn left, then 'yung nasa kanto, 'yun ang nurse station. Hinahanap siya ng mga asungot. Kailangan mong bilisan." 

"Okay, got it!" 

====

Kinakabahan si Prin, may armas naman siya ngunit ayaw niyang magpabigla-bigla sa pagkilos. 

Mahigpit niyang hawak ang baril na nakuha para kung sakali na mahuli siya ng kalaban. Ayaw niya sanang gamitin ang bagay na iyon dahil magbibigay iyon ng signal sa iba pa. 

Kailangan niyang magtiwala kay Cally na aabutan siya nito doon. 

Ilang saglit pa nakikita niya sa ilalim ang mga anino ng katauhan ng mga kalaban. 

"Did you check the rooms? Where is she?" 

"What do you mean you can't see anything in the CCTV?!" galit na sabi nito sa kausap sa kabilang linya. 

"You bast--" 

Nakarinig siya ng mga pagkaluskos. Ilang saglit pa may narinig siyang pag-crack ng mga buto. 

Tapos, tila bumagsak na katawan. 

'What the hell is happening?' 

Kinakabahan si Prin. Hindi pa siya ganoon kagaling sa pakikipaglaban. Idagdag pa na nasa ospital siya ng isang buwan mahigit kaya parang na-stuck ang mga muscle niya. Hindi na siya kasing bilis na tulad ng dati.

Halos wala siyang narinig na paghiyaw na indikasyon na may naglaban sa malapit. Kaya hindi maiwasan na mapa-isip siya kung gaano kagaling ang dumating.

Sigurado na hindi si Cally iyon dahil ilang minuto pa lang ang nakalipas nang makausap niya ang asawa niya at nasa airport pa ito. 

May isang oras bago makarating sa ospital na iyon ang asawa niya kahit magmadali pa ito mula sa airport. 

Alerto si Prin na pinakikiramdaman ang paligid. May narinig siyang mga yabag ng sapatos. Mahigpit niyang hinawakan ang armas at handang gamitin iyon kung kailangan. 

Hanggang sa lumitaw sa paningin niya ang salarin. 

"Hah!" hiyaw niya. 

Tinutukan niya ito ng baril ngunit nakilala niya si David. 

Nakataas ang kilay nito nang makita siya na parang bata na nakaupo sa pinakasulok ng divider ng nurse station. 

"Oh my gosh, David!" nakahinga ng maluwag si Prin matapos makilala ang lalaki.

Hawak ang dibdib na halatang kabado siya. Lumabas sila ng station. Hawak ni Prin ang gown na nakuha niya sa kabinet. 

Binigyan siya nito ng monitor sa tenga at kinabit nito ang pin sa likuran na bahagi ng kwelyo ng damit niya. 

"Hello friend!" narinig niya si Coffee sa kabilang linya. 

"Coffee?" 

"Yes, say 'Hi' to your camera" saad nito na ang tukoy ay ang bilog na CCTV na nasa uluhan nila. Sumunod si Prin na kumaway. 

"Dear, can you send a message to my husband? Can you ask him how's my Khalid? Walang signal dito sa loob ng building." tanong ni Prin kay Coffee. 

Umasim ang mukha ni Coffee. There was no way na kontakin niya si Cally. Kung mayroon siyang kinatatakutan malamang ang Kent Family na iyon. Ibig sabihin lang ay wala siyang choice kung hindi ang makipagpalitan ng mensahe kay Matthew na isa sa mga kinabubwisitan niya.