Chapter 448 - I hate Mistresses

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Humugot ng malalim na hangin si Prin para pakalmahin ang sarili.

Hindi pa man ay bahagya nang tumutulo ang luha niya. Bahagya siyang nagduda dahil nagsinungaling sa kanya si Xander.

Iniisip niya rin kung sa loob ng ilang linggo ay madalas na kasama ni Cally ang kung sino man na kasama nito.

Binuksan ni Prin ang hotel suite kung saan daw naroon si Cally gamit ang Master card key. 

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan saka pumasok. Isang metrong pasilyo kasi ang bungad ng suite.

Amoy citronella ang kabuuan ng kwarto na agad na nanuot sa ilong niya. Bagyang dim ang ilaw na tila at gumagalaw pa ang tila apoy ng mga electronic scented candle. 

Tulad ng description ni Mildred, puno ang kabuuan ng kwarto ng mga pulang bulaklak. 

It was super romantic.

Parang tinarak ang dibdib niya nang makita ang bulto ng isang babae na maganda, s.e.xy at halatang mas bata sa kanya ng ilang taon. Mukhang naglalaro lang ito sa bente anyos. 

Kahit pa nga dim ang ilaw, hindi iyon nakaligtas sa kanya.

Nakayakap nang mahigpit sa bewang nito ang bulto ng lalaki na sa tingin niya ay si Cally na nakagilid patalikod sa kanya. Nakasandal ang ulo nito sa balikat ng babae at tila sila nagsasayaw.

Hindi na nakapag-isip ng maayos si Prin. Mabilis niya itong nilapitan sa pagitan ng mga luha at sinipa ang bayag nito mula sa likuran.

"Aw!" Tila tinakasan ng kulay ang lalaki at namilipit sa sakit. Kumapit ito lalo sa katawan ng babae.

"Walang hiya ka! Matapos ang lahat ng ginawa ko sa iyo, kaya mo pa akong lokohin." Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa mga luha.

Naninikip ang dibdib niya dahil sa sakit. In her thought, matapos ang lahat ng pinagdaanan nila ng asawa niya ay nakaya pa rin nito na lokohin siya.

"Hu hu hu.." Hinablot niya ang lalaki sa kwelyuhan nito at sinuntok ito nang ubod-lakas. Tumilapon ito sa pader na puno ng mga rosas. 

Mabilis na nagkalat ang mga rosas sa sahig. Nilapitan muli niya ang lalaki at binigyan ng upper cut. Saka tinuhod muli ang maselan na parte ng katawan nito.

"Dapat dinudurog na ang bayag mo para hindi ka na makapanloko pa! Hu hu hu.."

Nakapagtataka na hindi man lang siya nito mapigilan. Siguro guilty ito sa ginawa nito.

"Ahhh!!!" Napasigaw ang babae habang ginigulpi ni Prin ang lalaki.

Panay ang iyak ni Prin na hinablot ang TV sa gilid at binasag iyon sa ulo ng lalaki. 

Hindi na siya makapag-isip ng maayos. 

"Aughhh.." Ang tangi na lang na nasabi ng lalaki na napadapa at halos hindi na makatayo. Napadapa ito at namilipit sa sobrang sakit ng buong katawan nito. Nagdudugo na rin ang mukha nito dahil sa gulpi ni Prin.

"Hu hu hu hu…" basa ng mga luha ang mukha niya at hindi na naka-move on pa.

"Who the hell are you?" Galit na tanong ng babae kay Prin. Lumapit ang babae sa lalaki na namimilipit sa sakit ang katawan. 

"Honey, are you okay?" Nag-aalala nitong tanong

"Aughhh… Honey…" tila tunog-alien na ang boses ng lalaki dahil sa gulpi na inabot nito kay Prin.

Gusto niyang matawa 'Honey?' Akalain mong Honey rin ang tawag ng kumag na ito sa babae.

Bakit? Para ba hindi na ito nalilito?

"How dare you?! Sabihin mo sa akin kung kailan mo pa ako niloloko? Porke ba retokada na ko, hindi na tunay ang lahat sa akin, nagagawa mo na ang manloko?"

"Huhu… I tried my best naman na ibalik ang dati kong mukha ah… I paid millions para lang ibalik ang mukha ko. Para lang hindi na ako mukhang lola ni Spongebob..." Nang bigla niyang maisip na si Cally nga pala ang nagbayad ng doktor niya. Lalo siyang naiyak.

"Hu hu hu... hindi nga pala ako ang nagbayad." Bigla niyang naiusal na parang bata.

Kung saan-saan lumilipad ang isip niya habang panay ang ngawa niya sa loob ng may kadiliman na kwarto. Pakiramdam niya bigla ay walang Prin Matsui kung wala ang asawa niya.

"You told me you love me wholeheartedly. Why are you doing this to me? Pa'no na si Khalid? Paano na ang anak natin? Paano na ang pamilya natin?" Mga katanungan niya dito.

Naghahalo na ang sipon niya at mga luha sa pisngi. Dinampot niya ang box ng tisyu sa ibabaw ng mesa saka suminghot ng napakadami.

"What the hell are you talking about?!" Galit na ang babae. 

Hinarap niya ito.

"Ikaw! Ginagamit mo ang mukha mo sa lalaking may-asawa! I hate mistresses like you!"

Nag-init ang ulo ni Prin kaya malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito. Plano niyang gulpihin ang babae para hindi na ito makapang goyo pa ng lalaking may asawa.

Sasampalin niya na sana ito nang bigla siyang hilahin ng kung sino at yakapin. "Honey, stop! what are you doing?"

Tila siya nahimasmasan nang madinig ang tinig ng asawa niya. Lalong lumakas ang pag-iyak niya. 

Biglang bumukas ang pinto.

"Miss Prin!!!" nagmamadali na pumasok si Mildred. Nakangiwi ito nang makita ang ayos ng kwarto. 

"I'm… wrong…" kagat nito ang labi matapos ikutin ang paningin sa buong kwarto.

Kasunod nito si Khalid na hinatid ni Xia, at si Xander. 

Nagkalat ang liwanag sa kabuuan ng kwarto matapos buksan ni Xander ang ilaw. Napangiwi na lang ito matapos makita ang buong kwarto. 

Naghahalo na ang duguan na lalaki sa mga pulang rosas sa sahig.

Nabigla din si Prin kahit pa panay ang singhot niya nang makita nang mas malinaw ang lalaki na ginulpi niya. 

"Wh-who are you?" Nanlalaki ang mata na tanong niya dito saka niya nilipat ang paningin kay Cally na nakayakap sa kanya.

"Mildred, what did you do?" Nang-aakusa ang tingin ni Khalid sa babae. 

"Tsk tsk! You must hide somewhere in the desert." Napapailing na dagdag nito at halatang nananakot. 

Nayari na! Lagot na! Gustong magtago bigla ng sekretarya ni Prin at pagkasyahin ang sarili sa loob ng ref.