Chapter 429 - Penelope and Hanz: Locked herself from public

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Two months had passed,

Sa loob ng dalawang buwan, nag-stay si Baba sa loob ng Kent Mansion.

She needed security at sa Kent Mansion niya lang iyon makukuha.

Tanging si Cally lang ang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanya nang nakaraang dalawang buwan. Nanghingi siya ng proteksyon dito dahil naging biktima siya mismo ng Love Drug.

Love Drug na si Christen mismo ang may gawa kaya guilty ito sa nangyari sa kanya.

Ayon kay Cally, nakakulong ang manager niya sa ngayon doon sa Paris. Hindi na siya nag-abala pa na tanungin si Mrs. Morneau kung bakit nito iyon nagawa. Ang dalawang lalaki naman ay nalaman nila na parehas na terorista kaya nasa kamay ngayon ng kaharian sa Sweden.

She told Cally to keep everything a secret at ginalang naman nito ang desisyon niya. Para na rin hindi magkaroon ng hindi-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga pamilya nila.

Madami-dami rin ang nakasamaan niya ng loob sa mga nakalipas. Kasali na dito ang mga manliligaw niya noon, mga natalo niya sa kompetisyon at iilang mga kilalang tao na diretsahan niyang tinanggihan sa trabaho.

Kaya naman, nanghingi siya ng tulong dito.

Matapos niyang magising mula sa isang hindi kilalang kwarto noon, si Cally agad ang unang naisip niya.

There were marks on her body. If not for the fact that she will be dead, baka hindi siya nakipagsiping sa lalaking nakasama niya.

Mabuti na nga lang at nandoon si Cally sa kalapit na bayan sa Paris.

Tila naging sandalan nila ang isa't-isa dahil nagluluksa rin ito sa pagkamatay ni Prin nitong huling laban.

Both of them locked themselves in Kent Mansion.

She use Kent Mansion's satellite phone para kamustahin paminsan-minsan ang papa at mama niya.

Hindi siya nag-iiwan ng bakas at literal na para siyang bula na naglaho sa mata ng publiko.

Outside, no one knew where Penelope was.

At sa panahon na ito nagsimula ang pagiging mailap at masikreto niya sa publiko.

Sa sobrang sikreto ng lugar ng Kent Mansion, walang nakaalam na naroon si Baba, kabilang si Prince Hanz.

The prince was looking for her for two months but she disappeared like magic without leaving traces.

Kaunti na lang at matatapos na ang problema niya kay Captain H at sa Country Z.

Nag-aalala siya sa kalagayan ni Penelope.

Ilan na ang imbestigador na pinaalis niya para hanapin ang dalaga ngunit nabigo ang lahat ng tao niya na matunton kung nasaan ang kinaroroonan nito.

====

London.

Spring Season. Flowers bloom during the season. The whole city is at its most colourful this time of the year.

Baba called her best friend Dylan para dalawin siya nito dahil ang lalaki ang pinag-ayos niya sa mga huling trabaho niya na naiwan.

Nakasama niya na ang lalaki sa halos kalahati ng buhay niya. They were friends since she started her music schooling in Germany.

Kinita niya ang lalaki sa isang hotel sa London kasama si Cally. She just wore a simple dress which compliment the season.

Nasa isang sulok sila sa coffee shop malapit sa glass window. Tatlo lang sila na nakaupo sa isang table. Habang dalawang Dark Guard ang lihim na nagbabantay sa kanila.

"How are you? Bakit kailangan na pati ako ay layuan mo?" halata ang pagtatampo sa mukha ni Dylan.

"Dylan, I'm pregnant" sa halip ay sagot ni Baba.

Walang bahid ng pagkahiya sa mukha niya at diretso na sinalubong niya ang mata nito. Baba decided to continue her pregnancy. All she has is this baby.

Natigilan ang lalaki. Kahit si Cally ay napalingon sa ate Baba niya. Parehas na sumama ang awra ng dalawang lalaki.

"Wh-who is the father? How come I never knew you have a boyfriend?" bahid ang pagdadamdam sa mukha nito.

"I don't have a boyfriend, I just want a baby". Sabi niya dito. Sapat nang si Cally lang ang nakakaalam sa nangyari sa kanya.

Saglit itong natahimik. Tila may dumaan na anghel sa pagitan nila bago muli ito nagpatuloy. "Babe, I am willing to be the father. Handa ako na... magpakasal sa iyo."

Si Baba naman ngayon ang nabigla at hindi alam ang gagawin dahil sa sinabi nito.

Tumikhim si Cally. Bigla ay para siyang naging third-wheel sa dalawang ito. He knew Dylan's family and he knew na lihim itong nagmamahal sa ate Baba niya.

Alam ni Cally na safe si Baba sa lalaki.

"Maiwan ko muna kayo" saad ni Cally. Tumayo siya at tutunguhin na sana ang palabas nang limang tao ang papasok sa loob ng kapehan.

Sinenyasan niya ang dalawang Dark Guard na maging alerto. Hindi nga siya nagkamali dahil patungo ito sa direksyon nila.

"Stop right there!" utos ni Cally.

Huminto naman si Arthur at apat pang kasama tatlong metro ang layo sa mesa nila.

Naiwan sa sasakyan ang prinsipe nila na nasa tapat ng store na iyon at lihim na nakatingin kay Baba na nasa tabi ng bintana. Kitang-kita niya ang kabuuan ng dalaga mula sa sinasakyan.

"My master wants to talk to Penelope." hiling ni Arthur.

Humarang si Cally at ang dalawang Dark Guard para hindi makita ng mga ito si Baba.

Tumayo si Baba at sinalubong ang mata ni Arthur.

"Nasabi ko na, I don't want to see your Master anymore" sabi niya dito. Lalo na ngayon na namomroblema siya. Ayaw niya nang makita pa ang lalaki na may berdeng mata.

Sinaktan nito ang damdamin niya at sa loob ng ilang buwan na pananatili niya sa Kent Mansion, she decided to stop her fantasy.

"Miss Penelope, we are looking for you for months."

"It does not concern me. Tell your Master. I don't want to see him. I…I'm getting married." matigas na saad ni Baba.

Halatang nabigla si Arthur.

"Tell your Master to stop pestering me. That is my last wish!"