Hindi maintindihan ni Baba kung bakit siya sumama kay Prince Hanz sa royal suite nito sa hotel kung saan ito tumutuloy sa Paris.
Iyon din ang hotel na tinuluyan nila sa Paris mahigit sampung taon na ang nakaraan.
Nag-iba nga lang ang lahat ng kagamitan sa sala nito kaya hindi niya nakilala.
Kasama niya si Kaitlin na tumuloy sa katabing suite.
Para matapos ang problema, sabay nilang hinarap ang mga reporters na nasa bungad ng apartment niya. Tumawag ng sampung bodyguard ang prinsipe para dumagdag sa proteksyon nila.
Paglabas pa lang nila ng main gate sa bungad, pinagkaguluhan na sila ng grupo ng mga paparazzi. Niyakap niya agad si Kaitlin na nilagyan niya ng mask para maproteksyunan ang anak niya.
"The photos online are true. We have a daughter." Simple lang ang sinabi ni Prince Hanz pero naintindihan agad ng mga paparazzi ang ibig sabihin ng prinsipe.
Ibig sabihin lang ay anak niya ang nasa larawan at ang tatay nito ay si Prince Hanz.
"We only want protection for our daughter. If you felt betrayed by the thoughts of keeping our kid from the public, it's your opinion. But as a parent, we only want safety for our kid."
"But Chairman Hansson, paano namin paniniwalaan na anak mo ang anak ni Miss Penelope? And your daughter looks almost at her teens. How long did you know each other?"
"More than eighteen years."
Napasinghap ang lahat at hindi kinalimutan ang sinabi na iyon ng prinsipe. Patuloy lang sa pagkuha sa kanila ng larawan. Her news of having a kid was already big news. Lalo na nang sabihin nito na matagal na silang magkakilala.
"I hope wala na kayong tanong. We will see you all in our wedding. Thank you!"
Iyon ang mga huling naganap sa ibaba ng apartment niya nang sunduin sila nito na magnanay. Kaya heto siya at napilitan na mag-stay sa royal suite ni Prince Hanz.
Panay ang ring ng cellphone niya simula nang sabihin nito sa publiko na may relasyon silang dalawa. Kaya pati ang mga kamag-anak niya ay panay ang tawag sa kanya.
"I'm going outside!" Sabi niya sa lalaki.
"It's not safe outside." saad ng lalaki.
"I have a meeting today."
"Kung ganoon sasamahan kita."
Hinarap niya ito at humalukipkip siya.
Hindi ba nito naiintindihan na kaya nga niya gustong lumabas ay para layuan ang lalaki kahit saglit.
"Bantayan mo ang anak ko, it's your time to make bonding with your kid." Nasa katabing hotel suite si Kaitlin para magreview habang bakasyon daw nito at pinayuhan silang dalawa na mag-usap.
"Pero gusto ko rin makipag-bonding sa 'yo."
Tila umurong ang dila niya sa sinabi nito. "I-I don't want to see you. I need air, I need space from the universe!"
"But you are my air and my universe."
Baba "..."
Hindi niya talaga alam kung saan humuhugot ng kapal ng mukha ang prinsipe.
"Look, inamin lang natin kanina na may relasyon tayo at may anak tayo. Kung makikita ka ng publiko na mag-isa, what do you think they will believe?"
Natahimik siya sa sinabi nito. Nag-isip siya. Kung tutuusin ay may punto ang lalaki. Ngunit sa panahon ngayon, ayaw na muna niya na makita ang prinsipe sa publiko na kasama siya. Sobrang overwhelming pa ng mga kaganapan sa isipan niya.
She'd rather choose to stay in that room without any paparazzi.
"Let me stay in this room kung ganoon. At ikaw, bond with your kid instead!"
"No! I'll stay here. Where you go, I'll go."
Nanggagalaiti na siya sa galit. Gusto na niyang magpapadyak sa kakulitan nito.
Samantala, nangingiti naman si Prince Hanz sa nakikitang reaksyon ni Baba. Halatang naiinis na ito sa kanya. Natutuwa talaga siya na tudyuin ang babae.
Ilang saglit pa ay tumayo rin naman si Prince Hanz para puntahan si Kaitlin. He gave up dahil baka lalo itong magalit sa kanya.
As much as he wanted to be with Baba, he knows that what happened between them in the past shocked her.
Alam niya na mababawi niya rin naman ito sa mga susunod na panahon dahil nabalitaan niya na wala namang naging nobyo ang babae. Mag-isa itong kumayod para gabayan si Kaitlin.
"Okay, i-interview-hin ko na lang muna si Kaitlin. Take time to rest. Let's have lunch after one hour."
Nakahinga rin sa wakas si Baba nang lumabas ang lalaki sa suite pero may naiwan na bodyguards.
"Follow your boss!" utos niya.
Pero hindi natinag ang dalawang bodyguard. Nanatili na nakatayo sa bungad.
Nangigigil na binuksan na lang ni Baba ang bedroom ng suite na iyon. Ngunit doon siya nagulat.
The room inside was like her own place.
Natatandaan niya ang kama na naroon sa kwarto. Doon siya nagising matapos niyang makaligtas sa Love Drug.
She saw one thousand CD albums sa isang bukas na kabinet na parang naging disenyo na sa loob ng kwarto. Nakasalansan iyon ng maayos. Pantay-pantay at walang naliligaw.
Sure enough, it was her album na para bang pinakyaw nito ang lahat ng CDs niya na first released matapos ang trahedya na naganap sa kanya noon.
'Did he buy all of it?'
Ang mga nakasabit na painting sa pader ay gawa rin niya. Kumuha siya ng isang CD album at nilagay niya iyon sa DVD player na nasa hilera.
Pinatugtog niya ang CD niya na unang beses niya na mapakikinggan matapos ang mahigit sampung taon.
Pumailanlang sa loob ng kwarto ang malungkot na musika ng piano. While she, remembering the past.
****
Hello mga Beshy,
pa like ng Page na FEIBULOUS sa facebook for more updates. Baka sa May or June 2020 mag gift ako ng book. Mag-iisip ako ng mechanics. Hindi muna sa ngayon dahil alam niyo na ang buhay natin, bawal lumabas ng bahay.
Thanks much everyone!