Chapter 406 - Penelope and Hanz: Penelope's History

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Isang linggo pa na namalagi si Prin sa recuperation area kung saan siya nagparetoke ng mukha, bumalik din sila sa Pilipinas para doon ipagpatuloy ang pag-galing niya.

Si Khalid ang pinakamasaya sa mga nangyari dahil natapos sa wakas ang parusa sa kanya ng Daddy niya.

Pero tulad ng inaasahan, hindi ito natutuwa na papasok na ito sa school para mag-aral na magsulat ng pangalan at kumanta ng mga nakakaboring na children songs.

=====

Samantala, lumipas ang isang buwan at dumating ang auction kung saan kailangan makuha ni Lorenz ang Queen's ring.

Lorenz accompanied his ate Baba sa France kung saan gaganapin ang auction.

Sa edad ni Penelope na late thirties, dala pa rin nito ang malakas na personalidad na mapapalingon ang lahat. Hindi dahil sa magara niyang kasuotan kung hindi dahil sa siya ang pinaka-simple sa lahat.

She hooked her arm sa braso ni Lorenz when they met at the hotel lobby.

She's wearing an off-shoulder black chiffon gown. There was no diamond or anything on it. Her only accessories are the diamond earrings and a bracelet she was wearing na parehas na siya ang may disenyo.

She was simple and everyone thought that she was just in her late twenties. Hindi rin alam ng lahat na siya si Penelope sa unang tingin.

Wala kasing nakakaalam sa personalidad niya. Nagpunta sila sa hall kung saan gaganapin ang auction.

Compared to other attendees, mas simple ang suot ni Baba. Kumikinang ang kasuotan ng mga kababaihan na dumalo sa araw na iyon.

Mas kapansin-pansin ang prinsesa na dumating sa venue. Five guards are guarding her.

"That is Lady Marietta" bulong at senyas ni Baba sa isang ginang na nakasuot ng royal blue na gown. Kasama nito ang asawa nito.

Simple naman na lumingon si Lorenz.

She handed her invitation sa organizer na nagbabantay sa bungad at nanlaki ang mata nito nang mabasa ang pangalan niya doon.

Mabilis na inabutan sila ng numero ng organizer. "M-miss Penelope, can I ask for your signature?" Tanong nito.

Tumango lang si Baba. Then, the girl handed her a CD. Napangiti siya ng mapait nang makita ang lumang album kung saan naroon ang mga malulungkot na tugtog ng piano. Ang huling album na ginawa niya noon.

Ang mga huling obra na ginawa niya bago namatay ang tatay ng anak niya noon.

She trembled slightly while writing her signature.

Masayang-masaya ang organizer matapos nitong makuha ang CD nito na may personal na pirma ni Baba. Mabilis naman na inakay siya ni Lorenz sa isang sulok at nag-request ng tubig sa isang staff.

Lorenz knew her sudden changes.

"Ate Baba, you have to move on. You have a daughter now." Saad ni Lorenz.

Nagpatuloy sa pangangatog si Baba.

Alam nilang lahat sa pamilya ang history ni Baba. Her fiancè died because he was killed by his ex-girlfriend. Nasiraan ng bait ang babae ten years ago. She killed him at the night of Baba's engagement.

The ex-girlfriend bought poison from the black market that can paralyze the person's body. Matapos nito na turukan ng gamot ang lalaki, hindi ito napakali at sinisi si Baba sa mga nangyari.

Ang gabi na iyon ang pinaka-masakit na araw sa buhay ng ate Baba nila.

Ang pinakamasaklap, si Christen at Mikko ang personal na gumawa ng formula ng gamot nang parehas na dakpin ang dalawa sa Germany matapos lang na sugurin nila ang isla ni Gon noon.

Isang linggo na nagtrabaho si Christen sa black organization na ito para gumawa ng gamot kasama si Doc Mikko. Unti-unting susunugin ng gamot ang ugat ng isang tao hanggang sa umabot ito sa puso.

Sa kasawiang-palad, nang lasunin ang kasintahan ni Baba noon, late na dumating si Christen at si Doc Mikko. Hindi nila nagawang iligtas ang kasintahan ng ate Baba nila sa araw ng mismong engagement nito.

They knew that Baba wanted to blame the two doctors. Pero wala rin namang kasalanan ang dalawa. Sila ang orihinal na biktima sa mga naganap.

Because of this thought, Christen has been upset for a couple of years.

Nagbalik lang sa normal ang lahat nang puntahan ito ng personal ni Baba at sabihin na hindi sila nito sinisisi sa nangyari.

Simula noon, naging seryoso na ang ate Baba nila at mas tinuon ang atensyon sa marami nitong trabaho. Lalo na at nag-iwan ng anak ang namatay nitong nobyo noon.

Siyam na taong gulang na ang anak nito na babae na tinatago nito sa buong mundo. Even her personal affairs are secret.

Mas sikreto ang mga ginagawa at identity ni Baba sa publiko, mas nakikilala ng mga tao ang gawa niya.

Inabutan siya ni Lorenz ng tubig matapos na dumating ang staff.

"I'm alright." She said.

Ilang saglit pa, pinatawag silang lahat para simulan ang auction.

Bago pumasok si Baba sa mismong loob ng hall, mabilis na binago niya ang mood at lumabas ang isang matapang na babae na parang susuong sa laban.

"By the way, how much is your budget for that ring?" Usisa niya kay Lorenz.

Lumabas naman ang hindi-palagay na anyo ni Lorenz.

"H-ow much is... the initial cost of the ring?" Balik na tanong ni Lorenz. Bigla siyang pinagpawisan.

"Twenty million"

Ayos na sana si Lorenz pero sinundan ito ni Baba ng "Euro"

Gustong magmura ni Lorenz at gulpihin si Mat-mat dahil hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon.