Matapos tanggapin ni Baba ang matalik niyang kaibigan, tinakda ang petsa ng kasal nila.
After three weeks, her engagement party came.
Sa tahanan ng pamilya ni Dylan gaganapin ang nakatakdang pagtitipon. Hindi pa halata na nagdadalang-tao siya dahil maliit pa ang sinapupunan niya sa ngayon, idagdag pa na maluwag ang suot niya.
It was a garden themed engagement. She was looking outside the window. Pinagmamasdan ang mga bisita na nagkakasayahan sa ibabang bahagi lang ng kwarto.
No one knew that she was pregnant aside from Cally and Dylan.
Sa totoo lang ay hindi siya kampante na magpakasal kay Dylan. Nananatili kasi na kapatid na lalaki ang tingin niya dito.
"A penny for your thoughts?"
Nilingon niya ito na bagong pasok sa isang guest room kung saan siya naroon.
"Babe, what are you thinking?" nakangiti na tanong nito habang papalapit.
"Dylan, don't you think this is wrong?" tanong niya.
Halata na pinipilit nito na magpakalma.
Sa loob ng tatlong linggo, alam ni Dylan na napilitan lang si Baba sa nais nito. Pinipilit lang ng lalaki na maging normal tuwing tatanungin ito ng ganito ni Baba.
"This is not wrong. Marrying you is not wrong."
Lumapit ito sa kanya para yapusin siya ngunit mabilis na nakaiwas si Baba. Hindi pa siya sanay sa mga ganoong akto ni Dylan na para bang magkasintahan sila sa tunay na lagay nila.
Ganoon yata talaga kapag nag-iba na ang estado ninyong magkaibigan at tanging kapatid lamang ang nararamdaman mo para sa kanya, nagkakaroon ng pader sa paligid mo dahil iba na ang trato niya sa iyo.
"I'm going outside para harapin ang bisita." sabi niya dito.
Naikuyom ni Dylan ang kamao nito dahil sa malamig na pakikitungo dito ng dalaga.
Baba went outside the room. Hindi na niya napansin na matapos niyang lumabas, pumasok ang isang bulto sa kwarto kung saan siya galing.
Tinungo ng dalaga ang wine bar at nanghingi ng maiinom. Mabilis na binigyan siya ng bartender ng champagne.
Halik na niya ang labi ng kopita nang maalala niya na nagdadalang-tao nga pala siya. Ibinaba niya muli iyon.
Nabigla siya nang tabihan siya ni Cally at agawin nito ang kopita na nasa tapat niya.
"Water for the bride please" hiling ni Cally sa lalaki na nasa bar. Tumango ito at mabilis na binigyan ng maligamgam na tubig si Baba.
"Thank you!"
"You have to take care of yourself. Are you sure about this, Ate Baba?" Bulong na tanong nito.
She looked up at Cally, meeting his lonely eyes. Sa palagay ni Baba ay parehas sila ng lagay ng Shi ng Dark Lords.
"To be honest, I don't know. But one thing is for sure, I want to keep the child because it was my own flesh and blood" Nakayuko na sagot ni Baba.
"I'm 28 and ready to be a mother."
"...But you are not ready to be a wife, is that it?"
Hindi sumagot ang dalaga bilang pagsang-ayon kay Cally.
"Kuya Dylan loves you but you love him as a brother?" puna lang ni Cally
Nabigla na lang sila nang may maghiyawan mula sa ikalawang palapag. Inangat nila ang mga paningin at nakita si Dylan na sakal-sakal ang ex girlfriend nito.
Nakalabas na ang ulo ng babae sa bintana kaya napasinghap ang mga bisita kabilang si Baba.
Nagkatinginan sila ni Cally at mabilis na pumasok sa loob ng malaking bahay ng pamilya ni Dylan.
Sumunod si Lorenz sa kanilang dalawa.
Natagpuan nila ang mommy ni Dylan na kumakatok sa pintuan ng guest room. Umiiyak na ito.
"Dylan, open the door!"
Sumenyas si Cally.
Pina atras nila ang ginang.
Mabilis na kumilos si Shogun at sinipa ng malakas ang makapal na kahoy ng pintuan ng kwarto.
Bumungad sa kanila si Dylan na nanghihina sa isang sulok tapos panay naman ang ubo ng ex nito at hagap ng hangin sa bintana.
Nilapitan niya ang lalaki "Are you okay, Dylan?"
"Babe, help me. It's blurry… and hot inside my body." nahihirapan na sabi.
"She..she drugged me…"
Natigilan si Baba at nilingon niya ang babae.
Tumawa lang ng tumawa ang ex-girlfriend nito.
"Tsk tsk tsk! Dylan, we did it for so many times, walang mawawala sa iyo kung may magaganap sa atin ulit, but you refused me for a couple of months. For what? For that bitch!"
Nanlilisik ang mga mata ng babae habang nakatingin sa kanya.
"Come on Dylan, I love you so much." Sa palagay nila ay nababaliw na ang babae.
"It's a Love Drug because I love you so much, you can't escape from my love. We will be together soon…" sabi nito na nakatingin sa kawalan.
"Call Christen!" utos ni Cally kay Lorenz.
"Pero Shi, nasa abroad pa sila."
"Just… try!"
Umiiyak naman ang Mommy ni Dylan.
"Pen, what is happening to my son?" hawak nito ang mga kamay at para bang nagdadasal.
Hinarap ng ginang ang babae.
"You ingrate! How dare you do this to Dylan?!" sinampal nito ang ex-girlfriend habang umiiyak.
"It's you! Ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi niya ako mahal! Mas gusto mo si Penelope kaysa sa akin!" tapos ay tumawa muli.
"Let's bring Dylan to a different room." suhestyon ni Cally dahil nakakasira sa mood niya para mag-isip ang nababaliw na ex ni Dylan.
Inakay nito ang lalaki para mailipat sa ibang kwarto.
"Babe, it hurts so much… Help me" hawak ni Dylan ang braso niya. Nagkikiskis ang mga ngipin nito dahil sa sakit.
Walang nagawa sa Baba kung hindi ang maiyak dahil naranasan niya ang parehas na nararanasan ng kaibigan niya ngayon.
Para bang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga naganap sa kanya halos tatlong buwan na ang nakaraan.
Her friend is asking her help. At isa lang ang tanging gamot sa Love Drug. Alam na alam niya ang pinagdadaanan nito kaya panay agos ng luha niya.