Chapter 410 - Penelope and Hanz: You have a daughter?

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Prince Hanz, she's my Ate Baba. She's a family." pakilala ni Lorenz

"Oh! Akala ko nambababae ka na e."

Nagtaas ang kilay ni Baba.

Bago magbalak si Baba na magpakasal sa matalik niyang kaibigan noon, may isang lalaki na bumuntot-buntot sa kanya at nagpapadala ng bulaklak sa concert niya bilang isang piyanista, mahigit sampung taon ang nakalipas.

During that time, she asked protection from Dark Guards dahil maraming nagpapadala sa kanya ng kung anu-ano.

Looking at Prince Hanz's eyes, gusto niyang isipin na ibang tao nga ang nasa harap niya ngayon. Pero ang berdeng mata nito ay katulad ng sa lalaking iyon.

The man before is not a prince but an ordinary businessman.

The Prince looked at her deeply tila may inaalala sa nakaraan. Tumikhim si Baba dahil bahagya siyang hindi napalagay sa titig nito.

Binawi naman nito ang tingin dahil mukhang nabasa nito ang galaw niya.

"I just want you to know that Sandra was doing good." baling ng prinsipe kay Lorenz.

Bahagyang gumaan ang mood ni Lorenz matapos madinig na ayos lang ang lagay ng asawa niya.

"Thank you. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong ni Lorenz.

Bago pa sumagot si Prince Hanz, isang lalaking nakasalamin ang tumawag dito.

"Chairman!"

Sabay-sabay silang napalingon sa lalaki.

Namumukhaan ni Baba ang lalaki bilang ito ang madalas niyang kausap sa auction na iyon, saka siya lumingon kay Prince Hanz.

"You are the chairman of this auction? You are Chairman Hansson?" usisa ni Baba.

Nagulat din si Lorenz. Hindi niya akalain na pwede niya rin palang maging daan si Prince Hanz sa pagdalo sa auction na iyon. Narinig niya kay Mat-mat na Hansson ang pangalan ng chairman. Pero hindi niya akalain na si Prince Hanz at ang chairman ay iisa.

Pero palaisipan din kay Lorenz kung bakit hindi na lang nito binili ang singsing ni Duchess Camila kay Lady Marietta? Bakit kailangan na idaan pa sa auction?

Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip niya.

"Don't look at me like I did something evil, alright? Huli ko na rin nalaman na ang Queen's ring ang share ni Lady Marietta para sa charity auction na ito. Afterall, sa ilang beses na gustong bilhin ni Duchess Camila muli ang singsing, hindi siya pumayag. I never thought she has a mood na pakawalan bigla ang singsing. Nang ma-finalize na ang lahat ng items, saka ko lang nalaman."

"Nailabas na rin sa announcement ang mga items kaya wala na akong chance na makipag-negosasyon pa kay Lady Marietta." mahabang paliwanag ng prinsipe.

"However, I never thought na hahayaan mo kay Princess Latifa ang singsing."

Pumalatak lang si Lorenz at hindi na nilawakan pa ang eksplanasyon. Gusto niyang biglain si Duchess Camila sa pagbalik niya sa tahanan nito. Kaya hahayaan niya na lang si Prince Hanz sa gusto nitong isipin.

Masakit na ang paa ni Baba sa heels na suot kaya nag-isip na siya ng dahilan para makabalik sa apartment.

"My daughter is waiting for me, let's go." bulong niya kay Lorenz. Ayaw niya nang intindihin pa ang prinsipe.

Ngunit hindi nakaligtas ang mga sinabi niya sa pandinig nito.

"Oh! You have a daughter?" usisa nito na nakakunot ang noo.

Hindi sumagot si Baba. Hindi naman kasi sila close ng prinsipe.

Hindi rin naman ugali ni Lorenz na makialam. Her daughter is a secret kaya wala siyang karapatan na makisawsaw sa personal nitong buhay.

"Please excuse us Prince Hanz, we have to go." paalam ni Lorenz kay Prince Hanz.

Halata na ayaw sila nitong pakawalan. "Hmm… Alright. Bago ka bumalik sa Sweden, let me invite the two of you sa isang dinner. You can bring your husband and your daughter."

Hindi na sumagot pa si Baba. isang simpleng ngiti naman ang sinagot ni Lorenz bago tuluyan na lumabas ng hotel.

Nag-iisip ng malalim ang prinsipe habang nakatingin sa likuran ng dalawa.

"Arthur, please investigate Penelope. Why have I never heard from someone that she has a daughter?"

Iba't-ibang imahe ang mga lumitaw sa isip ni Prince Hanz habang nakatingin sa seryoso at magandang mukha ni Penelope na naghihintay ng sasakyan.

He will never forget what happened that night. Hanggang sa sumakay na lang ito sa sasakyan at mawala na lang ito sa paningin niya.