Sobrang ganda ng siyudad sa gabi. Mas kita ang pag-ilaw ng Eiffel tower sa hindi kalayuan ng hotel.
Tila ba parang isang larawan ng isang propesyunal na pintor ang tanawin sa labas. Ginuguhit din ni Baba sa isipan niya ang view na iyon.
Gusto niyang ipinta ang nakikita ng mga mata niya mula sa kinahihigaan.
Maybe because of the person beside her.
The room was filled with romance. Magkatabi sila ni Prince Hanz sa king size bed nito. Nakayakap sa kanya ang lalaki na para bang ayaw na siya nitong bitawan pa.
Gusto niya ang pakiramdam na iyon. Marahil siguro dahil naroon sila sa Paris. They say, Paris is the city of Love.
Her heart beats fast at parang ayaw nang bumalik pa sa normal lalo na nang marinig ang pangalan niya sa lalaki habang natutulog ito.
Hindi niya mapagmasdan ang mukha ng lalaki dahil madilim sa gawi nila. Hindi niya rin alam kung ilang oras na silang magkatabi sa kwarto na iyon.
Ilang taon na siya at alam niyang wala na siyang time sa lovelife dahil napag-iwanan na siya ng panahon.
She's 38 now but she acted like a girl na natabihan ni crush sa high school.
This was her dream in the past, ang ma-feel na kayakap ang lalaki na may berdeng mga mata. At matapos ang mahabang panahon, ngayon lang niya iyon natupad. Kahit pa naganap na rin naman sa kanila ang ganito noon, wala naman siyang malay at mahimbing siyang nalango dahil sa Love Drug noon.
She chose to stay in his arms. Halos ayaw niyang kumilos kahit kaunti dahil baka magising ang lalaki.
Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong pwesto.
Nagising rin naman si Prince Hanz matapos ang mahabang pagpapanggap ni Baba na nananatiling nakahiga.
Bigla itong kumilos kaya pumikit siya. Binuksan nito ang bedside lamp na nasa gilid ng pwesto nito.
Unang napansin ni Prince Hanz ay parang tuod si Baba na nakahiga, straight na straight.
Inangat niya ang gilid ng labi nang makita na gumagalaw ang eyeballs nito kahit nakapikit na halatang nagpapanggap na natutulog.
Tinungkod niya ang pisngi sa braso at tumagilid paharap dito. He knew that she's awake.
Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ito nagpapanggap na natutulog.
Hinaplos niya ng likod ng kamay ang pisngi nito at naramdaman niya na parang na-tense ito sa ginawa niya. Nais niyang matawa sa inakto nito.
Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit imbes na magalit ito sa kanya na tulad ng palagi nitong ginagawa ay mas pinili nito na magpanggap na natutulog.
Niyakap niya ito sa bewang nang mahigpit at ramdam niya na mas kinabahan ito sa inakto niya.
He took advantage na idikit ang ilong niya sa leeg nito.
He loves her scent. He loves to lock her in his embrace. Hindi niya alam ang pakiramdam na iyon noon. Kaya naman pagsasawain niya ang sarili.
Binawi niya rin naman agad ang huling naisip, hindi niya pala pagsasawain ang sarili na yakapin ito kung hindi gagawin niyang normal at pamilyar na bagay iyon sa pagitan nila.
Inikot niya ang katawan ni Baba at pumaibabaw ito sa kanya. Nagawa niya iyon nang hindi tinatanggal ang pagkakayakap niya sa bewang nito.
Hindi pa rin natinag ang babae sa pagpapanggap nito. Pero naririnig at nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng dibdib nito.
Kaya nauna nang sumuko si Prince Hanz.
"Penelope, I know you are awake." he said.
Biglang nagdilat ng mata si Baba saka humikab na kunwari ay kagigising lang nito.
"Hmmm… h-hey, what are you doing?" pinalo pa nito si Prince Hanz sa dibdib.
Humigpit pa lalo ang yakap ng prinsipe sa bewang ni Baba. Parang gusto niyang matawa sa galing nito umarte.
"Tama na ang pagpapanggap. Kanina pa kita nahuli."
Kahit ayaw ni Baba ay namula ang pisngi at tenga niya sa nadinig. Huling-huli kasi siya nito.
"*cough* my Kaitlin. For sure she's starving now."
"Our daughter is independent and smart. Siguradong nakakain na iyon."
"L-let me go. I need to pee."
Tinaas lang ni Prince Hanz ang isang braso nito sa likod ni Baba.
"I won't let you go. Hindi ko na gagawin ang ginawa ko dati."
Sumuko na si Baba at hinayaan na lang ang sarili niya sa bisig nito.
Matapos ang mahabang katahimikan, inusisa niya ang prinsipe. "How did you get all of my CD albums?"
Alam niya na first issue ang libo na iyon dahil sa serial numbers na nakasulat sa cover nito.
"Tinawagan ko yung recording studio. Sabi ko ibenta sa akin ang lahat."
"Why did you do that?"
"Pwede ko na bang idahilan ang rason na para sa akin ang mga musika na laman niyan."
Nabigla na lang si Prince Hanz nang marinig na humihikbi si Baba habang nakasandal ang ulo nito sa dibdib niya. Hinayaan niya lang ito na umiyak hanggang gusto nito.
Sa palagay niya ay naipon sa dibdib nito ang lahat ng kalungkutan sa loob ng maraming taon.