Chapter 447 - Where is my husband?

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
The sky was clear. The crescent moon is dreamy. The stars were like the sea of the night sky. 

It was actually a sweet night pero hindi maiwasan ni Prin ang kabahan. 

What would she do if Cally is having an affair with another woman? Ngayon pa lang ay maiiyak na siya kapag nangyari iyon. 

Mabilis na naparada ni Prin ang dilaw na sports car sa parking lot kung saan siya madalas nagpa-park kapag dala niya ang parehas na kotse. 

Masisipa niya si Mildred kapag mali ito ng impormasyon na binigay sa kanya. 

Sinuri na muna niya ang sarili sa rearview mirror ng kotse. Naglagay siya ng pulang lipstick. Yung nagbabaga sa pagkapula na para bang naghahanda siya ng laban. Inayos niya ang buhok na bahagyang nagulo nang niyakap niya si Khalid sa kwarto nito. 

Bahagya niyang hinawi ang bangs niya at inayos ang mga hairpins sa buhok. Maayos din niyang nilagay sa tamang pwesto ang malaking hair accessory na bumagay sa pink niyang kasuotan. 

Matapos masiguro na ayos ang itsura niya, nagmamadali siya na pumasok sa loob ng hotel. 

She was pretty wearing her Yukata. The pink cherry blossoms on her dress were beautiful. Bumabagay sa maganda niyang mukha. 

Tumutunog ang bakya niya sa bawat paghakbang patungo sa opisina ni Mildred. 

Napansin niya na may kasiyahan sa garden na natatanaw niya mula sa entrance bago siya tuluyan na pumasok sa loob. Halos bukas ang lahat ng ilaw sa gawi nito at nasisilayan niya nang bahagya ang kulay pink na cherry blossoms. 

Hindi niya akalain na may event sa hotel sa araw na iyon. Bahagya siyang nakaramdam ng inggit. Nang ikasal kasi sila ni Cally ay nagpirmahan lang sila ng kontrata and boom, they are married! 

Mabilis na tinungo niya ang opisina ni Mildred habang patuloy na tinatawagan si Xander. Hindi pa rin sumasagot ng lalaki. 

Nakaramdam na siya nang pagkainis. 

Unang pagkakataon kasi na hindi ito sumagot sa mga tawag at mensahe niya. Binuksan niya ang pintuan ng opisina ni Mildred at natagpuan ang babae na nakikipagchat sa kung kanino sa online. 

"Anong room number?" bungad niya dito matapos buksan ang pintuan. 

"Miss Prin? Wow! You're pretty!" nabigla ito sa pagdating niya. Agad itong tumayo para suriin siya sa malapitan. 

"Wow!" bulalas muli nito. 

"Wala ako sa mood makipagbolahan. Kapag mali ka ng impormasyon na binigay sa 'kin, masisipa talaga kita palabas ng hotel." banta niya dito habang nakapameywang. 

"No, Miss Prin! Heto ang master key!" kinuha nito sa bulsa ang isang card at inabot nito iyon sa kanya; ang master card sa hotel na iyon. 

"Susuportahan kita para sabunutan ang mistress ni Master Cally. Hindi ba niya alam na bawal nakawin si Master?! Pa'no ko pa makikita muli si Master Cally araw-araw kapag naghiwalay kayo? kaya, No! Kailangan nating putulin ang kalokohan niya ngayon pa lang!" halata na determinado ang sekretarya niya at siguradong-sigurado ito. 

"Hey! Walang naging kabit ang asawa ko sa tagal ng relasyon namin, Okay? I will check on it para masipa kita agad! And to prove you wrong. Hmp!" inirapan niya ito. 

Hinawakan siya nito sa mga balikat. "Sasamahan kita, Miss Prin! Sasamahan kita na sabunutan ang babae!" sabi nito. 

Para maabutan kung ano man ang dapat na abutan, hawak ang master card key, tinungo nila ang pinakamataas na palapag ng hotel na iyon. 

Si Mildred naman ay kinuha ang walis-tambo sa nadaanan nilang facility area na para bang handa rin ito sa laban. 

Bahagya siyang kinakabahan habang sakay ng elevator. 

Nag-inhale exhale siya para kalmahin ang sarili. 

Natagpuan nila si Xander na nag-aabang sa hallway malapit sa pintuan ng unit na tinuro ni Mildred. Naroon daw si Cally. Dumoble ang kaba ni Prin. 

Nakatingin si Xander sa cellphone nito at parang hindi mapakali. Hinila na muna niya si Mildred sa gilid ng pader na may malalaking halaman para hindi sila mapansin ng assistant ni Cally. 

Bahagya niya itong sinilip at sinenyasan si Mildred na huwag gagawa ng ingay. Tinapat nito sa bibig ang hintuturo saka tumango. 

Tinawagan niya ang cellphone ni Xander habang sinisilip ang reaksyon nito. 

Nagulat ang lalaki nang tumunog muli iyon. Halos mabitawan nito ang cellphone ngunit mabilis na nakabawi at saka sinagot ang tawag niya. 

"Where is Cally?" bungad niya dito. 

"M-Miss Prin!" 

"Nasaan ang asawa ko?" 

"Na-nasa business meeting pa kami Miss Prin." 

Nagkaroon ng hindi magandang impresyon si Prin sa sagot nito kaya naman mainit ang ulo na lumabas siya sa pinagtataguan at malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang lalaki. 

"Where is my husband?" ulit niya sa harapan nito. 

"Ahhh!!!" mabilis na tinakasan ng kulay si Xander nang makita siya. "Miss Prin bakit kayo nandito?" 

"Mildred!" sinenyasan niya ang sekretarya niya at nilabas nito ang walis-tambo mula sa likuran at itinapat iyon kay Xander. 

Binuksan niya ang katabing kwarto gamit ang master card key at tinulak papasok doon si Xander. 

"Bantayan mo ang taksil!" utos niya kay Mildred

"Isa kang taksil!" saad ni Mildred kay Xander at tinapat dito ang walis-tambo. 

"Miss Prin, this is wrong! Napag-utusan lang ako ni Shi!" reklamo ni Xander na parang maiiyak. 

Hindi niya na ito pinansin at sinara ang kwarto kung saan ito nandoon. Bahala si Mildred dito. Mainit ang ulo na tinungo niya ang katabing kwarto. 

Parang sumapi na sa kanya si Medusa dahil sa sobrang init ng ulo niya.