Chapter 414 - Penelope and Hanz: Good Morning

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
It was a nice morning. Tumunog ang alarm clock ni Baba na nasa gilid.

Pupungas-pungas pa siya na kinuha ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng bedside cabinet.

Ang madalas na unang ginagawa ni Baba tuwing umaga ay basahin ang mensahe niya sa emails dahil sa business na mayroon siya.

Pinapadala sa kanya ng sekretarya niya ang schedule niya sa maghapon tuwing umaga. Sa hapon sa araw na iyon, may kausap siyang isang Spanish celebrity. Magpapagawa ng design ng damit nito sa red carpet.

May nakita muli siya na email mula kay Prince Hanz na nagpataas ng kilay sa kanya.

Pinindot niya ang email nito.

[As you open your eyes and begin your day, remember that you will never have this day again. Spend the day with me, Good Morning!]

Nagtaas ang kilay ni Baba at tinabi ang cellphone niya. May pagka-mahangin ang dating ng mensahe ni Prince Hanz. na para bang sinabi nito na malaking panghihinayang kung hindi niya ito makikita sa araw na iyon.

"Good morning Miss Penelope!" medyo namamaos pa na bati ni Kaitlin at humarap sa kanya.

"Morning Dear! rise and shine. Sa labas na lang tayo kumain ng agahan." saad ni Baba na hinaplos ang buhok ni Kaitlin. Naghikab siya at tinungo ang bintana para hawiin ang kurtina.

Sabay silang tumayo at lumabas ng kwarto. Nagsalin siya ng tubig sa water heater bago naisip na maghilamos.

Isang katok ang gumambala sa kanila ni Kaitlin. Naisip ni Baba na baka ang tatlong Dark Guards muli ang kumakatok sa apartment niya dahil wala namang iba pang nakakaalam ng tirahan niya na iyon kung hindi ang pamilya lang niya at malalapit na kaibigan tulad ng pamilya ni Cally.

"Open the door, Dear Baby." utos niya kay Kaitlin.

Tulad niya, nasa isip din nito na ang tatlong Dark Guards ang nasa labas.

"I don't want to see them. You promised me that we will be going out today." halatang hindi nagugustuhan ni Kaitlin na makakasama na naman nito ang tagapagbantay.

"Don't worry, my dear baby. Lalabas pa rin tayo. May meeting nga lang si Mama ng hapon."

"Okay…" tumalikod na ito at tinungo ang pintuan.

Si Baba naman ay hindi na naisip pa na magpunta ng kwarto para maghilamos. Doon na siya nagmumog sa lababo na nasa kusina. Sakto lang kung saan nasisilayan niya pa ang anak.

Kumunot naman ang noon ni Kaitlin nang tuljuyan na mabuksan ang pintuan.

There were three men outside pero hindi ang mga nagbantay sa kanya nang nagdaang gabi. Sa bungad ay isang food cart na may laman na tatlong tray ng pagkain, isang bouquet ng pulang rosas at isang pitsel ng orange juice.

"Good Morning! We are here for Miss Penelope."

Kumunot ang noo ni Kaitlin. "Miss Penelope, someone is looking for you!"

Kumuha lang ng paper towel si Baba at pinunasan ang basang mukha bago tinungo ang pintuan. Nagtataka siya kung sino ang bisita niya sa bahay.

Umasim na lang ang mukha niya nang makita si Prince Hanz na pinoprotektahan ng dalawang lalaki na tulak-tulak ang isang food cart.

Nakasuot ng puting polo ang prinsipe. Naka-snickers lang din ito na malayo sa normal na kasuotan nito araw-araw. May mask din na natakip sa ilong at bibig nito pero hindi nakaligtas iyon kay Baba para makilala ang lalaki.

Humalukipkip siya. "Mukhang hindi ka busy Prince Hanz at nagawa mo pang alamin ang bahay ko."

"I'm sorry kung kinailangan ko na alamin ang bahay mo. I really want to talk to you and spend this day with you." prangka na sabi.

Kumunot ang noo ni Kaitlin sa nadinig.

"Ha! Kahit gustuhin mo na makasama ako, you have to ask me first kung gusto ko ba."

Parang nahihirapan na si Prince Hanz na tibagin ang pader na binuo ni Baba. "Penelope, I have reasons in the past."

"I don't care about your reasons. Dalhin mo na lang ang mga pagkain na ito sa asawa mo, I don't have time today. No, I mean not just today. But everyday."

"I don't have a wife" sagot nito sa bintang niya.

"Miss Penelope, I'm hungry" putol ni Kaitlin. Binuksan na nito ang takip ng isang tray at isang masarap ng almusal ang bumungad sa kanila.

Nalanghap din nila ang mabangong amoy ng pagkain. Hindi na napigilan ni Kaitlin na dumukot ng isang piraso ng sausage at ipasok iyon sa bibig nito.

"Before you enter, let me ask you three questions." saad ng anak niya.

Naghintay naman si Prince Hanz at hindi sumagot.

"Firstly, Are you her fan?"

"Yes" mabilis na sagot ng prinsipe.

"OK. Second, do you have a girlfriend? Don't get me wrong. You only said that you are not married."

Baba "..."

"I don't have a woman in the past ten years."

Baba "..."

Matagal na natahimik si Kaitlin. "Are you gay?"

Prince Hanz "..."

"Nah! 'wag mo nang sagutin. That is not my third question. Miss Penelope, I'm hungry. Let them in."

"What is your third question?" curious si Baba. Ayaw niyang papasukin si Prince Hanz sa tahanan niya but she was hooked by Kaitlin's questions.

Matagal na nag-alangan si Kaitlin. "My third question is simple and is actually for you."

Kumunot ang noo niya. Titig na titig sa kanya ang anak at pansin niya rin na hindi ito palagay.

"Is he my Dad?"