Chapter 422 - Penelope and Hanz: weakness

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nang tumunog ang cellphone ni Baba dahil sa email notification, mabilis na sinilip niya agad ang mensahe.

Para bang naging normal na reaksyon niya na iyon sa loob ng mahabang panahon. Pinagalitan niya agad ang sarili. Halata na iba talaga ang epekto ni Smiley sa pagkatao niya.

Nanghihingi ng tawad sa kanya ang lalaki. Binasa niya lang iyon at hindi sinagot. Gusto niyang isipin na kalilimutan niya na ito. Marami naman siyang iba pa na manliligaw.

Hindi niya alam kung bakit sa iisang tao siya umasa.

She was really hurt lalo na at sa loob ng tatlong linggo ay hindi ito nagparamdam sa kanya. Halos nawalan na nga siya ng gana na magtrabaho.

Hindi niya na hahayaan pa na magkaroon ng ugnayan dito. Hinihintay niyang sabihin nito ang rason kung bakit hindi ito sumipot ngunit tanging 'Sorry' lang ang nabasa niya sa mensahe nito.

Malungkot na nagsulat siya sa kanyang music sheet ng mga nota. Expressing the sadness she felt at that moment.

=====

Mahigit isang taon muli ang lumipas.

Isang malaking balita ang umikot sa pamilya ni Baba. Namatay ang asawa ni Cally dahil nahulog ang babae sa bangin sa laban nito sa descendant ng Peter na si Gon.

Para makiramay, sumabay siya kay Christen na nag-aaral sa Paris bilang pharmaceutical doctor patungong Kent Mansion para dalawin ang kinakapatid niya na si Cally. Iilang oras lang naman ang biyahe mula sa Paris kung saan din siya nakatira sa kasalukuyan patungong UK.

Sa loob ng mahigit isang taon, patuloy sa pagpapadala ng bulaklak sa kanya si Smiley tuwing may pupuntahan siyang okasyon.

Patuloy rin sa pag-email sa kanya ang lalaki ngunit hindi niya na ito sinasagot hanggang sa humingi siya ng tulong sa pinsan na si Mat-mat.

Nanghingi na siya ng tulong dito na gawan ng paraan na hindi na makatanggap ng mensahe mula sa email address ni Smiley dahil sinaktan talaga nito ang damdamin niya.

Hindi ba nito alam na hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend sa nakalipas? hmp!

Hangga't maaari ay ayaw niya nang magkaroon pa ng ugnayan sa lalaki at gusto niya na mag-look forward sa personal niyang buhay.

"Ate Baba, nauna pa na mag-asawa sa iyo si Cally. Wala ka bang plano na mag-asawa?" tanong ni Christen habang kumakain sila ng agahan nito sa Kent Mansion.

"Wala pa akong napupusuan." simpleng sagot niya.

"Hindi mo ba trip si Kuya Dylan?"

Halos masamid siya sa sinabi nito. "Nah. he's a friend. isa pa, may girlfriend siya" sagot niya bago sinubo ang isang slice ng tinapay.

"Mukhang sa 'yo may gusto ang bestfriend mo. Sa tingin ko, na-friendzone siya sa iyo" tudyo ni Christen.

Tiningnan niya ito ng masama. Kahit papaano ay siya pa rin ang pinakamatanda sa lahat sa henerasyon nila.

"He's a brother to me." sagot niya sa panunudyo nito. Kung tutuusin, hindi niya talaga makita ang sarili kay Dylan

Tumango na lang si Christen. Wala itong magagawa kung hindi talaga trip ni Baba ang matalik na kaibigan na si Dylan.

"Marami akong kilala na doctor. Gusto mo ba na ireto kita sa blind date?" tanging nasabi ni Christen.

Baba "..."

Malamang na napag-utusan din ito ng magulang niya. Halos pitong taon na nga siya na umasa sa kanyang imaginary boyfriend na si Smiley. Papayag pa ba siya muli sa suhestyon nito sa panibagong blind-date?

"Huwag kang mag-alala, darating din si Mr. right" nakangiti na sagot niya dito.

Matalino si Christen kaya hindi na siya nito kinulit pa.

==

Tatlong araw lang siya na nagstay sa Kent Mansion para makipag-bonding kay Madam Lira at aliwin si Cally. Bumalik rin siya sa Paris kasabay ni Christen matapos ang tatlong araw.

Fashion week sa kasalukuyan kaya busy siya sa mga susunod na araw. Bukod sa pagiging piyanista, nag-eenjoy din siya sa iba pa niyang ginagawa tulad ng designing.

Recently nag-eenjoy siya bilang stylist ng kung sinong celebrities at sa mga modelo para sa fashion magazines.

Nag-eenjoy din siya bilang designer ng jewelries. Talagang nagpaka-busy siya sa buhay sa loob ng isang taon.

Samantala, sa lugar ni Prince Hanz. nakatanggap siya ng email mula kay Captain H.

Alam niya na siya ang puntirya nito dahil siya ang utak sa mga kilos ng depensa ng tatlong bansa na gusto rin nitong paghimagsikan. Ang Sweden, Norway at Denmark.

[Don't let me know your weakness Prince Hanz -Captain H]

Kinilabutan siya sa banta nito. Alam niya ang ibig nitong sabihin.

Iisa lang naman ang weakness na mayroon siya sa kasalukuyan at iyon ay si Penelope. He just hope na sana ay hindi nito malaman ang tungkol sa dalaga.