Hindi matigil ang pag-agos ng luha ni Baba habang nakatingin sa kaibigan na nahihirapan.
Cally holds her hand.
Inutusan nito na tanggalin ang pang-itaas na damit ni Dylan at ilublob ito sa bathtub na nasa loob ng kwarto nito.
"Kuya Dylan, just calm down for the meantime. We will do our best." Sabi ni Cally dito.
Lumapit si Shogun kay Cally at bumulong. "Shi, hindi pa namin ma-contact si Christen. Sa tingin ko, nasa ere pa silang dalawa ni Doc Mikko."
Napapikit na lang si Cally at nilingon ang pintuan ng palikuran kung saan naroon si Dylan.
Ang totoo niyan, hindi niya alam kung may gamot sa Love Drug but he believes in Christen's ability.
"Cally, what am I going to do?" naiiyak na tanong ni Baba.
"Let's wait for more time." isa ang panahon na ito na hindi alam ni Cally ang gagawin.
Pinaalam na sa mga bisita na kanselado ang event sa gabi na iyon. Nasaksihan naman ng lahat ang nangyari kaya wala nang tanong ang mga malalapit na kaibigan nang pauwiin ang mga ito. Nakita rin ng mga ito na sinundo na lang ang ex-girlfriend ni Dylan ng isang patrol car dahil sa ginawa nito.
Sa unang dalawang oras ay nanghihingi pa ang kaibigan niya ng tulong kay Baba pero sa mga sumunod ay naging tahimik na ito.
She cried hard holding Cally saying how sorry she was.
Paulit-ulit lang na sinabihan siya ni Cally na they will wait for more time.
Matapos muli ang isang oras, hiniling niya na iwan sila ni Dylan sa kwarto.
Nag-aatubili man, sumunod pa rin si Cally para magkaroon ng pribadong oras ang magkaibigan. Cally also knew na wala naman gagawin si Baba sa loob ng kwarto. Pero hindi maiwasan na mapatanong siya kung papayag si Baba sa gusto ng kaibigan nito.
Nilapitan niya si Dylan na nakalublob sa tubig ng tub at hinawakan ang kamay nito.
"Dylan… You know that I can't help you in terms of, you know… I'm pregnant right now. Let… Let me find someone instead."
Ngumiti ito ng mapait. "I don't want someone"
Bakas pa rin ang hirap kay Dylan pero mas pinipili na nito ang kalmahin ang sarili kahit pa nga hindi na rin ito makapag-isip ng maayos. Iniinda na lang nito ang init at sakit na nagmumula sa loob ng katawan nito.
"Penelope…" hindi na nabigla si Baba nang tawagin siya nito sa pangalan niya at hindi sa nakasanayan nito na 'Babe'.
Nakatingin ito sa kanya na namumungay ang mata.
"Do you know that I love you for more than a decade? But unexpectedly, you fell in love with another man; and unfortunately, you only treated me as your brother..."
"I am always watching your performance on stage. Wherever you go, I go… but you are always looking in a different direction as if you are finding that person in a thousand audiences. Looking for your 'Smiley' who is sending you flowers… Deep inside your heart, you can feel his presence kahit pa nga hindi siya magpakita sa iyo."
He sobbed.
"Penelope, gusto ko itanong sa iyo noon pa… Why are you so cruel? Nasa malapit lang ako pero mas pinipili mo na tumingin sa malayo" he continued crying.
"Tuwing makakatanggap ka ng bulaklak, sa isang sender ka lang interesado, wala ka nang pakialam pa sa iba pa... I want you to know na hindi lang si Smiley ang nagpapadala sa yo ng bulaklak… Ako rin, Penelope… ako rin… But I always saw my flowers in a trash bin." kinagat nito ang kamay para pigilan ang umiyak.
Lalong naiyak si Baba. Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na ito.
"Gusto kitang alagaan but you kept on refusing. Tell me honestly, hanggang sa ngayon umaasa ka pa rin, tama? siya pa rin ang gusto mo."
Humigpit ang hawak ni Penelope sa kamay ni Dylan. Wala kasi siyang masabi dito.
"Gusto kong batukan ang sarili ko noon. Kung nauna lang sana ako na magsabi at magtapat baka hindi siya nag-e-exist sa puso mo... Baka kung nauna ako, baka iba ang istorya natin ngayon."
"Gusto kong sabihin sa 'yo noon pa man na… sana ako na lang Penelope, sana ako na lang." he sobbed.
Matapos ang ilang saglit.
"Your Baby. I wanted to know bago man lang ako bawian ng buhay. Sino.. Sino ang tatay ng anak mo?"
Hindi niya sinagot ang tanong nito, sa halip she persuaded him to believe na may darating na tulong.
"Dylan, hindi ka mawawala. We… We will help you"
"Are you going to help me? Will you love me?" seryoso na tanong nito.
Hindi makasagot si Baba.
"I knew it…" ngumiti ito ng mapait.
Pinalabas na siya nito para kumalma siya dahil sa sobrang pag-iyak.
Cally holds her at nakita nito ang anyo niya na halos hindi makahinga at basa ng luha ang pisngi niya. Nag-alala si Cally kaya niyakap lang siya at inakay sa katabing kwarto, ngunit nabigla na lang ito nang mawalan siya ng malay habang nasa hallway.
Mabilis na tumawag ng tulong si Cally.
Nang magising si Baba, naroon na siya sa isang kwarto ng ospital. Mga mata ng magulang niya ang bumungad sa kanya.
Nabalitaan niya na lang na... kinuha na ng panginoon si Dylan.
She continued crying. Saying how sorry she was.