Maayos na naligtas ang mga pasyente, hospital staff, doctors at nurses na kinulong ng tauhan ni Gon sa isang kwarto.
Matapos ang mahabang imbestigasyon sa kinauukulan, ibinalik ang mga pasyente sa kwarto ng mga ito. Ibinalik din si Prin sa kwarto niya.
Pinasuri siya agad ni Cally sa isang doktor kung ayos ang lagay niya.
Tinurukan lang ng kung anu-anong gamot ang pisngi niya bago siya sinabihan na huwag mag-alala. Mas advance ang technology sa kasalukuyan kumpara tatlong taon ang nakaraan.
Saka lang nakahinga ng maluwag si Prin nang makaalis ang doktor. Ni-lock ni Cally ang pinto.
"Wala na bang papasok?" Naisip ni Prin na baka may kumatok na nurse o doktor sa kwarto.
Hindi na sumagot si Cally. Walang magtatangka na kumatok sa kwarto na iyon hanggang nandoon siya sa loob. Sa halip, isa-isang tinanggal ni Cally ang butones ng suot niyang black coat.
Lumitaw sa paningin nito ang nasirang hospital gown dahil sinira iyon ni Gon. Sumama ang mood ng asawa niya.
"Ano ang mga ginawa niya sa iyo?" tanong ni Cally. Binuhat siya nito at dinala sa palikuran para linisin.
Napalunok si Prin. Hindi niya nanaisin na sumagot ng hindi maganda o hindi nito nais na madinig. Kahit ang plano ni Gon na pagsamantalahan siya ay wala siyang plano na i-share dito.
"Husbie, I'm fine. Don't worry he never touched me"
"He never touched you but you have a wound on your chin." sabi nito na lumipat ang tingin sa ginamot na maliit na sugat sa ilalim ng mata niya.
Napakamot siya sa ulo. "I'm still fine"
Hindi na ito sumagot pa.
"Where is my baby?" Usisa niya para maiba at para ma-divert na rin ang atensyon ni Cally.
"He's with Jang family"
Naisip ni Prin na mabuti na lang at wala sa gusali ang anak niya nang oras na umatake si Gon.
"Hmm… What about your Mom?" Tanong niya na ang tukoy ay si Ginny.
"Sinundo na siya ni Matthew at naihatid na rin sa isang hotel."
Mas gumaan naman ang pakiramdam ni Prin. Seryoso na nilinis nito ang katawan niya.
"Kinabahan ka ba na baka hindi mo na naman ako makita?" Tuwing magpaparamdam kasi sa kanila si Gon Peter naghihiwalay silang dalawa.
Inangat ni Cally ang paningin para salubungin ang mata niya. Locking his fingers between her hair, he pulled her neck to kiss her.
"I miss you" narinig niyang bulong ni Cally. She can tell na tila may natanggal na bara sa dibdib ng asawa niya.
Looking at Prin Matsui, maraming bagay ang pumasok sa isip ni Cally. This is the face of the real Prin Matsui, his wife. Ngayon niya napagtanto na marami siyang bubunuin na oras to spend time with her.
He kissed her lips again. Isang bagay na hindi niya pagsasawaan.
"I miss you too." sagot ni Prin. Mas lumalim naman ang halik ni Cally dahil sa nadinig.
Ilang saglit pa, tinapos din ni Cally ang paglinis sa katawan niya. Wala na rin maitanong si Prin at kampante na ang kalooban niya.
Wala nang Gon ang gugulo sa pamilya nila.
"Husbie, I want to go back home. Sa susunod na buwan, magsisimula na ang school year. Gusto ko sanang ipasok si Khalid." Hiling ni Prin habang sinusuotan siya nito ng bagong pajama.
"I don't know kung gugustuhin niya na pumasok sa school." Katwiran ng asawa niya.
Naisip na rin ni Prin ang tungkol sa bagay na iyon kaya naman nag-iisip siya kung ano ang pwedeng ipang-suhol kay Khalid. "Kailangan natin na ipasok siya para magkaroon siya ng friends."
Sinuklay ni Cally ang buhok niya. "Okay… I'll look for a nice school na pwede niyang pasukan."
Ngumiti si Prin. "Perhaps, we can ask Bella na ipasok na rin si Angel sa school para may kasama si Khalid."
Hindi na sumagot pa si Cally.
Maayos na humiga si Prin sa hospital bed.
"Come here…" umusog siya sa kama at tinapik ang free space.
"I need to change. Marumi rin ang katawan ko."
"Okay, I'll wait for you"
Kumuha lang ng susuotin si Cally mula sa cabinet at pumasok sa shower room.
Maraming pumapasok sa isip ni Cally habang nasa ilalim ng malamig na tubig.
Tulad na lang ng, mabuti at nakarating siya sa tamang oras. Kung nahuli siya ng dating, hindi niya alam kung ano na naman ang nangyari sa asawa niya.
Matapos makaligo at makapagbihis, lumabas si Cally sa palikuran at natagpuan si Prin na mahinang naghihilik sa hospital bed nito.
Halatang napagod ito sa laban na ginawa nito. Inayos niya ang higa ng asawa sa gitnang bahagi ng hospital bed. Ayaw niyang guluhin ang maayos na pagtulog nito sa teritoryo nito kaya hinayaan na lang muna ni Cally na pagkasyahin ang sarili sa couch na nasa loob din ng kwarto.
Pero nabigla siya nang maalimpungatan ng dis-oras pa ng madaling araw, na nakasiksik sa kanya si Prin sa couch.
He smiled. He pulled her closer to his embrace. Kahit pa nga gustuhin niya na magpahinga ang asawa niya sa kama nito, her scent has already filled him, not wanting to be separate from her.