Chapter 447 - The big surprise

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hindi mapakali si Prin kaya naman naisip niya na magpunta sa Romantik Grand hotel. 

Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip niya lalo na't ilang linggo nang hindi niya makausap o makakwentuhan man lang si Cally. She is wondering kung magagawa nga ng asawa niya na mambabae sa loob ng dalawang linggo kaya madalas na wala ito sa bahay.

Kahit naman kasi noon na marami itong trabaho ay nakakauwi pa rin ito ng maaga. Kahit pa sunud-sunod ang meeting nito ay nakakasama niya pa rin ang lalaki sa hapunan. 

Malakas ang pakiramdam niya na hindi siya kayang lokohin ni Cally. Gusto niya lang masiguro kung tama ang sinasabi ni Mildred. 

Bigla niyang naisip ang reaksyon ni Xander nang makita siya nito nang tanghali ng araw na iyon. Parang nakakita ito ng multo nang makita siya at agad na sinara nito ang laptop. 

What is wrong with him? What is in his laptop? 

Mabilis niyang pinaharurot ang sports car na ginagamit niya para maabutan si Mildred sa hotel. 

Matatampal niya talaga ang babae kapag mali ito ng binigay na impormasyon sa kanya.

=====

"Master, what can I do? Si Ms. Prin kanina pa tumatawag." Nag-aalala na tanong ni Xander na kababalik lang sa hotel dahil ito na ang nag-asikaso ng iba pang kailangan ni Cally sa opisina.

"Tell her that I'm still in a meeting." Sagot ni Cally. Sinilip niya ang oras sa kanyang silver wristwatch. Maaga pa naman ang oras.

Hindi pa naman siguro naiinip ang asawa niya sa bahay. 

Gusto niyang makita kung ayos ang kwarto na pinaayusan niya sa stylist ng ate Baba niya. Bata pa ang babae na naglalaro sa edad na bente. 

He wanted Prin to remember this night wearing her traditional japanese dress kaya naman sinabihan niya ito na magsuot ng yukata.

Nais niyang ayain na magpakasal muli ang asawa niya. He wanted this night to be perfect. In his thought, he never asked Prin to marry him in the past. They got married because their parents wanted them to. 

Ang totoo ay biglaan din ang naging desisyon niya na ito. Nais pa sana niya na sa susunod na weekend pa ang plano niya na proposal kay Prin ngunit hindi niya akalain na biglaan din na magpapakasal ang Ate Baba niya na nakatakda sa susunod na weekend kaya naman mas inagahan niya ang preparation.

Ito ang dahilan kung bakit ginagabi siya ng uwi. He is designing everything for his wife with the help of Baba's assistant and Xander. 

He is planning hard for everything; her gown, the venue, kahit ang singsing at mga bisita ay personal niyang inasikaso. 

Natawagan niya na ang lahat ng kaibigan nila at naroon na ang mga ito sa garden sa loob ng Romantik Grand Hotel. 

Nagkataon sin na dumating ang pamilya ni Kai nang umaga kaya naman dali-dali siyang nagdesisyon na ilipat ang nakatakdang araw, sa araw na iyon. Mabuti na nga lang at walang nasabi si Bella sa asawa niya. Lahat ng kaibigan nila ay naroon bukod kay Baba na naghahanda rin sa kasal nito sa Sweden.

He told everyone na ilihim kay Prin ang bagay na ito at nagpasalamat siya na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pang alam ang asawa niya. 

Kahit ang maghinala ay hindi nito nagawa. 

Kahit pa nga muntik na nitong mabisto ang lahat nang biglaan itong dumating sa opisina niya ng tanghali. Mabuti na lang at agad na tumakas si Xander. 

Nais niyang masuri muna ang lahat bago ayain ang asawa niya na magpunta sa hotel. 

Kasama ang stylist ni Baba, una niyang pinuntahan ang garden. It was perfect. Nababalot ang paligid ng mga cherry blossoms. 

Sunod na ginawa nila ay nagtungo sa hotel suite na nasa pinakamataas na palapag. 

He is smiling while checking on everything. Bahagyang dim ang ilaw dahil tanging electronic scented candles ang nasa paligid at napupuno ng mga pulang rosas ang kwarto.

It was a perfect night. 

"Master Cally, these were everything na request niyo po sa akin." paliwanag ng stylist na nakangiti habang umiikot sila sa loob ng suite. Kasalukuyan silang nasa living room na puno ng pulang rosas. 

Nagulat na lang sila nang may pumasok na lalaki sa loob ng suite. Dali-dali itong lumapit sa kanila. Naka business suit ito, halos kasing tangkad niya ang lalaki. Hindi nalalayo ang edad nito sa assistant ng ate baba niya. 

"Babe, who is this man?" tanong nito sa assistant ni Baba habang turo siya nito. Nakakunot ang noo na nilingon niya ang babae para simpleng tanungin kung sinong herodes ito. 

"Babe, what are you doing here? Ms. Penelope asked me to assist Master Cally!" nakangiwi na sagot nito sa lalaki. 

"He's my client now! What the hell are you doing here?" parang maiiyak ang babae. 

Huminga nang malalim si Cally. Jealous perverts are everywhere. 

"Doon muna ako sa kwarto." paalam niya sa dalawa saka tinungo ang loob ng bedroom para suriin din ang kwarto kung saan naroon ang big surprise niya sa asawa.