Lumabas si Baba ng suite para magpunta sa kwarto ng Manager niya na si Mrs. Moreau na umuupa sa kwarto na nasa ibabang palapag mula sa floor niya.
Nakasabay niya pa sa elevator si Assistant Arthur. Nabigla ito nang pumasok siya.
Sa tingin niya ay nasa itaas na palapag ang Boss nito kung saan ito galing.
Panay ang lingon nito sa kanya na para bang interesado ito sa kung saan siya pupunta. Kilala ni Baba ang lalaki dahil madalas itong kasama ng lalaking may berdeng mga mata.
His identity is secret. 'Palibhasa, nakakauto siya sa ganon'.
Sobrang asim ng mukha niya hanggang sa tumunog ang "ding!" ng elevator at lumabas siya.
Nilingon niya si Assistant Arthur matapos humakbang sa linya palabas. Nakita niya na nagrolyo ang lalamunan nito na halatang kinakabahan ito sa kanya dahil huminto siya para harapin ito.
'Hmp palibhasa, may kasamang babae ang amo niya' isip-isip ni Baba. Lalong hindi maipinta ang mukha niya.
"Tell your Master, I don't want to see his face ever again." sabi niya dito bago tuluyan na iniwan ito nang nakaawang ang labi.
Arthur "..."
Gusto niyang isumpa ang lalaki na may berdeng mga mata.
Tinungo niya ang room number ng manager niya at huminto sa tapat ng kwarto nito.
Mahinang kinatok niya ang pintuan.
Hindi naman siya nagtagal sa paghihintay at bumukas ang pintuan nito.
"Come in…" pinatuloy siya nito sa loob.
Pumasok si Baba sa kwarto. Isang French ang babae at mid-forties ang edad. Hiwalay sa asawa at may dalawang anak na babae na parehas teen-ager.
"Do you want tea? Or water?" Tanong nito matapos umupo ni Baba sa malambot na couch
"Just water" Sagot niya.
Nagpunta ito sa fridge. Nagsimula naman na magkwento ang manager niya. May fan daw siya na nasa Texas, 12 years old na batang babae pero may sakit na cancer.
She asked if Penelope wanted to visit the kid. May trabaho din daw para sa kanya sa America sa susunod na ikalawang buwan.
Nag-isip si Baba. Hangga't maaari, gusto niya rin na magpaka-busy.
Mrs. Morneau handed her the glass of water.
"Your album will be released next month." sabi nito.
Ngumiti lang siya ng simple saka uminom ng tubig na bigay nito. Kung tutuusin, may mga recording studio na gustong bilhin ang mga compositions niya para lapatan ng awit but she declined all of them.
Marami ang nagtaas ng kilay but she doesn't care. Nagawa niya ang lahat ng mga scores na iyon sa loob ng isang taon. They wouldn't understand what she felt when she created those music scores.
It was her personality. Ang mga tugtog na iyon at siya ay iisa. kapag nalagyan na ng awit ang mga scores ay mawawala na ang pagkatao niya sa mga ito at ayaw niya na mangyari iyon.
At para manahimik ang lahat, she officially submitted her scores for a record album.
Nakakatawa lang na isipin na ang mga chords na nabuo niya dahil sa kalungkutan ay kukuha ng attention mula sa publiko.
Marami pa silang napagkwentuhan tungkol sa trabaho.
Napuna niya na wala sa sarili ang manager niya. Ilang saglit pa ay nakaramdam ng pagkahilo si Baba.
Then, she looked at her manager.
"Wh-what did you put inside my water?" Diretsong tanong niya. Imposible na bigla na lamang siyang makaramdam ng pagkahilo.
"What do you mean, Penelope?" Tanong nito pero lihim na pinagpapawisan. There was no way na umamin ang manager niya na may nilagay ito sa tubig.
"You-you.." pinilit ni Baba na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Sobra ang pagkahilo niya at halos hindi siya makatayo ng diretso.
Then, she heard footsteps from the balcony. Pinilit ni Baba na ituon ang atensyon sa nagaganap.
She met four green eyes. "Mrs. Morneau! What are you planning to do?!" Sigaw niya kahit hindi halos hindi niya na makita ang babae.
"We will play, Baby" kahit hilong-hilo ang pakiramdam ni Baba ay kinilabutan siya sa narinig.
"I'm going out, please release my daughter! Penelope, I'm sorry..." nagsimulang umiiyak ang babae.
Sinampal ito ng isang lalaki.
Kahit masama ang pakiramdam ni Baba sa mga oras na iyon, kinuha niya ang base at hinagis sa kung sino mang bulto ang naroon sa kwarto.
May nadampot siyang figurine at hinagis rin dito.
"She's pretty, we are lucky."
"You are right brother!"
"There was no way to escape, Baby. You took a love drug. The most powerful aphrodisiac on the planet. Ha ha ha!" Parang gago ang lalaki na tumawa na nagpakilabot sa balat niya.
Saglit na natigilan si Baba sa nadinig. Kahit naman hilong-hilo siya ay hindi pa tuluyan na nawawala ang katinuan niya.
Pinilit niya na mag-isip ng gagawin.
Kabisado niya ang room number na iyon dahil madalas na doon umuupa ng kwarto ang manager niya sa hotel na iyon.
Binuhos niya ang lahat ng lakas para ihagis ang mga nadampot niya habang tinutungo ang pinakamalapit na kwarto.
"F*ck!" Halatang natamaan niya ang lalaki kaya nagmura ito.
Abot-kamay na sana siya nito ngunit nakapasok na siya sa pinakamalapit na silid at ni-lock ang sarili mula sa living room kung nasaan ang dalawang lalaki.
Mga mabibigat at malalakas na katok ang naririnig niya mula sa pintuan.
She doesn't know what to do. When she heard 'Love Drug', she knew it was her end.