Matapos ang ilan pang mga bagay na nilabas for bidding, dumating din sa wakas ang inaabangan ni Lorenz na Queen's ring.
"It's the Queen's ring which features a five carat blue, square-cut, sapphire center stone, and 10 smaller diamonds set in platinum. It was said that this has been created during the 15th century and passed through generations to the youngest daughter of the Queen."
"bidding starts at twenty million." Pagbibigay-alam ng master of the auction.
May nagtaas agad ng numero para bilhin ang singsing, pero mabilis na may nagtaas muli para sa twenty five million.
Ito ang mga babaeng nagsipaglapitan kay Lorenz bago magsimula ang bidding.
"Thirty million!" Sigaw ng isa pa habang tinaas nito ang numero na hawak.
"Thirty five million!"
Parang sumakit ang ulo ni Lorenz. Normal na magustuhan ng mga babaeng ito qng singsing. Hanggang sa umabot siya ng forty million.
"Forty million!" sigaw ni Lorenz.
"Oh! Sir Lorenz wants the ring."
"Maybe he will give it to Lady Sandra"
"Oh! How lucky!"
"We have to give it to him, no matter what" mga usapan ng Tres Marias na parang bumuo ng fans club ni Lorenz.
Tila tinulungan naman siya ng mga ito dahil hindi na nakipagtalo pa ang mga babae nang marinig na binibili niya ang singsing sa halagang forty million.
Pero nagulat sila nang may sumigaw na iba para bilhin din ang singsing.
"Forty five!" sigaw ng Prinsesa ng Dubai. Sabay-sabay na napalingon ang mga babae sa prinsesa.
"Forty five million and one hundred thousand!" sigaw ni Lorenz.
Baba "..."
"Fifty Million!" sigaw muli ng prinsesa.
Matalim ang mga tingin na ipinukol dito ng mga babae. Gusto nilang lasunin bigla ito. Pero isang pag-ngisi lang ang sinagot ng prinsesa sa mga babae. There was no way na may gawin sila dito lalo at napakarami ng bodyguards nito sa tabi.
"Why did she become so shameless?!" Galit na sabi ng isa.
"Yeah, I know right!" But all they could do is glance at the princess coldly. Inis talaga sila dito kahit noon pa dahil sa mataas nitong personalidad.
Lorenz is also gritting his teeth. "Fifty Million and one hundred thousand."
Naaaliw sa kanya ang prinsesa kaya bahagyang napangiti ito habang nakatingin sa kanya. Nakuha rin nito sa wakas ang tanong kung ano ang gusto ni Lorenz.
Akala kasi ng prinsesa ay naroon si Lorenz para sa brooch kaya nito binili ang bagay na iyon sa halagang limang milyon.
"Fifty five million!"
"Fifty six million!"
Baba "..."
"Sixty million!" sigaw ng prinsesa.
Hindi alam ni Lorenz ang gagawin. Gusto niyang sunugin ang singsing sa oras na iyon! Para siyang mauubusan ng hangin. Dignidad na niya bilang lalaki ang nakasalalay kaya para siyang mauubusan ng lakas.
Nag-vibrate ang cellphone ni Baba. Binasa nito ang mensahe at tumingin sa gawi ng prinsesa.
Hinawakan siya ni Baba sa braso. "You have to stop. Trust me!"
"But…" parang tatakasan ng kulay si Lorenz.
"Just trust me" nakatingin sa kanya si Baba na seryoso ang mga mata.
Tumango si Lorenz. Kahit pa nga hindi bukal sa kalooban niya na hayaan ang singsing na mapunta sa kamay ng iba.
"Going once, going twice? Sold for sixty million to the princess!"
He felt bad. Malapit na rin na sumakit ang ulo niya.
Nagpaalam siya kay Baba na magpupunta muna siya ng wine bar kaya tumayo siya, tinungo ang lugar at nanghingi ng maiinom. Nawalan na siya ng gana na ipagpatuloy pa ang auction dahil ang singsing lang naman talaga ang pinunta niya doon.
Masama talaga ang loob niya sa nangyari dahil parang pinabayaan niya na lang basta ang singsing na mapunta sa kamay ng iba.
This is not him. But he trusted Baba.
Ilang saglit pa, natapos din ang auction.
"Let's go!" Aya ni Baba sa kanya.
Nakakunot ang noo ni Lorenz na sumunod dito.
Tinungo nila ang elevator. Gusto sana na magtanong ni Lorenz kung saan sila pupunta pero pinigilan niya ang sarili at hinayaan na lang na dalhin siya ng mga paa.
Bumaba sila sa 6th floor ni Baba. Isang mahabang pasilyo na maraming pintuan ang bumungad sa kanila. He asked kung gaano karami ang kwarto sa hotel na iyon.
Matapos iyon naglakad muli sila nito at huminto sa dulong pintuan kung saan may dalawang lalaki na nagbabantay.
"I'm Penelope" Pagbibigay-alam ni Baba sa dalawang lalaki.
Mabilis na binuksan nito ang pintuan at pinatuloy sila sa loob. Isang magarang kwarto ang bumungad sa kanilang dalawa.
The room was filled with a nice scent. Katamtaman lang din ang lamig. Hindi ganoon kaliwanag ang mga ilaw sa kwarto dahil nakakalat ang mga dim na ilaw sa buong paligid. Hindi nakakasilaw at hindi rin naman madilim.
Pero mas nabigla si Lorenz na makita ang prinsesa na nakipagtalo sa kanya sa bidding sa loob ng kwarto na iyon. Maayos na nakasandal sa isang malambot na couch. It was covered with fur.
He could tell that this room was designed for her personally. Maybe she owns this room.
Ngayon ay may ideya na siya kung bakit siya pinigilan ni Baba na tapusin na ang halaga ng bid sa sixty million.
"Good afternoon, princess" bati nila sa babae.
Sinabi nito agad ang pakay kung bakit sila pinapunta doon.
"I need your help, I'll give you the Queen's ring once you succeed in the mission." sabi nito kay Lorenz.