Kababalik lang ni Baba sa kwarto na nakalaan sa kanya sa isang hotel sa Hong Kong nang magbeep ang email notification sa cellphone niya.
Ipinatong niya ang kumpol ng pulang rosas sa ibabaw ng mesa. Bago niya binuksan ang email.
Isang mensahe ang bumungad sa kanya mula kay Smiley.
Napangiti siya agad. He didn't see the man with green eyes today but she received flowers.
[Want to meet me in person? -Smiley]
Nagliwanag ang mukha ni Baba nang mabasa ang tanong nito. Sasagutin niya sana ito ng 'Of course' kaya lang baka isipin na masyado naman siyang excited.
[Yes. By the way, where are you hiding?-Penelope]
[I'm abroad. May inasikasong problema -Smiley]
"So, kaya pala hindi ko siya nakita." nakanguso na usal niya. Bago pa lumipad ang isipan niya nagbeep muli ang cellphone.
[Wait for me in Hong Kong. I'll knock on your door tomorrow morning - Smiley]
Napangiti si Baba sa nabasa niya. she replied [Okay. I'll wait for you -Penelope] na para bang isa siyang misis na maghihintay sa asawa niya. Kinilig siya sa naisip.
Kung tutuusin wala naman silang relasyon ni Smiley. She doesn't know his background at all. Pero kung ang lalaki na may berdeng mga mata talaga si Smiley. She will be glad dahil kahit papaano ay marami-rami na rin siyang nakalap na impormasyon dito.
He do charities sa kung saan saang panig ng mundo na mga napuntahan niya.
Sinubukan niya na rin na magtanong sa mga taong nakikita niya na madalas na nakapaligid dito, ngunit wala siyang makuha na matinong sagot.
Huli na para suwayin ang sarili na huwag umasa na ito si Smiley dahil nakuha na ng lalaki ang buong kalooban niya.
====
Prince Hanz is almost 30 this year.
Ilang beses na rin na may nireto sa kanya ang magulang para maging asawa niya pero sinabi niya sa mga ito na may napupusuan na siyang babae na nililigawan niya sa loob halos anim na taon.
His mother almost cried kung ano ang mayroon sa babaeng ito at bakit ayaw sa kanya.
"Bakit hindi ka niya sinasagot? doesn't she know that you are Prince Hanz?" it was hilarious nga naman na ang isang prinsipe na tulad niya ay inabot na ng ilang taon sa panliligaw.
Sinabi niya na lang na hindi alam ni Penelope ang katauhan niya at naniniwala siya na kung mas matagal ang proseso, mas masarap ang pagsasama sa mga susunod na araw.
Tanging si Arthur lang ang nakakaalam na si Penelope ang babae na napupusuan niya. Walang nang iba pa!
Alam niya na hindi siya nito ilalaglag dahil ilang beses na rin ito na-corner ng magulang niya para usisain pero walang pangalan na lumabas sa bibig nito.
Tanging "I'm sorry Duchess, you should talk to your son" ang sagot nito.
His parents wants a grandkid dahil hindi na rin siya bata.
But they have to wait. Alam naman niya na hindi magsisisi ang mga ito kapag pinakilala niya si Penelope bilang personal choice niya.
Inaaprubahan din kasi ng hari ang kung sino man na mapapangasawa nilang lahat sa pamilya.
====
It would take 11 hours to fly from Stockholm Sweden to Hong Kong.
Mabilis na pinaayos ni Prince Hanz kay Assistant Arthur ang eroplano na pagmamay-ari ng pamilya niya.
Hindi na siya nag-ayos ng mga gagamitin o dadalhin dahil halos lahat ng kakailanganin ay mayroon din sa eroplano.
Sumakay siya ng itim at makintab na Rolls-Royce sa tapat ng Royal House at nagpahatid sa Airport.
Nakangiti pa siya habang sakay ng sasakyan. Pumapasok na sa utak niya ang reaksyon ni Penelope kapag nagkita sila.
May ilang minuto bago huminto ang sinasakyan sa airport ay naglakad sa pribadong daan papuntang eroplano.
"Prince." yumukod ang mga staff sa entrada
"Thank you." hinubad niya ang suot na winter Jacket.
"To Hong Kong." utos niya sa mga ito saka tumuloy sa loob ng lounge.
Umupo siya sa malapad at komportableng couch. Ipinikit ang mata.
He is dreaming of Penelope's figure while on stage. Sinasayaw ang mga daliri sa ibabaw ng piano keys na parang nagtatawag ng anghel.
Nagambala ang pagpikit niya nang tawagin ni Arthur ang pangalan niya.
"P-Prince Hanz."
Dinilat niya ang mata at naghihintay sa sasabihin nito. Sa halip, isang wireless handset ng telepono ang inabot nito sa kanya.
Kunot ang noo niya sa kung sino ang nasa kabilang linya. Kinuha niya pa rin ang handset kay Assistant Arthur saka dinikit sa tenga.
"Hello?"
"Hanz, Countey Z attacked Herdalia Province! We have to go to that province as soon as possible." Boses ng tatay niya ang nasa kabilang linya.
Natigilan siya. Isang atake mula kay Captain H?
"Sinunog nila ang kabahayan sa probinsiya. We have to go to that province. You have to cancel your schedule." utos nito.
"Gaano kalala ang sitwasyon?"
"Code Red" simpleng sagot nito na ibig sabihin ay seryoso ang nangyayari.
Napapikit na lang siya at kinuha ang wintercoat na hawak ng isang attendant.
Paano si Penelope? He told her to wait for him.