Chapter 401 - How pathetic?

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nakita ni Coffee ang lahat ng nagaganap sa loob ng hospital at hindi na siya nagdalawang-isip na magpadala ng mensahe kay Matthew.

[Coffee: Hello, Old Hag!]

Isang black na kwadrado ang lumitaw sa laptop ni Mat-mat. Nagtaas ang kilay niya nang makita ang mensahe mula sa witch na babae.

[Matthew: Hehe, end of the world na ba? Bakit bigla kang lumitaw ?]

[Coffee: If not for Prin. Hinding-hindi kita tatawagan, ungas! Anyway, I reach out to you because of Prin. She's now in the hands of a person who looked like her husband, Master Cally]

Nabigla si Mat-mat sa nalaman.

"We have to be faster!" utos niya sa Dark Guards na nagmamaneho saka nginitian ang koreanong katabi at hinihintay na ibigay nila ang kotse dito.

=====

Tumawa ng malakas si Prin. Halos mag-echo ang tawa niya sa malaking space ng lobby ng building.

"You know what Gon Peter, I am always curious kung bakit gigil na gigil ka na maagaw ang posisyon ni Cally. Samantalang, kahit sa kalingkingan ng kuko ng asawa ko hindi ka aabot."

Nagdilim ang paningin nito sa kanya. Sinampal siya nito ng ubod lakas na halos magpabingi sa kanya.

Ngumiwi si Prin. Hindi pa ganoon ka galing ang bago niyang opera pero kailangan niyang kumuha ng oras dahil kailangan na maabutan siya ni Cally.

Tumawa muli si Prin. "Gon Peter, nakakatawa ka na nga lang kung saan ka humuhugot ng kapal ng mukha. Isang kanang-kamay lang lolo mo ni Master Kent but you wanted to get the whole Dark Lords? Hindi ba't nakakatawa na gabi na pero nangangarap ka pa rin ng gising. How pathetic!"

"Shut up!" Naniningkit ang mata nito pero hindi nagpapigil si Prin. Pinisil ni Gon ang magkabila niyang panga habang nagkikiskis ang mga ngipin nito.

Ngayon niya naintindihan kung bakit mabilis siyang nakilala ng asawa niya noong si Yuna pa siya. Hindi mahalaga ang anyo kundi ang personalidad ng isang tao.

Mabilis siyang nakilala ni Cally noon kahit iba pa ang hitsura niya at ganoon din naman siya kay Gon nang una niya itong makita sa kwarto.

"Sa tingin ko, inggit ang namana mo sa lolo mo. Malaki ang inggit ng lolo mo kay Master Kent na ipinamana niya sa iyo dahil malaki rin ang inggit mo kay Cally. He he... Nagawa mo pa ngang hiramin ang mukha ng asawa ko." pang-iinis ni Prin dito.

Sinira nito ang suot na pang-itaas ni Prin. napunit ang itaas na bahagi ng hospital gown na suot niya kaya lumitaw ang maputi at makinis na dibdib niya sa paningin nito.

She tried to cover her body using her arms.

Ginamit ni Prin ang buong lakas niya para makawala sa pagkakapigil ni Gon sa mga binti niya.

Nang makawala ang isang binti niya agad niya itong sinipa paangat. Nawala sa balanse si Gon at agad na nakawala si Prin mula sa bigat ng katawan nito. Mabilis na gumapang siya palayo dito. Alam niya na wala siyang laban kay Gon lalo na at hindi pa siya tuluyang nakakapagpraktis sa pakikipaglaban.

Sa oras na iyon, mas gugustuhin na niyang mamatay kaysa mahawakan nito.

Nagdilim agad ang mga mata nito. Tumatahip ang dibdib nito pataas at pababa dahil sa bilis ng paghinga at sa galit sa kanya.

He grabbed her hair.

"Ahhh!" hiyaw ni Prin.

Pakiramdam niya ay matatanggal ang ilang hibla ng buhok niya sa anit sa sobrang paghila ni Gon sa buhok niya.

Bigla niyang naalala na nasa bulsa niya pa ang mga syringe dahil hindi naman nito nagawang kapkapan pa siya. Dahil kita naman na manipis lang ang suot niyang damit. Sakto naman na kasya lang sa bulsa niya ang mga iyon at hindi kalakihan. 1ml lang ang size ng limang anesthesia.

Mula sa likuran, hinila siya nito at nilapit nito ang bibig sa tenga niya. "Are you like this on Cally's bed ha? Tsk tsk! I am starting to pity him."

Mabilis na natanggal ni Prin ang takip ng isang syringe na may anesthesia. Umikot siya paharap kay Gon at malalim niyang tinurok sa braso nito ang bagay na iyon. Mabilis niyang pinindot ang syringe para mabilis din maubos ang gamot sa buong katawan nito.

"You forgot that I am not an ordinary girl!"

"F*ck!" mura nito. Saka niya ito tuluyan na sinipa.

Ilang saglit pa, narinig nila ang mga putok ng bala at pagbasag ng salamin. Halos yakapin ni Prin ang sarili. Nagising din si David at agad na sinandal ang ulo na sumakit sa pader.

Matapos maubos ang mga tao na nakatayo malapit sa pintuan pati na ang pagbasag ng malalaking salamin, isang motor ang pumasok sa loob ng lobby.

Isang nakakangilong tunog ang narinig mula sa impact ng gulong laban sa makinis na marmol. Huminto ang motor at agad na tumalon si Cally mula rito.

Mabilis na hinubad nito ang itim na coat at ipinatong sa nakabilog na katawan ni Prin.

"Are you okay, Honey?"

"Yes, I'm fine!"

Nilingon nila ang lugar ni Gon na kasalukuyan na nawala sa pwesto nito.

"I have to finish this battle." saad ni Cally.

"I'm going with you!"

"No Honey. Stay here! Tumabingi na naman ang mukha mo." mabilis na umalis si Cally.

"Ha?" nag-panic bigla si Prin. nawala na sa isip niya na sundan si Cally at mas concern niya na ang anyo niya sa oras na iyon. Baka naghugis-mais na ang mukha niya dahil sa sampal na ginawa ni Gon Peter. Siya mismo ang tatapos sa buhay nito kapag pumangit siya.