Chapter 439 - Penelope and Hanz: Don't Leave

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Dahil hindi nakatulog ng maayos si Baba nang nagdaang gabi, hinila siya ng antok lalo na at isang mabagal at malungkot na musika ang pumapailanlang sa kabuuan ng kwarto. Idagdag pa, ang magandang view sa labas. 

Nang pumasok si Prince Hanz sa kwarto ay natagpuan niyang natutulog si Penelope sa isang couch malapit sa bintana. 

Umiikot ang malungkot na tugtog ng piano sa  kwarto na iyon. 

Hangga't maaari ay ayaw niyang patugtugin ang musika nito dahil madalas na makaramdam siya ng lungkot. 

Nakasandal ang ulo nito sa gilid ng single couch. 

She was like a fairy, ito ang talagang tingin niya sa babae. Simula noon hanggang ngayon ay iyon ang tingin niya dito. 

Pinagmasdan niya ang nakapikit na anyo ni Baba. Her asian look was mesmerizing. Mapusyaw ang balat nito na katamtaman. Hindi kayumanggi at hindi rin mestiza. Her straight, short black hair ay nababagay sa hugis ng mukha nito. 

Her lashes are long, her thin nose and her thin red lips. He suddenly has an urge to kiss her lips, pero kailangan niyang kalmahin ang sarili. 

Baka matalo siya sa anak niya na nagbigay ng isang linggo kapag nagalit sa kanya si Penelope dahil ninakawan niya ito ng halik. 

Nagagawa pa rin nitong patibukin ang puso niya kahit nakalipas na ang maraming taon. 

She was always in his heart. He first saw her in her early twenties but she was now in her late thirties. 

Kinuha niya ang kamay nito at dinama ang palad nito. He wanted to be with her always. 

Ang huling araw na nagkasama sila ng babae ay nang iwan niya ito sa kwarto kung saan sila naroon sa ngayon. 

He rubbed his big thumb on her hand. If he could go back to a time. Pipiliin niya ang panahon na nakita niya ito na nakasuot ng uniporme sa gitna ng winter. Their first meeting. 

He wished na sana ay magawa nga niya na ibalik sila sa nakaraan. 

Para hindi siya nagsisisi kung bakit hindi niya nagawa na magpakilala sa babae ng maayos. 

Kung nagawa lang sana niya na ibigay ang mga bulaklak niya tuwing concert dito ng personal, baka iba ang naging takbo ng buhay nilang dalawa ngayon. 

Maaaring iba ang kinahinatnan ng buhay nila ngayon. 

Iyon nga lang, wala nang 'what ifs' dahil halos dalawang dekada ang mga taon na sinayang niya. 

He picked up Penelope from the couch. Nagpasalamat ang prinsipe na hindi pa rin ito nagigising. Hiniga niya ito sa kama nang maayos para mas makatulog ito. 

Saka siya tumabi ng hawak ang kamay nito. 

In the past 10 years hindi siya nakakatulog ng maayos. Madalas niya kasing isipin ang dalaga. Kahit pa nga hangga't maaari ay ayaw niyang magkaroon ng balita tungkol dito. 

Whenever he is alone, he is wondering where she is. 

Iniisip niya ang babae tuwing nag-iisa siya. Before he go to sleep. Kung ano ang lagay nito. Madalas din na dalawin siya nito sa panaginip. 

Hindi rin naman kasi maikling panahon ang oras na inilaan niya kay Penelope noon. Personal na pinupuntahan niya ang concert nito noon. Sa Australia, sa Germany, sa iba't-ibang states sa America, Canada, Russia at kung saan pang mga bansa na may concert ito noon. 

Madami siyang effort na ginawa para sa babae noon. Sinundan niya talaga ito kahit saan at nangarap na balang araw ay makakasama niya rin ito. 

Parang hinila rin ng antok si Prince Hanz at sinamahan si Baba sa pagtulog. 

Sa loob ng mahabang panahon, tila ba parang ngayon lang niya nagawa na makatulog nang walang problema na iniisip. 

Nakatulog siya ng payapa dahil katabi niya ang babae na pinangarap niya sa mahabang panahon. 

====

Nagising si Baba matapos makatulog ng mahabang oras. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog pero puro city lights na ang bumungad sa kanya sa labas ng floor-to-ceiling window ng royal suite na iyon. 

Kumikinang ang mga ilaw sa labas ngunit madilim sa loob ng kwarto. 

Agad na lang na nanlaki ang mga mata niya nang may mainit na hininga na dumadampi sa balikat niya. 

Dahan-dahan niyang nilingon ang katabi. Ayaw niya maghisterical. 

Kahit madilim ay alam niyang si Prince Hanz ang nasa tabi. 

Napalunok siya nang bumalot sa pang-amoy niya ang masculine scent nito. Tila ba parang nanggagaling sa ilalim ng malamig na ilog ang amoy ng lalaki.

Hindi masangsang at hindi rin naman matapang ang amoy nito. Para bang may nag-uutos sa kanya na hayaan ang lalaki sa ganoon. 

Nang kumilos ito ay pumikit siya. Baka kasi mahuli siya nito na gising. 

Pumikit siya ng mariin nang higpitan nito ang yakap sa bewang niya. 

"Penelope…" bulong nito na para bang nananaginip. 

"Don't leave me… hmmm…" tapos ay nagpatuloy sa mahinang paghilik. 

Ang alam lang ni Baba kumakabog ng todo-todo ang dibdib niya dahil sa mga narinig.