Chapter 404 - You are not a Peter

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Mas lumamig pa ang panahon dahil bumalik muli ang pag-ambon. Bahagya nang nanlalabo ang paligid dahil sa ulap na hamog na umiikot sa siyudad.

Mas hinigpitan ni Prin ang coat na suot niya dahil bigla siyang nilamig. Hindi na niya binigyan ng panahon si Gon at mas nanaig sa kanya na mainitan ang sarili.

Mamamatay na lang si Gon, matalim pa rin ang mga mata nito na nakatingin sa kanilang mag-asawa.

"Bago ka bawian ng buhay. I have a surprise for you." sabi ni Cally habang pailalim na tiningnan si Gon na nakasandal sa haligi ng halaman.

"You are not a Peter. Wala kang dugo kahit katiting na Peter."

Napalingon si Prin kay Cally. Si Kai naman ay kalmado lang at parang alam na nito ang tungkol sa bagay na iyon o kaya naman ay wala itong pakialam sa personal na buhay ni Gon.

Nanlaki naman ang mata ni Gon.

"Nagsi..sinungaling ka..." tila nahihirapan na ito na magsalita.

"Why would I do that? Anong mapapala ko sa pagsisinungaling ko sa iyo? Hindi man lang ba pumasok ang katanungan sa isip mo kung bakit iba ang anyo ng Mommy mo kaysa sa'yo? You have golden hair. Your Mommy, even your grandfather has brown hair. Your eyes are brown while they have green."

Bumahid ang kakaibang ekspresyon sa anyo ni Gon Peter.

"Isn't it... because of my.. father?"

Umismid si Cally. "Then, I will tell you right now. No one in Peter's family has golden hair. Your so-called 'Daddy' doesn't even exist."

"Ninakaw ka ng Mommy mo sa first love niya noon. You thought she loved you, but she treated you like an animal since when you were still a baby."

"She hated you to the core dahil anak ka ng lalaking minahal niya ng sobra sa babaeng pinakasalan nito."

"And that is the real reason why she was sentenced to death by Dark Lords… she killed your biological parents and do child abuse. My Mama Lira fought for you. These are the things I've learned before my Mama Lira died."

Matapos iyon, nalungkot si Cally nang malala niya ang maamong mukha ni Madam Lira.

Tumawa si Gon ng nakakaloko. Parang nabaliw na ito sa mga nalaman. Buong buhay nito ay nabuhay ito sa kasinungalingan.

Biglang pumasok ang mga imahe kay Gon. Mga imahe kung kailan dinadalaw siya ni Madam Lira sa eskwelahan niya noong nasa elementary pa siya. Tuwing bibigyan siya nito ng regalo tuwing pasko. Samantalang ang lolo niya, nagagawa siyang saktan tuwing magkakamali siya noon.

He doesn't even have good memories with his Mommy. Ang tanga niya na naniwala siya sa isang tulad ni Grandfather Peter.

"Haaaaa!!!!!!!" huling hiyaw ni Gon dahil sa sobrang sakit sa mga nalaman. Totoo nga ang sinabi ni Prin Matsui, masyadong mataas ang pangarap niya para hamunin si Cally. Samantalang hindi man lang siya papantay sa kakayahan nito.

His wife can protect herself. His kid is a genius. Even his Dark Guards are a group of excellent people.

Ngumiti ng mapait si Gon hanggang sa bawian na lang ito ng buhay.

=====

Sa lugar ni Ginny…

Naramdaman niya na hindi mapakali ang batang assistant ni Professor Kim na kausap niya. She sensed something wasn't right. Bahagya niyang sinilip ang cellphone na dala at nakita na walang signal sa lugar.

Hanggang sa handaan siya nito ng tsaa. Dinala niya sa labi ang labi ng tasa ng tsaa ngunit hindi iyon tuluyan na ininom. Saglit niyang inamoy ang tsaa na binigay nito bago binaba ngunit nananatiling hawak ang tasa.

"May I know your age?" tanong ni Ginny habang hawak ang maliit na tasa.

"M-Mrs. Han?"

Tinitigan ito sa mata ni Ginny. "I can see that you are still young. How and when did I offend you? Why did you put something in my tea?" hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa.

Halos takasan ito ng kulay pero pinili pa rin na magkaila. "M-Mrs. Han. I don't know what you are talking about."

Matagal na nakatingin lang si Ginny sa babae, nais niya sanang bigyan pa ito ng huling pagkakataon. "Are you sure?"

"Yes." nakayuko na saad nito. Kita niya na namamanhid ang labi ng babae. Huminga siya ng malalim.

"If that's the case, drink this for me."

Inaabot niya ang tea cup dito ngunit hindi nito iyon kinuha.

"I… I'm not thirsty" katwiran naman nito.

Mabilis na binuhos ni Ginny ang laman ng tasa sa isang fern plants (Isang uri ito ng indoor plant) na nasa tabi ng couch kung saan siya nakaupo.

"Don't!" awat pa nito ngunit huli na dahil natapon na ni Ginny ang kakaunting tsaa sa halaman. Mabilis na nagkulay brown ang mga dahon na nasayaran ng tsaa.

Tumalim ang mata ni Ginny saka niya nilingon ang babae.

"M-Mrs. Han, I-I'm sorry..." sabi nito na biglang lumuhod sa harapan niya. Kagat nito ang ibabang labi.

"I gave you a chance kanina na hindi mo sineryoso. How are you going to explain that?" tanong ni Ginny.

"I'm... sorry, Mrs. Han."

"Professor Kim. Is he dead?"

Tumango ito.

"My… my mother has been abducted by someone. I don't have a choice but to follow him. That's why I invited you to this home." nagsimula nang umiyak ang assistant.

"Him?"

"I don't know his name." sabi nito.

Tumayo na si Ginny na bitbit ang mga gamit. "Just pretend I never came to this place. You are a fool"

Saka siya lumabas ng tahanan na iyon.

Ang tahanan na iyon ay pag-aari talaga ni Professor Kim na kasama niya sa trabaho noon. Hindi niya alam kung kailan ito namatay pero marami namang paraan para madalaw niya kung nasaan ang Urn ng katawan nito para magbigay ng paggalang at respeto.