Chapter 400 - Think Prin, Think!

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hindi na nakatiis si Cally at nagpapalit siya ng motor sa isang lalaki na nakasabay nila sa highway. 

Binusinahan ito ng isang Dark Guard na nasa driver seat ng ilang ulit. Kaya huminto sila sa gilid. 

"I'll give you this car, in exchange for your motorcycle." sabi ni Cally sa korean. Tinuro niya ang kotse na gamit nila. 

"Master!" pagtutol ng isang Dark Guard. Hindi nila hahayaan na si Cally ang mag-isa na sumugod sa kalaban. 

Isang BMW ang kotse ni Cally. Syempre, pumayag ang lalaki. Agad nitong hinagis ang susi sa kanya. 

"I need to be faster. Mas mauuna ako ng ilang minuto kung ito ang gagamitin ko." hindi niya kaya na maghihintay lang sa sasakyan at mag-iisip lang kung kailan makakarating sa lugar ng asawa niya. 

Mabilis na sumakay at pinatakbo ni Cally ang motor. 

Walang nagawa ang mga Dark Guards. 

" We will give it to you once we are in a city"

Matalim ang mata niya habang nasa kalsada. He can't wait to kill this Gon Peter para mas mapanatag ang loob niya na ligtas silang pamilya. 

====

Samantala sa lugar ni Prin… 

Hawak ang patient's gown, sinabi niya na magpapalit siya ng damit sa isang kwarto na nasa malapit dahil nilalamig na siya sa suot na basang pajama na naambunan. 

Manipis pa rin naman ang damit na ipapalit niya pero kahit papaano ay hindi naman iyon basa. Nilagay niya sa bulsa na suot ang mga nakuha niya sa nurse station na limang anesthesia. Hawak niya ang surgical scissor at baril sa kabilang kamay. 

Si David naman sa labas ng kwarto ay alerto na nagbabantay. Nagulat siya nang makita si Cally na nandoon na sa lugar. 

Seryoso ito na papalapit sa kanya. Mabibilis ang mga hakbang nito at halatang nagmamadali.

He is wearing a black polo and long slacks. His dark brown hair is waving while he walks toward David. 

"Hey! Mabuti naman at dumating ka na! Paano ka nakapasok? Did they see you?" usisa ni David kay Cally. 

Hindi ito sumagot hanggang sa makalapit sa kanya. Sa halip, pinukpok siya nito ng armas sa ulo ng napakalakas. 

Agad na lumabo ang mata ni David. "F*ck…" 

Sumenyas si Gon sa mga kasama na nagtatago para bitbitin si David ng mga ito. 

May narinig na kalabog si Prin sa likod ng pintuan matapos niyang masinop ang mga gagamitin. 

Dinikit na muna niya ang tenga sa likod ng pintuan para marinig kung ano ang nagaganap sa labas bago niya napagdesisyunan na buksan iyon. 

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan palabas. Nagulat na lang siya nang paglabas niya ay wala si David. 

Nakakunot ang noo ni Prin.

Pagsara niya ng pintuan, nanlaki ang mata niya nang makita si Gon Peter na nasa katauhan ng mukha ng asawa niya na nagtatago sa likuran ng pintuang kahoy. 

"Miss me?" tanong nito. 

Agad na inangat ni Prin ang baril na hawak dito pero naunahan na siya ni Gon. Nasa noo na niya ang malamig at dulong bahagi ng baril na hawak nito. 

"Put your gun down, Miss Matsui or you will be dead!" 

Nanggagalaiti na hinagis ni Prin ang parehas na hawak niya. Ngumisi ito na hinila siya patungong elevator. 

"You will be enjoying my show. Don't worry!" saad nito. 

Maybe he looks like Cally and uses Cally's voice but the aura and the feeling she felt for the original Cally is different. 

Dinala siya ni Gon sa lobby. Madilim ang buong ospital kahit ang lobby.

Sa normal na gabi, madilim talaga ang recuperating area na iyon dahil madalas na nagpapahinga na ang mga pasyente at para makatipid na rin sa kuryente, kaya dim light lang ang tanging gamit na ilaw. 

Ilang kalalakihan ang nasa paligid at nakangisi ang naabutan nila. Tila ba nag-aabang kung ano ang gagawin sa kanya ni Gon. 

Tinulak siya nito sa sahig. Dumausdos si Prin saka nag-aapoy ang mata na nakatingin kay Gon. 

Nakita niya si David na walang malay at nakatali sa isang sulok. Sigurado na kaya mabilis na natalo ito dahil naisip nito na si Cally ang lalaking nasa harap niya. 

Lumapit si Gon sa kanya. Lumuhod ito, pinigilan ang dalawang binti niya at pinisil ng mariin ang baba niya.

"Do you know that I am always curious kung ano ang pakiramdam ni Cally tuwing makakasiping ka?" 

Matalim ang tingin niya dito pero hindi maiwasan na nilamig si Prin sa narinig mula kay Gon. The thoughts of Gon Peter touching her body is beyond her imaginations. Kahit ang bangungutin ay hindi niya maiisip na mangyayari. 

Ngumisi ito na tila isang demonyo. Saka binitawan ang baba niya ng marahas.

"Why are you so silent? Go on Prin Matsui, looking at your husband's face. I am waiting. Seduce me now or else I will be the one who will force you." 

Nadagdagan ang lamig sa katawan ni Prin. Naghahalo ang tapang at takot sa kaibuturan ng puso niya para sa lalaking nasa harapan. 

She knew behind his message. 

Sa lobby na iyon sa harap ng mga lalaki sa paligid, plano siyang harasin ni Gon Peter.

Hindi niya hahayaan na magtagumpay ito. 

'Think Prin, think'