Para sa tulad ni Lorenz na hindi naman talaga nagmula sa isang mayamang pamilya, twenty million euro is a big amount of money.
Pero, ano pa nga ba ang magiging reaksyon niya sa halaga ng Queen's ring? Alam niya sa una pa lang na gagastos talaga siya ng milyon para sa singsing ng biyenan niya.
Iyon nga lang, para siyang hihimatayin sa kaba dahil ang twenty million ay initial na halaga pa lang nito. If someone bid for more, he doesn't know what to do.
It can reach 100 million and more and he doesn't know if he can afford it.
"Don't worry. I will help you fight for that ring." saad ni Baba.
Nakahinga ng maluwag si Lorenz.
Ang tanging usapan nila ni Duchess Camilla ay hindi siya tutulungan ng Dark Lords. At hindi naman parte ng Dark Lords si Baba kaya safe siya sa usapan.
He has savings at may pera rin naman siya na nakuha mula sa inheritance ni Madam Lira. Kung sakali, nais niya na ibigay iyon sa anak nila ni Sandra.
Hindi pa sila nakakaupo ni Baba sa silya nang may lumapit kay Lorenz.
"Hi Sir Lorenz. Where is Lady Sandra?" bati ng isang babae. Abot hanggang tenga ang ngiti nito sa kanya. Pero malaki ang tanong nito sa kung sino si Baba sa buhay niya.
Akala siguro nito ay mistress niya si Baba.
Kumunot ang noo ni Lorenz. Hindi niya kilala ang babae pero may palagay siya na isa ito sa mga dumalo nang kaarawan ni Duchess Camila.
Lumapit ang tatlo pang babae. "Hello, Sir Lorenz. D-do you want a cake?"
"A wine?"
"or perhaps… me?"
Sa oras na iyon, si Baba na ang nagtaas ng kilay.
"Wow! I never thought that you are popular with girls recently." bulong nito.
Napakamot si Lorenz sa ulo at namula ang pisngi. Hindi siya sanay sa ganoong atensyon na binibigay ng mga kababaihan.
Sa isang sulok, napansin din siya ng Prinsesa ng Dubai. Tinawag nito ang isang organizer ng auction na iyon.
"Who is that man?" tinuro nito si Lorenz na parang bulaklak na nilapitan ng mga bubuyog.
"Oh! that is Sir Lorenz, Penelope's family." nakangiti sa sagot nito.
Nilingon nito ang babaeng nakaitim na gown
"That is Penelope?" halata na nagulat talaga ito. Hindi kasi nito akalain na simple lang manamit ang kilala ngunit mailap na si Penelope.
"Yes."
Pinagmasdan nito si Baba, tapos nilipat ang atensyon kay Lorenz.
"Is he a prince or someone from a royal family?" tanong ng prinsesa.
Kilala kasi nito ang iba sa mga babae na nangungulit kay Lorenz sa kasalukuyan. Puro maharlika ang mga iyon.
"Princess, according to gossip, he is not a prince but a son-in-law of Duchess Camilla from Sweden. He was good at fencing and was able to kill two wolves from the forest."
"Is that interesting? My bodyguard can kill five wolves"
Ngumiti ang lalaki na organizer. "but his shotgun has only one bullet in it?"
Nabigla ang prinsesa. "so you mean, he killed the two wolves using skills?"
"Yes, princess."
Biglang naging interesado ang prinsesa kay Lorenz dahil sa mga narinig.
"what does he want in this auction?"
"I'm not really sure, princess."
"Interesting"
=====
Ilang saglit pa, nagsimula ang auction.
Naunang inilabas ang isang kotse na limited edition. Bagay ito sa mga bisita na nagcocollect ng sasakyan.
Sumunod ay ang tatlong paintings ni Baba. It was sold for ten million.
Ang sumunod ay isang brooch na sampaguita ang design. The initial amount is one million.
Tinaas ni Lorenz ang numero niya. "one million for that guy! Going once--"
"Two million"
"two million for the lady over there."
Nag-iisip si Lorenz kung lalabanan niya ba ang two million para sa brooch.
He knew that he was here for the Queen's ring but it doesn't mean that he has to forget Sandra. Kailangan na may maiuwi rin siya para sa asawa niya.
"Five million!" sigaw ng Prinsesa ng Dubai.
Napalingon ang lahat dito. Siguro iniisip kung nababaliw na ba ang prinsesa na bumili ng brooch para sa halagang limang milyon.
Walang nagawa si Lorenz kung hindi ang mag-goodbye sa brooch.
Kapag nalaman ni Sandra na bumili siya ng brooch na nagkakahalaga ng mahigit sa limang milyon, baka hindi na siya nito pauwiin sa bahay nila.
"Don't feel bad, brother" tinapik siya ni Baba sa likuran.
"It's okay, maghahanap na lang ako sa duty free ng chocolate na pwede ko ipangsalubong sa asawa ko." biro ni Lorenz.
Tumawa ito ng mahina.
"That's the spirit!"