Two more years had passed.
Sa loob ng dalawang taon, nakakatanggap si Baba ng bulaklak sa masasabi niya na 'secret admirer' niya.
His name is 'Smiley'.
Hindi naman siya nakaramdam ng takot kahit nang unang beses na nakatanggap siya ng bulaklak mula rito.
The first time she received the flowers was when she held a concert in Australia.
Matapos iyon, nagtuloy-tuloy ang pagbigay nito ng bulaklak.
She received flowers hindi lang sa piano concert na pinupuntahan niya. kahit nang imbitahan siya ng curator na dumalo sa isang museum.
Kahit nang araw na may dinalaw siya na isang birthday event sa China.
Kahit nang magkaroon ng welcome party sa kanya bilang bagong partner ng isang jewelry store sa Paris.
Nakakatanggap siya ng bulaklak sa lahat ng mahahalagang okasyon.
The man behind the flowers always appear na para bang sinasamahan siya nito sa buhay.
Just like that man na nakikita niya rin na para bang maliit lang ang mundo nila dahil sa kung saan-saang bansa sila nito nagkikita. Pwedeng i-apply sa kanila ang 'what a small world!' na isang phrase.
Gusto niyang tanungin kung ito ba si Smiley.
Ang sabi sa kanya ay businessman ang lalaki but she doesn't have the courage na tanungin ang mga kasama nito. Saka, paano kung nagkamali siya at baka sabihin na nagmamaganda siya na ituro ang lalaki na mayroong berdeng mga mata bilang secret admirer niya?
That night, she was invited by her Teacher sa ika-60th birthday nito kaya naroon siya muli sa Germany.
Sa isang magarbong bulwagan sa isang 5 star hotel gaganapin ang pagtitipon.
Her best friend Dylan was also in the event bilang estudyante rin ito ng guro niya.
"How's your girlfriend?" Bulong na tanong niya dito.
"She was fine. Medyo nakakasakal lang." Reklamo nito.
Tumawa si Baba. Hindi niya masyadong binigyan ng pansin ang reklamo nito dahil normal naman na attitude iyon ng mga babae.
She treated Dylan as her brother but the guy secretly falls in love with her. Nagagawa nito na magpanggap huwag lamang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila.
Para malipat tuloy ang atensyon, nagawa ni Dylan na humanap ng ibang nobya.
Napatigil si Baba sa pagkilos nang makita muli ang lalaki na may berdeng mga mata. Kausap nito ang anak ng guro niya.
Gusto niya talagang malaman kung sino ang lalaki. Ano ang mayroon sa pagkatao nito?
"Hey, do you know who that man is?" Narinig ni Baba na tanong ng isang dalaga sa kasama nito. Turo nito ang lalaking may berdeng mga mata.
"The mysterious guy? I don't know. They said he is a businessman from Ireland"
'So, isa pala siyang businessman'
She really wanted to know kung ang lalaki ang nagpapadala sa kanya ng bulaklak pero base sa anyo at awra nito, hindi ito magbibigay ng oras sa isang katulad niya na simpleng dalaga.
She can tell that the man is not that simple. Palaging may kasamang dalawang body guard.
Naputol lang siya sa nililipad niyang kaisipan nang ayain siya ni Dylan na magsayaw.
Nang matapos ang event, nabigla na lang siya nang may mag-abot muli sa kanya ng kumpol ng pulang rosas sa entrada ng bulwagan.
Kinuha niya ang card na nakalakip dito at binasa.
[If you were a movie, I'd watch you over and over again. --Smiley]
She smiled just like his pseudonym saka ibinalik muli ang mensahe sa gilid ng handle nito.
"Hindi ka ba natatakot sa bulaklak?" Tanong ni Dylan.
"No" she honestly said.
Ramdam ng kalooban niya na hindi masamang tao ang nagpapadala ng bulaklak na iyon sa kanya. She could feel the sincerity behind those flowers.
"I can say that he's a stalker. Bakit alam ng taong ito na si 'Smiley' kung saan ka hahanapin?" Bahid ang disgusto sa anyo ni Dylan.
"Huwag ka na nga lang epal dyan!" Saka niya ito inirapan at tumuloy na sa kanyang hotel suite.
Nang gabi na iyon mas nabigla si Baba dahil isang email mula kay Smiley ang natanggap niya.
[I like the night. Without the dark, we never see moon and stars -Smiley]
Umawang ang labi niya dahil sa pagkabigla. Bigla tuloy ang lingon ni Baba sa labas ng bintana. Bilog na bilog ang full moon sa kalangitan. At parang mga diyamante ang mga bituin.
Napalitan ng ngiti ang kanina ay pagkabigla niya sa biglaan nitong pagpaparamdam.
[Bakit hindi ka nagpapakilala ng personal?] Tanong niya dito.
[I'm shy -Smiley]
Baba "..."
[Hindi mo man lang ba naisip na baka isang stalker ang tingin ko sa iyo? -Penelope]
Halos mabilaukan si Prince Hanz sa nabasa na inuokupa ang katabing kwarto.
[I'm a good person don't worry -Smiley]
[Sabagay, wala ka namang makukuha sa akin. Hindi ako mayaman. Are you a girl or a boy? -Penelope]
[A boy -Smiley]
Napangiti si Baba. She is imagining Smiley sa lalaki na may berdeng mata. How she wished na sana ay totoo ang hinala niya...