Lumipas na ang bente kwatro oras at nanatiling naghihintay si Baba kay Smiley. Hindi niya nga magawang umalis ng suite at lahat ng kailangan niya ay tinatawag niya sa hotel para ihatid doon sa kwarto.
Nagsipag-uwian na nga ang grupo niya sa kung saan saang bansa pero mas pinili niya na manatili doon. She has to wait.
Nag-aalala siya na baka biglang dumating ang lalaki at hindi siya nito matagpuan doon kung sakali na lumabas siya.
She was anxious. Naisip niya na baka may nangyari sa lalaki habang papunta doon sa Hong Kong. Wala naman siyang natatanggap na mensahe kay Smiley kung male-late ba ito o kung ano.
48 hours more had passed. Inayos niya na ang lahat ng gamit para umuwi na sa Pilipinas.
Nakakatawa. Para siyang tanga. Pinaglalaruan ba siya nito?
Nakakatawa na sa loob ng halos anim na taon pinadalhan siya nito ng kung anu-ano.
Pero mas nakakatawa na may namuong mga luha sa mga mata niya dahil sa isang tao na hindi naman niya personal na kilala. Gusto niyang isipin na maghintay pa pero tatlong araw na siya nito na pinaghintay.
Ang pangako nito ay kakatok ito sa suite niya. Knowing his ability, sigurado na alam nito ang suite number niya at hindi ito naligaw.
Kinuha ni Baba ang cellphone at nagpadala ng mensahe dito.
[Kung nais mong paglaruan ang damdamin ko, nanalo ka na. Do not disturb me in the future -Penelope]
Matapos niyang ipadala rito ang mensahe, isang news ang pumukaw sa kanya sa internet. Isang probinsiya sa Sweden ang inatake ng mga terorista. Sunog ang kabuuan ng bansa na halos walang itinira.
Itinaas ang alerto sa bansang iyon at iilang bansa na rin ang nagbigay ng tulong. Ito ang hot topic ngayon sa internet at sa world news.
Binalik niya na lang ang cellphone sa loob ng sling bag at hinila ang bagahe niya papalabas ng hotel suite na iyon.
====
Tatlong linggo bago natapos ni Prince Hanz ang mga kailangan niyang gawin sa bansa niya.
Ilang miyembro ng terorista ang hinanap nila sa mga kalapit na probinsya ng Herdalia. At inabot ng tatlong linggo bago naubos ang mga sugo ni Captain H para gumawa ng krimen.
May tinatago pang mga impormasyon ang grupo nito kaya hindi sila makagawa ng aksyon. Malaki ang banta ng lalaki sa kanila at hindi sila pwedeng magpadalos-dalos sa pagsugod dito.
Hind nila alam kung ano pang mga bansa ang tumutulong sa Country Z.
Tatlong linggo rin na halos wala siyang tulog at walang maayos na kain dahil mas kailangan nilang siguruhin ang lagay ng mga tao. Walang internet o telepono sa lugar dahil tuluyan na pinutol ang linya para sa seguridad din ng probinsiya.
Ang unang ginawa niya matapos niyang makabalik sa royal house ng pamilya sa Westrogothia ay ang i-check ang email ni Smiley.
Napakuyom na lang ang kamao niya nang mabasa ang mensahe ni Penelope.
[Kung nais mong paglaruan ang damdamin ko, nanalo ka na. Do not disturb me in the future -Penelope]
Binasa niya ang petsa kung kailan nito iyon ipinadala. Tatlong araw matapos nila mag-usap.
'Did she wait for me for three days?'
Kumirot ang isang parte ng dibdib niya sa isipin na hinintay siya nito ng tatlong araw. Pero heto siya at tatlong linggo bago niya nabasa ang mensahe nito. Hindi pa nga tapos ang problema kung tutuusin hanggat nabubuhay si Captain H.
Hindi niya masisisi ang dalaga kung isipin nito na pinaglaruan niya ang damdamin nito. Nagsimula siya na magtipa sa laptop.
[I'm sorry. Something happened in the last three weeks -Smiley]
Nakita niya na binasa nito ang mensahe niya ngunit hindi ito sumagot.
[I'm sorry. It's not my real intention - Smiley]
Hindi muli ito sumagot. Hindi niya maaaring sabihin dito ang mga ginawa niya para na rin sa seguridad ni Penelope.
Nalungkot si Prince Hanz. He was almost there pero sinira ni Captain H ang plano niya. Sinira niya ang pangako niya sa dalaga.
Binaba niya ang cellphone at pinatawag si Arthur para alamin kung nasaan sa ngayon si Penelope.
Saglit lang at naroon na ito sa kwarto niya.
He is facing the window. Ayaw niyang makita ng kahit na sino ang tunay niyang nararamdaman at baka pagtawanan siya nito.
"P-prince, according to the source, she's in the Philippines… Hindi siya tumatanggap ng trabaho sa loob ng tatlong linggo." sagot ni Arthur.
Seryoso lang si Prince Hanz na nakatingin sa labas ng bintana. Napalunok si Arthur. He knew that Prince Hanz messed up this time with the girl he likes.
At guilty siya sa bagay na ito dahil siya ang nagmungkahi sa prinsipe na kitain si Penelope.