Chapter 402 - Guarding the building

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Madilim ang pasilyo sa palapag na iyon ng Second floor kung saan nagtungo si Gon. 20 rooms ang kabuuan ng bawat palapag ng gusali na iyon.

"Turn left" narinig ni Cally na sabi ni Mat-mat sa monitor niya.

Mula sa laptop ni Coffee, tuluyan na kinuha ni Mat-mat ang buong files ng CCTVs sa recuperation building na iyon. Galit na galit ang babae sa kanya nang biglang mag black na lang ang screen ng laptop nito at tanging 'thank you' ang nakasulat sa screen.

Nagpasalamat si Mat-mat na nagawa ni Coffee na magpadala sa kanya ng mensahe at nakuha niya ang IP address na gamit ng babae kahit na peke pa ang address na ginamit nito.

Bilib na bilib tuloy si Mat-mat sa sarili niya dahil ilang taon na ang lumipas at hindi pa rin siya nito matatalo sa larangan ng technology.

"By the way, I just want you to know that he looks like you"

"What do you mean?" bulong ni Cally at bahagyang nagtaas ang kilay sa narinig.

"Ginaya ni Gon ang mukha mo. I'm not sure kung ano ang nasa isip ng mokong na ito. Feeling ko idol ka niya talaga e."

Hindi pinansin ni Cally ang biro na iyon ng pinsan niya. Mas alerto kasi siya sa paligid, hanggang sa makita niya ang isang anino. Pinaputukan siya nito ng ilang bala. Agad siyang gumilid sa pader.

Saka niya ito ginantihan ng putok.

Nagpalitan ng putok ang dalawang lalaki hanggang sa maubusan ng bala si Gon. Inis na hinagis nito basta ang baril na hawak. Hindi kasi nito magamit ng maayos ang braso na nangalay.

Nangangalay na ang braso nito gawa ng anesthesia na tinurok dito ni Prin. Nakaramdam na rin ito ng kaunting hilo kaya mas nanggigigil ito kay Prin Matsui.

Umakyat ito ng hagdan hanggang sa ika-apat na palapag kung nasaan ang garden ngunit napansin nito na nagbabantay na doon si Kai Jang.

Nangigigil ito na hindi tinuloy ang paglabas at naghanap ng iba pang maaaring daan. Kahit pa mukha ni Cally ang anyo niya. Sigurado na hindi niya ito malilinlang.

Napansin naman ni Cally na nawala muli ang bulto ni Gon sa tinataguan na nasa ikalawang palapag.

"Where is Gon?" usisa niya kay Mat-mat sa monitor.

"You know what Shi, malapit na akong malito sa inyong dalawa. Iangat mo nga ang kamay mo at mag-Gwiyomi ka para mas makilala ko kung sino ang tunay na Cally. Nasa Korea naman tayo e." medyo naguguluhan na si Mat-mat sa dalawang Cally na parehas naka-itim.

Hindi nito maaninag ang pagkakaiba sa kasuotan ng Cally na nakasama nito sa maghapon.

Tiningala ni Cally ang bilog na camera sa itaas ng uluhan niya at nagbabanta ang mata niya na nakatingin doon na para bang tumatagos ang matalim na mata niya sa screen ng laptop ni Mat-mat.

"Ayun o! I know where you are now. He he… Huwag ka nang magalit, baby… Umakyat ka na sa 4th floor, naroon ang target." narinig niyang sabi nito. Mukhang nadala niya sa matalim na tingin ang pinsan niya.

"Nandito na kami sa building" dagdag ni Mat-mat.

"Good. guard all the possible exit. You know what to do. MB5, where are you?"

"Garden. Kanina pa ko dito." narinig niyang sagot ni Kai. Inakyat lang nito ang pader hanggang sa makasampa ng garden area.

Doon sa lugar na iyon naisip ni Kai na salubungin si Gon. Hindi pa siya mamomroblema na bantayan ang mga nagaganap kahit sa ibaba ng gusali na iyon. Halos naubos na nila ang tao ni Gon at tanging ito na lang ang natitira.

Narescue na rin nila ang mga doktor at pasyente na tinago ni Gon sa isang kwarto.

Sa lugar naman ni Cally sa ika-apat na palapag, may narinig siyang kaluskos mula sa isang kwarto.

Dahan-dahan na nilakad niya ang pintuan nito.

Nakaalerto siya na binuksan ng dahan-dahan ang pinto at tanging nililipad na kurtina ang natagpuan niya na bahagyang sumasagi sa isang figurine.

Pinasok niya ang kwarto at sinuri. Sigurado siya na may iba pa siyang narinig. Pinakiramdaman niya ang paligid.

Isang anino ang hahampas sana sa kanya ngunit mabilis na naging alerto si Cally. Agad siyang yumuko. Tumama ang silya na gawa sa kahoy na inihampas nito sa kabinet. Nagsipagtalsikan ang mga bubog ng nabasag na figurine.

Papuputukan na sana ito ni Cally ng bala ngunit wala nang lumabas sa armas na hawak niya. Naging daan naman iyon kay Gon para sipain siya nito at mabilis na nakalabas ng kwarto.

Napasalampak ng upo si Cally sa sahig. Mabilis siyang nakabawi at hinabol si Gon na lumabas ng kwarto na iyon.