Isang malamig na gabi…
Katulad ng lamig ng dibdib ni Baba.
Hawak na lang ni Baba ang 3 inches heels na ginamit niya simula ng hapon sa auction, habang naglalakad paakyat sa apartment. Mas pinili niya na lang na maglakad ng nakapaa dahil hindi na niya kaya pa ang maglakad ng naka heels.
Ang apartment na iyon ang binili niya dito sa Paris, dahil madalas siyang magpunta dito sa lugar para sa mga event.
Her daughter Kaitlin, who was almost ten, is together with her.
Nagkataon kasi na bakasyon nito sa school. Nag-aaral ang anak niya sa isang international school sa Wales para walang maka-tunog sa pagkatao nito. She was living in a girls dormitory in her normal school days.
Minsan kapag namimiss niya ang anak, sinusundo niya ito sa school para magbonding.
Kilala ang school sa confidentiality ng mga estudyante kaya ito ang napili niya para kay Kaitlin.
Ayaw niyang mangyari na madamay ang anak niya sa mga pangit na nangyari sa kanya noon. In order to protect her child, kinailangan niya na itago ito sa publiko.
If someone knows about her existence, hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Kapag nalaman ng pamilya ni Kevin, ang fiancé niya na namatay, ang tungkol sa presensya ng anak niya, sigurado na malaking problema dahil mauungkat ang mga nangyari noon.
In order to protect her, her best friend, who was her fiancé, died.
Ayos lang sana kung ang pangalan lang niya ang masisira, pero hindi niya kakayanin kung madadamay si Kaitlin.
Binuksan niya ang pintuan ng apartment niya at natagpuan ang anak kasama ng tatlong Dark Guards na nagbabantay dito na nasa iisang mesa.
She saw a cake in the middle. Plus teapot and cups. One look and she could tell na napilitan ang mga ito na makipaglaro kay Kaitlin.
"Miss Penelope!" nagliwanag ang mukha ng anak niya. Ito ang tawag sa kanya ni Kaitlin.
Parang nakahinga naman ng maluwag ang tatlong Dark Guards nang makita siya.
From their looks, she can tell na dumanas ng sakit ng ulo ang mga ito. Alam din niya na hindi naman talaga forte ng mga ito na magbantay ng bata. Nagawa lang nito na sundin si Shogun.
"You can all go now. Ako na ang bahala kay Kaitlin. Thanks for all your hard work" sabi niya sa mga ito.
"Thank you, Miss Penelope" Gusto sana na magreklamo ng mga ito pero hindi nila magawa dahil mahigpit ang bilin ni Shogun na bantayan ng mabuti ang bata.
Isang ngiti ang sinagot ni Baba sa mga ito. Mabilis naman na nagsipagtayuan ang tatlo at mabilis na umalis.
"Bakit mukhang hindi sila masaya? What did you do?" usisa ni Baba kay Kaitlin. Tinungo niya ang fridge at naghanap ng pwedeng ihandang pagkain.
"I just told them I want to go out. Ayaw nila akong payagan. so, I read books all afternoon." tila balewala na saad nito.
Gusto niyang matawa sa reklamo nito. Nilabas niya ang broccoli saka mushroom mula sa ref para lutuin. Masakit na ang paa niya pero kailangan niya pa itong pakainin ng hapunan.
"Tomorrow, I'll bring you outside. Then, if you want to see Grannies, dadalhin kita sa Pilipinas."
Tumingin sa kanya si Kaitlin. "How about you let me see my Dad?"
Napatigil siya sa pagkilos. Mabilis din naman siyang nakabawi saka ngumiti dito. "Ayaw mo na agad sa akin?"
"Miss Penelope, you know that you are my most favorite person around the globe. Kung ayaw mo na magkita kami, ayos lang! It's not as if it's the end of the world" saad ni Kaitlin.
Nakampante naman ang kalooban niya dahil mukhang balewala na dito ang isyu.
Biglang humapdi ang paa ni Baba. "Ouch! Hss..."
Umupo na muna siya sa silya. Hindi niya talaga kaya na tumayo pa. Hindi kasi siya sanay magheels dahil bibihira siya na dumalo sa okasyon.
"Miss Penelope, are you okay?" nag-alala na tanong ni Kaitlin.
Lumapit ito sa kanya para suriin ang paa niya na namumula na.
"I'll cook, you take a rest." sabi nito na kinuha ang broccoli at isang pack ng mushroom mula sa kamay niya.
Bago niya ito hayaan. Niyakap niya muna si Kaitlin at hinalikan sa ulo. "Thank you Dear, Mommy loves you"
"I love you too, Miss Penelope! Haay... mabuti na lang at hinayaan mo akong maging independent." nakangiti na saad nito na tinungo ang lababo para hugasan ang ingridients na gagamitin.
Baba looked at her child's back.
Mahigit sampung taon, she gave herself freely sa isang estranghero. Kaya't paano niya ipaliliwanag kay Kaitlin na kahit siya mismo ay hindi alam kung sino ang tatay nito?
Isang email ang pumukaw sa nililipad niyang kaisipan.