Chapter 436 - Penelope and Hanz: Acceptance

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hindi alam ni Baba kung ano ang isasagot sa sinabi ni Prince Hanz. Nabigla siya sa pagtatapat nito.

It was him, it was really him! 

So, that is the reason why the man that night was so sweet. The man she remembered is gentle and sweet. Kahit pa nga hindi niya nakikita ang lalaki noon dahil sa sobrang pagkahilo at para siyang lasing na walang maaninag na maayos.

Wala na siyang bitterness na nararamdaman sa nakaraan niya pero hindi niya alam kung paano tatanggapin ng utak niya ang sinabi nito.

"So, you mean you are Kaitlin's father?"

"Yes."

Naniningkit ang mga mata ni Baba sa lalaki. Kinuha niya ang bouquet ng rosas sa mesita at pinagbabato ang lalaki ng mga piraso ng bulaklak . 

"Then, why didn't you tell me? Ikaw na yata ang pinaka-magaling na lalaki sa lahat. Matapos mo akong paasahin ng ilang taon sa pagpapadala ng bulaklak, pinaasa mo rin ako na magkikita tayo, tapos bigla ka na lang pumasok sa kwarto ko na walang pasabi para buntisin ako? Matapos mo akong buntisin, wala ka nang paramdam? Isa kang manyak! Stalker! Babaero ka pa!"

Nang maubos ang bulaklak niya, pinagpapalo niya ito ng natirang bouquet.

Naka-cross ang kamay ni Prince Hanz para hindi tumama sa mukha nito ang bulaklak dahil matinik pa rin ang tangkay niyon kahit papaano. 

Sa garden mismo galing ang mga iyon na pagmamay-ari ng may-ari ng hotel. 

"It's.. It's a long story, I was on my way to Hong Kong that night but the terrorists attacked my country. And it took me weeks bago natapos ang problema sa probinsiya. My country needs me."

Biglang pinigil ni Baba ang pagpalo niya dito ng bouquet. If she remember correctly, nang panahon na pupuntahan dapat siya nito sa Hong Kong ay nabalitaan nga niya ang tungkol sa laban ng Country H sa mga bansa sa Northern Europe. 

"I'll explain everything to you in the future." muling umupo si Prince Hanz sa sofa.

Sasagutin pa sana niya ito kaya lang ay biglang nag-ring ang cellphone niya na ipinatong niya sa ibabaw ng cabinet bago niya ito pagbuksan ang lalaki ng pintuan.

Tinungo na muna niya ang cabinet para sagutin ang tawag. Nakita muli niya ang pangalan ng sekretarya niya. Humihiling siya na sana ay hindi masamang balita ang sasabihin nito.

"Hello." 

"Miss Penelope, the news spreading now is about you and Chairman Hansson. They said you are seducing him para sa anak mo." 

"Ha?" 

"May naglabas ng picture niyo sa huling auction na pinuntahan mo. Then, someone captured him na pumasok sa loob ng apartment mo. They are assuming that you are already hooking up with him just after two nights." 

'Naloko na! Naloko na talaga!'

Kilala siya bilang isang mahinhin na babae. Aral ang kilos at walang nabalitaan na negatibo sa kanya. Pinukulan niya ng masama ang lalaki na nag-eenjoy na nakaupo sa sofa. 

Siya itong na-stress samantalang itong kumag na ito ang may kasalanan! 

"Mag-iisip ako ng paraan." sabi niya sa sekretarya niya.

"Mag-ingat ka Miss Pen"

Tinungo niya ang fridge para uminom ng tubig at pakalmahin ang sarili. 

May ilang saglit din siyang nanatili doon para mag-isip bago niya nilingon ang pwesto ni Prince Hanz. 

Pero nagulat siya nang hindi na makita ang lalaki sa sofa. 

"Shit! Where is he?" 

Nanlaki lalo ang mata ni Baba nang makita ang lalaki na naroon na sa terasa at nagpapahangin na akala mo ay bisita lang ito doon sa apartment niya. 

"You!" tinungo niya ito pero agad na nagflash ang mga camera mula sa ibaba. Muli siyang pumasok sa loob, sa pwesto na hindi siya makikita ng mga paparazzi. 

Wala na! Nalintikan na talaga! 

At ang mokong na lalaki ay nagawa pang kumaway sa ibaba, sa grupo ng mga ito. 

"Come back here!" bulong niya pero halatang nangigigil. Kinawayan niya ito para pumasok sa loob. 

Nagpapadyak pa siya dahil sa pagkainis. 

Ngumiti lang si Prince Hanz. Halatang iniinis siya nito lalo. "I like the view here. I like your place. Unfortunately, you are not safe here anymore." Sabi nito. 

"Come back here!" nilapitan niya ito para hilahin papasok. Nahihirapan na nga siya kung paano ipaliliwanag ang tungkol kay Kaitlin, dumagdag pa ang lalaking ito. 

Sa halip, siya ang hinila nito at kinulong siya nito sa bisig. Mabilis na nagflash ang mga camera. 

"The only way to solve this issue ay harapin mo ang kung ano ang katotohanan."

Nilingon niya ang ibaba na patuloy sa pag-capture sa kanila ng camera. 

"That I, Prince Hanz, is the father of your daughter. Iyon ang katotohanan at hindi tayo nagpapanggap lang. Gets?" hinigpitan nito ang yakap sa bewang niya. 

Nanunuot ang amoy ng lalaki sa ilong niya. Kahit ang hininga nito sa sobrang lapit nila sa isa't isa. 

Binulungan niya ito. "Subukan mong tyansingan ako, I'll definitely crash your balls." kinurot niya ang tagiliran nito. 

Sabay ngiti niya sa camera sa ibaba at naki-kaway na rin. Pinilit nito na huwag ngumiwi. 

"Let me try then, I am looking forward to how you are able to do it."