Samantala, sa kwarto ni Prince Hanz. Isang tawag ang gumambala sa kanya.
"You are smart Prince Hanz. Unfortunately, your dear little fairy still ends up in my hands. Ha ha ha!"
Natigilan si Prince Hanz.
"She was playing with my two boys. Tsk tsk. She can't escape death kung hindi siya makikipaglaro."
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "What do you mean by that? Three of my bodyguards are guarding my girlfriend."
"Tsk tsk! You'll know what I mean."
Matapos iyon ay nawala na sa linya si Captain H. Nakuyom na lang ng prinsipe ang mga kamao niya.
Hindi kaya nakatunog ang lalaki nang magkita sila ng dalaga sa lobby ng hotel na iyon? Kapag may nangyari sa dalaga, sisiguraduhin niya na mawawala sa mundo ang bansa nito.
He will not care about the consequences anymore.
Mabilis na kumilos si Prince Hanz. Sakto naman na nakabalik si Arthur sa suite niya.
"Lock the whole hotel and find Penelope!" utos niya.
"Prince, I-I saw her. She... She told me, she doesn't want to see you ever again." nakayuko na sabi ni Arthur. Halos ayaw niyang ipaalam dito ang tungkol sa bagay na iyon.
Natigilan si Prince Hanz. Maybe Penelope was really hurt. A sudden pain hit him. Gaano kagalit sa kanya ang babae dahil sa mga ginawa niya?
"Find her room as soon as possible! Walang lalabas o papasok sa hotel building na ito!"
Mabilis na kumilos si Arthur. Lumipas lang ang five minutes at nakuha na nila sa hotel ang numero ng kwarto ni Penelope.
Walang nagtangka na suwayin ang utos ni Prince Hanz sa mga hotel staff.
Matapos makuha ng prinsipe ang numero ng kwarto ni Penelope, siya na mismo ang nagpunta sa suite number nito.
"Pero prince, nakita ko na sa ibang palapag siya tumungo. Not on this floor." nagtataka si Arthur.
"Then, go to that floor!" singhal niya na halos mapaatras ang assistant niya. Sumunod na lang ito na bumaba sa palapag kung saan din nito nakita na bumaba si Penelope.
Wala na sa tamang katinuan ang prinsipe at hindi alam ang gagawin.
Mabilis ang mga hakbang na tinungo ni Prince Hanz ang suite number kung saan naka-book si Penelope. Tatlong bodyguard ang sumusunod kay Prince Hanz para protektahan siya.
Kinatok niya ang pintuan.
Sa loob ng kwarto ay naroon si Mrs. Morneau. Kinuha niya ang key card ni Baba para makipagpalit ng kwarto kaya siya ang nadatnan ni Prince Hanz doon.
Kinakabahan siya nang masilip sa peephole ang prinsipe at mga lalaki kasama nito sa labas.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan.
Naging daan naman iyon, para sipain ni Prince Hanz ang pintuan at mabibilis ang mga hakbang na sinuri ang buong kwarto para hanapin si Penelope.
"Who-who are you?" tanong ni Mrs. Morneau.
"Where is Penelope?" matalim ang tingin na ipinukol ng Prinsipe sa Manager ni Baba.
"She.. she's not here." halos hindi ito makatingin
"Where is she?"
"I.. don't know" kinakabahan na sagot nito.
Alam ni Prince Hanz na nagsisinungaling ang manager. Nilapitan niya ito. He grabbed her neck.
Natakot si Mrs. Morneau. "Please, please let me go. You can't kill me."
"You will know the consequences for not telling me the truth. If something happened to Penelope, hindi makakaligtas sa akin ang lahat ng pamilya mo." nanlilisik ang mga mata ng prinsipe at anumang oras ay mauubusan na ng hangin ang ginang.
Halos mahilo na ang babae dahil sa higpit ng pagkakasakal dito.
"Prince, we will handle this. Calm down." suhesyon sa kanya ng isa sa mga bodyguard. Kapag namatay ang babae sa kamay ng prinsipe, mas maliit ang tyansa na mahabol nila si Penelope.
Natigilan naman ang manager dahil sa narinig. Binitawan ni Prince Hanz ang babae at galit na tumalikod para pakalmahin ang sarili.
"Madam, I advise you to let us know where Penelope is. He is Prince Hanz of Westrogothia and the whole building has been locked down. Hindi ka makakatakas kapag napatunayan na may kinalaman ka dito."
Natakot si Mrs. Morneau. Nagsimulang mahulog ang luha nito.
"She's in my room." sinabi nito ang numero. Takot na takot si Mrs. Morneau at hindi nito akalain na sa likod ni Penelope ay may prinsipe na handa itong iligtas.
"Don't let her escape." tukoy ng prinsipe sa manager.
Wala nagawa si Mrs. Morneau kung hindi ang umiyak. Alam niya na wala siyang lusot sa nagawa.