Two more years passed.
Sa loob ng ilang taon patuloy si Smiley sa pagpapadala ng bulaklak kay Baba. Patuloy rin ang lalaki sa pag-email sa kanya.
Medyo dismayado lang siya dahil inabot na ng ilang taon at hindi pa rin ito nagpakita sa kanya ng personal.
She was now twenty five and still single. Hindi naman maikakaila na marami ang manliligaw niya dahil sa dami rin ng achievements na nagawa niya sa loob ng ilang taon.
Iyon nga lang, isang parte sa kaibuturan ng damdamin niya ay umaasa kay Smiley.
Smiley was with her for a couple of years kahit sa mga bulaklak lang na pinadadala nito, sa mga tula na aktwal na sinulat nito sa malinis na papel at pinadadala nito sa kanya. Sa pakikipagpalitan ng email.
Hindi niya pa nakausap ang lalaki kahit sa cellphone o tawag dahil ang sabi nito ay darating ang araw na magkikita rin sila. So, she's still waiting.
Madami nga lang ang nanghihinayang sa kanya kabilang na ang matalik niyang kaibigan na si Dylan.
She was a 'good catch' sa terms ng mga lalaki. She's earning millions of dollars kahit pa hinahati niya sa charities ang kinikita niya. She's pretty. Smart. Can do a lot of things. Down to earth.
Dahil dito, kumatawan na rin si Baba bilang Female Ambassador ng World organization.
She represents a perfect example of a perfect woman. Mas nalagpasan niya pa ang bar ng kung sino mang prinsesa na napusuan din ng mga judges.
Pero isa rin ito sa dahilan kung bakit tumataas ang expectations ng magulang niya sa lalaki na mapapangasawa niya.
Tumaas din ang expectations ng lahat ng malalapit na kaibigan niya.
Base sa mga nagawa niya sa loob ng 25 years na nabuhay siya, hindi kayang sikmurain ni Kyle at Shey, pati na ang mga kaibigan niya kung mapunta lang siya sa lalaking bungi.
Kaya nag-aalala rin ang mga ito sa kinabukasan niya.
But in her heart, there was actually someone who cares about her and that is 'Smiley'.
She knew that the man with green eyes is Smiley. Alam niya ang bagay na ito kahit pa nga kaswal lang kung magkita sila sa iisang event.
Umaakto ang lalaki na para bang hindi siya nito kilala sa iilang beses na nagkikita sila sa napakaraming lugar.
Wherever she goes, he goes. Para bang may lihim silang usapan o tagpuan.
Kaya naman kahit hindi pa nito sabihin o kahit hindi niya itanong, alam niya na ito si Smiley.
=====
Sweden.
Pinulong ang lahat ng namumuno sa tatlong magkakatabing bansa. Ang Sweden, Norway at Denmark.
Matagal nang may alitan ang mga magkakatabing bansa na ito na nagsimula pa noong 1600.
It was basically because of the land territories.
Pero nitong mga huling taon ay mas naging threat ang mga armas na nasa possession ng pamilya ni Prince Hanz.
Isang threat ang gumambala mula sa Country Z.
It was called Country Z dahil tuluyan na humiwalay sa Northern Europe ang bansang ito.
At tinuturing na terorista ang lahat ng taong nakatira dito. They don't have a passport kaya naman hirap ang mga tao na makaalis ng bansa.
Isang bansang magulo ang Country Z na tinitirhan ng mercenaries hanggang sa lumitaw si Captain H.
For a couple of years, ang Kapitan ang namuno sa bansang Country Z, simula noon mas umayos ang lugar. Pero mas humigpit din ang bansa nito. Totally blocked sa labas ng land area nito.
Noon ay halos mawala sa mapa ng mundo ang land area ng Country Z, ngunit ngayon ay nakabangon na ang bansang ito.
Unti-unti ay nagkaroon ng maayos na trabaho ang mga mamamayan.
Si Prince Hanz bilang isa sa namumuno sa national security ng bansa niya ay naroon din sa pulong.
Their spy went to Country Z to investigate.
Ayon sa mga nakuhang report ni Prince Hanz, may isang bansa ang sumusuporta sa Country Z at iyon ang inaalam niya nitong mga nakaraang buwan.
Napag-alaman niya na may security chip na hawak si Captain H. Isang computer ch.i.p.s kung saan naka-save ang plano kung paano pabagsakin ang tatlong kalapit na bansa kasama ang Sweden.
Matapos ang meeting niya, tumuloy siya agad sa personal space niya sa royal house ng hari. He asked his assistant kung nakabili ba ito ng bulaklak sa Hong Kong para ipadala kay Baba. Nasa maliit na bansang iyon ang dalaga sa kasalukuyan.
"Did you send her the flowers?"
Nakangiti ang Assistant na tumango saka naglakas-loob na magtanong. "Prince, why won't you show up to Miss Penelope?"
Kumunot ang noo ni Prince Hanz.
"Kayo rin, baka maunahan kayo ng iba. Marami ang manliligaw niya nitong mga huling taon lalo na nang maging Female ambassador siya ng World Organization."
Napaisip si Prince Hanz.
Totoo ang sinabi nito, kaya naman ang unang mensahe na pinadala niya kay Penelope ay…
[Want to meet me in person? - Smiley]