Para bang bigla na lang naramdaman ni Baba ang pagod. Naglagay siya ng mainit na tubig sa hot compress bag saka niya ipinatong ang talampakan niya dito.
Bahagya siyang nakaramdam ng kaginhawaan. Nilingon niya ang anak niya na parang nag-eenjoy sa pagluluto.
She was admiring her daughter who was busy in the kitchen. Her daughter loves to cook. Mahilig din mag-bake sa edad nitong siyam.
Hindi naman siya nagwoworry sa apoy dahil induction ang kalan na gamit nila sa bahay
Sa pisikal na anyo naman ay masasabi na nagmana ito sa kanya. Nakuha nito ang mahabang binti niya na namana rin niya sa Mama niya na si Shey.
Her facial features like her lips, her black colored hair and facial shape were all hers.
Kaitlin's nose and her eyes are different from her or even from her family.
Nag-beep ang email tone ng cellphone niya na nasa lapag ng mesa.
Balewala na kinuha niya ang cellphone at binasa kung sino ang nagpadala ng mensahe. Halos manlaki ang mata niya na mabasa ang pangalan mula sa pamilyar at lumang email address.
She opened his email [I'm Prince Hanz]
Tatlong kataga lang iyon pero halos magpasabog sa lahat ng brain cells niya. Sobrang 'direct to the point' ng lalaki ngayon.
Hindi na siya nagtaka na alam nito ang bagong email niya dahil madalas niyang kausap si Arthur na assistant nito sa auction.
Siguro dahil ilang taon na rin ang nakaraan nang huli niya itong nakakausap kaya hindi na ito tulad noon.
Isa pa, hindi na rin sila bata ngayon.
Hindi niya pinansin ang mensahe nito dahil nasa utak ni Baba na hindi sila close ng lalaki.
Posible na magaan ang loob niya dito noon. Pero matapos nitong bilugin ang ulo niya, ayaw niya nang magpaapekto pa dito.
She's not the same Penelope na mahiyain at madaling utuin.
Nilapag niya muli ang cellphone sa mesita.
"Dear baby, magshower lang ako." tumayo na siya at hindi na hinintay pa ang sagot ng anak niya. Suot niya pa kasi ang gown na ginamit niya sa auction.
Natapos naman si Kaitlin sa pagluto ng broccoli na nilagyan niya ng kaunting karne at mushroom.
Matapos iyon, nanood siya ng educational videos sa ipad kung saan umupo ang Mommy niya.
Nag-ring bigla ang cellphone ni Baba na nasa table. She paused the video to look at her Mommy's phone.
Isang unfamiliar number. Hindi niya pinansin ang tumatawag at pinagpatuloy ang panonood.
Kaya lang, tumawag muli ang parehas na numero.
Medyo inis na siya kaya sinagot niya ang tawag nito. Pinanatili ang gaan ng boses sa kausap dahil ayaw naman niya na ilagay sa alanganin ang Mama niya.
"Hello!" sagot ni Kaitlin.
Nabigla si Prince Hanz nang sagutin ang tawag niya pero alam niya na hindi si Penelope ang nasa kabilang linya.
"Nandyan ba si Penelope?"
"Yes, but she's busy."
Saglit na natahimik si Prince Hanz, pinakikiramdaman ang linya.
"Are… are you her daughter?"
"No" mabilis na sagot. "I'm her mother."
Prince Hanz "..."
Natapos naman si Baba sa paglinis ng katawan kaya ilang saglit lang palabas na siya mula sa loob ng kwarto. Isang manipis na house dress ang sinuot niya.
Napansin ni Baba na hawak ni Kaitlin ang cellphone niya at nakadikit iyon sa tenga nito. "Who's that?"
"Miss Penelope, I don't know."
Narinig din ni Prince na tinawag nitong 'Miss Penelope' si Baba kaya nagtaka ito kung sino ang kausap. She sounds like a little girl but the way she talks is more mature.
Kinuha ni Baba ang cellphone mula sa anak.
"Hello?"
"Penelope, it's me" nabosesan niya si Prince Hanz.
"Chairman Hansson, what can I do for you?"
"I-I want to ask if you are free tomorrow"
"I'm not"
"What about the next day?"
Huminga ng malalim si Baba.
"Chairman Hansson or Prince Hanz..." tawag niya sa pangalan nito dahil hindi na siya nakatiis. "I'm not the same nineteen-year-old girl na madaling utuin. Isang batang babae na madaling mabola sa mga pabulaklak at makatang mga tula…"
"...I will tell you right now para makatulog ka na ng maayos… that I was almost hooked by your faked charm and sincerity. Nanghinayang nga ako sa mga bulaklak na pinadala mo sa akin at sa effort mo na gumawa ng istorya. Ilan bang babae ang nabilog mo ng ulo? Five? six?"
"Kaya huwag mo na akong tanungin kung may oras ako, because I don't. Have. Time."
Napakuyom na lang ng kamao si Prince Hanz sa mga narinig.
Nakatingin naman sa kanya si Kaitlin. Unang beses nito na makita siya na magalit sa isang lalaki kaya iba ang nasa isip nito.
"Penelope, just this once." narinig niyang pakiusap pa rin nito sa kabilang linya.
"Oh! Hello? Prince? Are you still there? Hello? Hello? Choppy… enk.. enk.." Saka niya ito pinatayan ng cellphone at binagsak iyon sa mesa.
Mukha ng anak niya ang sumalubong sa kanya.
"Is he the man you liked before?" usisa nito.
"Ayoko na siyang pag-usapan. Let's eat!"