Chapter 409 - Penelope and Hanz: A male p.r.o.s.t.i.t.u.t.e

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"I want you to be my baby's donor" hiling ng prinsesa. 

Baba "..."

Lorenz "..."

Bahagya itong yumuko na tila nahihiya. Ang kanina ay matapang at aroganteng anyo nito ay napalitan ng isang babaeng namumula ang pisngi sa harap nila ni Baba. 

"Once I got pregnant… I- I will give you the Queen's ring" dagdag nito.

They knew what she meant. She will keep him hanggang sa mabuntis ito. Pero paano kung hindi ito mabuntis? Saka hindi nanaisin ni Lorenz ang hiling nito kahit pa mabuntis ito sa unang pagkakataon. 

Hindi alam ni Lorenz kung ano ang sasabihin sa prinsesa. He was really speechless. 

He knew that he was popular with ladies recently. But to the point of donating his s.p.e.r.m? 

Ngunit hindi basta lang pagdodonate ang nais ng prinsesa. She wants to have body contact with him. Does he look like a stag or a male p.r.o.s.t.i.t.u.t.e in her eyes? 

Aminado siya na maganda ang prinsesa. Kayumanggi ang kulay ng balat na binagayan ng itim na itim na buhok nito na maayos na nakapusod kaya hindi niya alam kung gaano iyon kahaba. Her long lashes were like butterfly wings. She also has a perfect figure. 

Humugot ng malalim na hangin si Lorenz. "Princess, you are still young. There were a lot of princes around the world and I'm not one of them... I'm sorry, but I don't want my wife to get hurt from having the thought that I'll be having another kid with another woman's w.o.m.b. And most of all, I respect my wife so much."

"But... she would not know about it." katwiran nito. 

Pinagmasdan muli ni Lorenz ang prinsesa. Sa tingin ni Lorenz ay naglalaro sa bente tres hanggang bente singko ang edad nito. Malakas ang dating nito pero malungkot ang mga mata. 

"Princess, I'm sorry. I'm not the right person you were looking for…I trust and respect my wife the way she does to me."

"But what about the Queen's ring? Don't you want it anymore?" tanong nito na parang gusto nang magmaktol. Tila isang bata na hindi maibigay ang kagustuhan nito.

Aminado si Lorenz na mahalaga ang Queen's ring sa kanya, pero mas mahalaga sa kanya ang damdamin ni Sandra. It's true na wala siyang mukha na maihaharap kay Duchess Camila dahil pinabayaan niya ang singsing nito sa kamay ng iba. Pero mas wala siyang mukha na maihaharap sa asawa niya kung sakali na pagtaksilan niya ito. 

"I'm sorry…" ang huling nasabi ni Lorenz.

Natahimik ang prinsesa. Hindi nito matanggap na tinanggihan ito ni Lorenz. 

Halata sa anyo na masama ang loob nito. 

Tinapos naman ni Baba ang mahaba niyang katahimikan. Nakikinig lang siya sa pagitan ng usapan ni Lorenz at ng Prinsesa at sobrang amused siya sa gustong mangyari ng huli. 

"Princess, if one day your prince charming came, how can you explain about your child? Having the child is a beautiful experience but giving him a family... is a different story" bahagyang pumiyok si Baba dahil naka-relate siya sa bagay na iyon.

Pinilig niya ang ulo para makabawi. 

Mabilis niyang kinalimutan ang personal na dalahin. Naroon siya para tulungan si Lorenz. 

"How about I'll create a new ring for you in addition to 'Midnight' in exchange for the Queen's ring? Afterall, the Queen's ring has been owned by various princesses in the past."  

Mabilis naman na nabago ang mood ng prinsesa. "Really? You are giving me the 'midnight' plus a ring?" 

Hindi nito akalain na ang Midnight na ilang beses nitong hiniling kay Baba ay mapupunta sa kamay nito.

Hindi rin naman mura ang midnight dahil napalilibutan ito ng mga itim na diyamante. Pero ayaw ni Baba na magkaroon ng problema si Lorenz laban sa prinsesa kaya nagawa niyang alukin ito ng isa pang singsing. 

Tumango si Baba "Yes." 

"Well, if that's the case, I am happy to give you the ring" masayang saad nito. 

"Thank you!" 

Nakahinga naman si Lorenz matapos na pumayag ng prinsesa. Ngayon niya nakita ang kakayahan at estado ni Baba sa mata ng mga taong ito. 

They treated her works like a precious daughter. 

Bago lumabas si Lorenz at Baba ng hotel, bitbit na nila ang Queen's ring. 

"How much do I owe you?" 

"Nah! Your three Dark Guard protecting my daughter is enough" 

"I'm not the one who pays them."

"Haha.. If that's the case ireto mo na lang ako sa isang matipunong prinsipe. Ayos ba iyon?" 

Naisip niya si Prince Philip na matipuno nga pero bakla naman sa totoong buhay. Huwag na lang! 

Bago sila tuluyang makalabas, nakasalubong nila si Prince Hanz na pinsan ni Sandra. 

May dalawang bodyguard na nakasunod dito. Nakakunot ang noo nito nang makita siya. 

"Lorenz?" 

Sabay silang napatingin dito. Umasim ang mukha ni Baba nang makilala ang prinsipe. 

Bahagyang kumunot din ang noo nito nang mamukhaan si Baba. 

"Lorenz, hindi ko akalain na kilala mo ang stalker ko noon." nakahalukipkip na saad ni Baba

"Stalker?" Saka nito nilingon si Prince Hanz. 

"...Maybe you are wrong. He is Prince Hanz. He is Sandra's cousin." 

Bahagya namang lumingon muli si Baba at tiningnan muli ang prinsipe. 

Baka nga nagkamali lang siya!