One year had passed.
Australia.
May concert na gagawin si Baba o kilala bilang Penelope sa Sydney orchestra Town Hall sa hapon na iyon.
That morning, she decided na magpunta sa Town Hall para magkaroon ng familiarity sa lugar. Kasama niya ang matalik na kaibigan na si Dylan, isa ring musician.
She's a pianist while Dylan is a violinist.
Sinalubong sila ng organizer dahil nasabi na nila dito ang nais nila.
This is her 3rd time concert sa loob ng isang taon simula nang magdebut siya sa propesyon bilang piyanista.
Hindi dapat siya papayag sa concert na ito kung hindi lang sinabi sa kanya na 40 percent ng kikitain ay mapupunta sa charity.
Tinungo nila ang concert hall. Two thousand seats ang bilang ng mga silya. Madilim ang paligid at tanging ang entablado lamang ang may malamlam na ilaw.
Nasa gitna ang isang itim at makintab na piano. Hindi napigilan ni Baba na tinungo ang bagay na iyon at umupo sa maliit at malambot na silyang nasa harap.
"Babe, don't tell me na magpa-practice ka pa?" Tanong ni Dylan
Bahagya siyang ngumiti.
"I need to check the keys" saad niya saka pumikit at nagsimulang magpatugtog.
=====
Naroon si Prince Hanz sa Sydney bilang representative ng bansa niya.
Nagkaroon ng sakuna sa isang bayan ng Australia at ilang pamilya ang nasunugan, may tatlong linggo ang nakaraan.
He came here to offer help from his country. Ang grupo niya mula sa Sweden ang nakatoka sa charity na iyon. At the age of 20, he was already a founder of Grace's Wings. Isang charity group na binuo niya at ng isang kaibigan na mula sa Amerika.
Sinamahan siya ng limang staff sa bansa, dalawa dito ay bodyguard.
Naglalakad sa hallway si Prince Hanz mula sa opisina ng Direktor ng gusali na iyon nang marinig ang musika na nagmumula sa loob ng concert hall.
Napatigil siya nang magsimula ang malumanay at masarap pakinggan sa tenga na mga nota mula sa isang piano. He looked at the big door 2 meters away from him.
Naaalala niya ang nota at sa iisang tao niya lang ito narinig.
Ang kalahati ng pinto ay bukas at ang kalahati ay maayos na nakalapat sa pintuan. Hindi pa kasi iyon ang oras ng charity concert.
Sumenyas siya para tumigil sa pagsasalita ang kasama.
"Prince?"
Naglakad siya sa pintuan at sumilip sa loob. Bahagyang umawang ang labi niya nang makita muli ang babae na lihim niyang hinanap nang nakaraang taon.
Hindi nga siya nagkamali na parehas na tao ang mabubungaran niya na nagpapatugtog dahil sarili nitong musika ang ginamit nito. It was her personal music.
In the past, he learned that she was a scholar from a prestigious Music School in Germany but he doesn't know her real name.
Tumikhim si Prince Hanz.
"She is?"
"She's Penelope, My Prince." sagot agad ng kasama niyang assistant na si Max. Nasa isip nito na baka hindi niya nagustuhan na ginamit ni Penelope ang Piano nang wala pa sa takdang oras.
Lumapit ang grupo ng prinsipe sa grupo ni Baba.
Pipigilin na sana ni Assistant Max si Baba nang senyasan ito ni Prince Hanz na manahimik.
Tila naiwan sa lalamunan nito ang mga kataga na dapat ay sasabihin.
May isang minuto pa bago natapos ni Baba ang musika.
Nang matapos siya sa pagtugtog ay nagulat siya na may mga tao sa paligid. May mga pumasok sa hall nang hindi niya namamalayan.
Bigla siyang napatayo dahil sa hiya.
"So-sorry" paghingi ni Baba ng paumanhin.
Madilim ang lugar na kinatatayuan ng prinsipe dahil nasa ibaba ito kaya hindi masyadong naaaninag ni Baba ang grupo ng tao na bagong pasok sa bulwagan.
"Assistant Max" bati ng organizer na kasama ni Baba nang makilala ang isa sa mga bagong pasok.
Sinenyasan ni Prince Hanz ang assistant niya gamit lang ang paningin na ito ang magsalita at hindi dapat gumawa ng hindi nito magugustuhan.
Mabilis na kumilos ito at lumapit sa gawi nila. "I-it's okay, Ms Penelope." bago nagpunas ng namuong pawis.
"I decided to try for familiarity." saad ni Baba saka ngumiti ng matamis.
Nakakagaan sa buhay ang pagngiti niya na iyon na talagang sinadya niya para hindi siya sitahin.
"Salamat din sa pagpayag mo na sumama sa charity concert na ito"
Ngumiti lang siya at sumunod na sa mga kasama na papalabas ng bulwagan.
Prince Hanz was just looking at the girl's back. Kaiba sa suot ni Baba nang nakaraang taon na nakauniform lang ito, nakasuot lang ng light blue na bestida ang dalaga ngayon.
Mas nakakagaan sa pakiramdam ang buong pagkatao ng dalaga na para bang kahit titigan niya ito sa maghapon ay malulutas na agad ang mga problema niya sa buhay.
Lumabas sila ng hall ngunit nakasalubong muli ng grupo niya si Baba na nag-iisa na lang at tila may hinihintay.
Kasalukuyan na nagpaalam si Dylan kay Baba na sasaglit sa palikuran kaya matiyaga siyang naghintay sa pasilyo.
Hindi niya nga lang inaasahan na makakasalubong muli ang grupo ng Charity group na nakatoka sa konsyerto na iyon. Sa isang tao napatigil ang mga mata niya dahil kakaiba ang awra na binibigay nito.
Agad na namula ang pisngi niya dahil sa kakaibang titig ng lalaki na nasa gitna ng grupo. Yumuko siya para maitago ang namumulang pisngi.
Mabilis lang na dumaan at nilagpasan siya ng grupo ni Prince Hanz.
"Max, send her a bouquet of flowers after the concert." utos ni Prince Hanz sa kasama.