Chapter 424 - Penelope and Hanz: He felt her sadness

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Simula nang makatanggap si Prince Hanz nang banta kay Captain H, iniwasan niya na ang magpadala ng kahit bulaklak kay Penelope.

It's as if he forgot about her.

But she doesn't know na patuloy siya na nagpupunta sa mga concert nito. Hiding in the dark. Watching her from the crowd of audiences.

He noticed that she plays sad songs that she composed in her concerts . The host said that she composed those songs just recently.

He felt her broken heart while she played those keys. Hindi niya alam kung para saan.

He is missing her replies kahit sa email lang. Pero wala siyang magawa kung hindi ang umaktong normal sa paningin ng lahat.

Tuwing manonood siya ng concert nito, iba't-ibang babae ang kasama niya.

He started dating women para maguluhan si Captain H sa pagmanman sa kanya kung sino ang talagang gusto niya.

His parents are happy dahil nag-iimbita siya ng kung sinu-sino sa royal house ng pamilya without knowing the real reason kung bakit niya ito ginagawa.

But they are not happy with the girls he brought with him.

Most of them are celebrities na ninanais na maging asawa ni Prince Hanz. Most of the girls are gold diggers, kaya naman hindi siya masyadong guilty sa mga ito.

Iyon naman talaga ang rason kung bakit ang mga ito ang napili niya. Ayaw niya na may magustuhan ang magulang niya sa kahit na sino sa mga babae na dine-date niya.

One day, one of the girls has fallen in Captain H's trap. A group of people barged in her house at ninakawan ang dalaga dahil lang sa tatlong beses siya nitong sinamahan sa mga lakad niya.

Nabaril din ito sa balikat.

All he could do is to compensate her.

Hindi niya sinabi dito ang dahilan na pinagbantaan siya ni Captain H.

====

Nasa New York si Prince Hanz para panoorin ang concert ni Penelope, may kasama siyang sampung bodyguard. Kaya naman agaw-pansin din siya sa ibang mga parokyano.

Nang matapos ang concert, tumuloy sila sa hotel para ihatid ang ka-date niya. Pero nagtagpo ang mata nila ni Penelope sa lobby.

Nagulat siya na naroon din ang dalaga. Hindi niya alam na magtatagpo ang landas nila sa iisang hotel.

He tried to act normal pero huminto ang dalaga sa harap niya na halos pagpawisan siya. Pinigilan ito ng ilan sa mga body guard na kasama niya pero agad din naman na umiwas nang pagalitan ni Arthur.

Nilipat ni Penelope ang mga paningin mula sa babaeng kasama niya patungo sa kanya. He doesn't know what's in her mind. It's as if she hides it inside her core.

Then, she smirked.

"I can see that you are doing great, You're not just a stalker but a womanizer!"

Matapos na sabihin ni Baba ang mga iyon ay tumalikod na ito para layuan si Prince Hanz.

Napatigil ang prinsipe sa pagkilos. Kumuyom ang mga kamao niya.

Kung ganoon may ideya si Penelope na siya ang nasa likod ng katauhan ni Smiley.

Hinatid na lang niya ang kasamang babae sa kwarto nito para makapag-isip ng maayos.

====

Hindi akalain ni Baba na ang pagharap niya na iyon kay Prince Hanz ang magdadala sa kanya sa kapahamakan.

The spy reported the scene to Captain H.

Nakangisi ang terorista na mabilis na gumawa ng aksyon. Naisip pa lang ng grupo na posibleng may ugnayan si Prince Hanz at si Penelope dahil madalas na manood ang Prinsipe sa mga concert nito.

Samantala, sa lugar ni Baba, she was really hurt. Hindi niya akalain na magkikita sila muli ng lalaki.

Based on his expression it was confirmed that he is Smiley.

Nagtungo siya sa kwarto na inupahan sa hotel na iyon at pinagmasdan ang mga bituin sa langit mula sa floor-to-ceiling window.

Kasalukuyang alas nuwebe na ng gabi. Tahimik ang buong kwarto na para bang nakikiisa sa malungkot niyang lagay. Tila pinagsawa ang mga mata sa madilim na gabi.

Napakislot siy dahil sa pagkabigla nang pumailanlang ang tunog ng cellphone niya sa buong kwarto.

Nakita niya ang numero ng manager niya. She answered her call.

"Penelope, come here in my room. May trabaho ako na i-di-discuss sa iyo."

Gusto niyang aliwin ang sarili kaya naman pumayag siya na pumunta sa kwarto nito.